Chapter 4: Zen

35 7 0
                                    

•Grace POV•

"Ah-Sev-"

"Good morning maam" sabay-sabay na pag-greet ng mga kaklase ko sa adviser namin at nakatayo sila lahat.

Bad trip. Hindi ko tuloy natanong si Seven. Nakita kong nabaling ang tingin sa akin ni maam. Oh my god, nakaupo pa pala ako. Shit, sermon nanaman ako nito.

"Okay class, take your seat" bilin ni maam sa mga kaklase namin na tumayo. "Uhmmm. Grace" tawag ni maam sa pangalan ko at agad akong kinabahan. Punishment, may punishment ako. Katanga ko talaga.

"Since, wala kang respeto, tatayo ka lang until matapos ang buong klase ko" sigaw ni maam sa akin at nagtawanan ang mga kaklase ko. Shit pahiya is real.

Nilingon ko si Seven na at nakita ko sa mga mata niya na parang may awa, tinitigan niya ako sa mga mata ko na naluluha na dahil sa sobrang kahihiyan.

Hinawakan niya ang kamay ko na nanginginig at bigla din siyang tumayo. Katabi ko siya kayat kitang-kita kami sa buong room. At nakita ko din na nagtinginan ang lahat ng mga kaklase namin pati na rin ang aming adviser.

"Maam, Can I request a favor?" Tanong niya kay maam. Pero ako nasa iba ang atensyon ko. Nakatingin ako sa kamay ni Seven na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang mga nanlalamig at nanginginig kong kamay.

Sabay-sabay na nagtinginan ang mga kaklase namin sa adviser namin at nagsalita rin si maam "Yes, Seven. Ano yun?" Pabalik naman na tanong ni maam.

Nagtinginan ulit ang mga kaklase namin sa amin at halatang naghihintay ng sagot. Ibinaling ko na ang tingin ko kay Seven at hinihintay ko din ang hinihingi niyang pabor.

"Pwede po bang paupuin niyo na lang si Grace,at ako na lang ang tatayo sa whole class?" Sagot ni Seven kay maam. no. Hindi pwede, kasalanan ko ito so dapat ako ang mapaparusahan.

"No" pabulong ko kay Seven na halatang ayaw na patayuin siya.

"Your my friend, Grace. I don't want to see you suffering" sagot naman ni Seven sa akin na nakangiti pa at dahil dun,parang napanatag ang kalooban ko. But may sumingit.

"Why your always protecting that girl?" Nandidiri na tanong ng isa sa mga babaeng kaklase namin na si Zen. At tumango tango naman ang iba na parang sang-ayon sa tanong ni Zen.

Tumingin si Seven sa direksiyon ni Zen at ngumisi. "Because the girl you are talking about, is the most important girl for me" pasimpleng sagot ni Seven. Ako, importante ako kay Seven. Biglang bumilis ang heartbeat ko sa sinabi ni Seven.

Pagtingin ko sa kanya, nginitian niya ako na abot langit. Nakakagaan ng loob.

May narinig akong pumalakpak na isa hanggang sa naging dalawa at namalayan kong lahat sila nagpapalakpakan na maliban siyempre sa mataray na si Zen.

Inirapan pa niya kami sabay umupo sa kanyang upuan na padabog at halos magtinginan lahat ng mga kaklase namin sa direksiyon niya at pati na rin si maam. Lagot siya ngayon, ayaw pa naman ni maam ng mga ganun na tunog.

"Zen, remain standing until my class will end" sigaw ni maam kay Zen. Buti nga sa kanya. "And you two" turo sa aming dalawa ni Seven "You can now take your seat" bilin sa amin ni maam.

Binigyan ako ng nakakagaan na ngiti ni Seven bago kami sabay na umupo. Oh diba bongga. Mabilis ang karma.

Nakatayo si Zen hanggang sa magdismiss si maam. Nakakaawa siya pero dapat lang sa kanya yun noh. dapat talagang parusahan ang mga kagaya niya.

--------

"Lunch tayo, libre ko" pag-aanyaya ko kay Seven habang inaayos ko ang gamit ko. Napansin ko kasi kanina na nakatingin lang siya kay Zen simula nung magsimula ang klase. Hindi ko nalang siya tatanungin baka kasi makadagdag pa ako sa problema niya.

Kami na lang pala ang natira ni Seven sa classroom dahil nauna na ang iba pati na rin si Jenny. Nitong mga nakaraang araw, hindi na siya gaanong sumasabay sa akin dahil lagi niya namang kasama si Carl. Baka daw kasi maubusan sila ng upuan sa canteen.

"Wow, himala yata" pabirong sagot naman sakin ni Seven. Naalala ko, sa tinagal-tagal na mag kaibigan kami, ngayon ko lang siya ililibre dahil siya naman palagi ang nanlilibre.

Sinamaan ko siya ng tingin. Grabe naman toh. "Siyempre. Peace offering ko sayo dahil iniligtas mo ako kanina" sagot ko naman sa kanya.

"Okay" agad naman niyang tugon na tumatango-tango pa habang naka harap ang nasa babang labi. Mukhang kang bata Seven! Pero cute ka pa din. Sabi ko sa isip ko habang nakatitig sa kanya.

"Diba nangako ka na tayo ang magkasabay ngayon?" Pasingit ng lalaki na papalapit sa kinatatayuan namin ni Seven.

habang papalapit ng papalapit yung lalaki, mas nakikilala ko kung sino siya. Siya lang naman si mr. Day Breaker, Jhon Carlo.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at lumingon ulit ako kay Seven. Pagkatingin ng pagkatingin ko sa kanya, agad kong napansin ang malungkot niyang mga mata.

Tinignan niya ang mga mata kong diretso at halatang napilitang ngumiti "Oh, may kasabay ka naman na pala" sabi niya na suot pa rin ang mga malungkot na ngiti.

"No,hindi" naiiritang sagot ko naman kay Seven. Bwisit na Jhon Carlo ito oh, bakit ba kasi hindi nalang siya mawala. Isss kainis talaga.

"Anong hindi eh nangako ka na" singit nanaman ni Jhon Carlo. Makaimbento ito wagas ah.

Umiling ako at liningon ulit si Seven. Nginitian niya ulit ako gamit yung mga ngiti kanina at bigla nalang naglakad "Una na ako" sigaw niya nung makalayo na siya sa kinaroroonan namin ni Jhon Carlo.

Bwisit. Bwisit . Bwisit . Sa sobrang kainisan ko, feeling ko tuloy namumula na ang mukha ko at handa ng sumabog ilang segundo nalang ang bibilangin.

Linapitan ko si Jhon Carlo na medyo natatawa pa. Mukhang masaya pa itong mokong na ito ah.

"You!" Sigaw ko sa kanya habang tinuturo-turo pa. Nilapitan ko siya hanggang sa ilang pulgada nalang ang bibilangin dahil sa sobrang kainisan. Gusto ko siyang pulbusin.

Tinignan niya ako na gulat na gulat "Ako?" tanong naman niya sa akin. Bakit may iba pa bang tao dito. May multo ba ha. Punyetang lalaki toh.

"Sino pa nga ba. You stupid day breaker." Nang-gigigil na sigaw ko sa kanya. "Diba sinabihan na kita na huwag ka ng magpapakita?" Diin na sigaw ko sa kanya para feel niya talaga ang galit ko.

-------

A/N

Kung nagustuhan niyo po ang kahit na anong chapters, please vote po. Please comment if their are any problems or suggestions, handa po akong tanggapin lahat ng inyong mga comments. Please vote my story.Thank You.

Past True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon