Chapter 20: Room #17

9 1 0
                                    

•Grace's POV•

"Good morning Grace!" malakas na sigaw ng lalaking nasa harapan ko ngayon na siyang dahilan ng pagbalingkwas ko sa bangon.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at medyo nasilaw ako sa liwanag dahil masyado na palang umaga.

"Bakit dito ka natulog?" tanong niya sa akin.

Oo nga pala, hindi na ako pumasok sa kwarto kagabi dahil sa pagod ko sa pag-iyak kaya dito na ako nakatulog sa upuan.

Nginitian ko lamang siya at umiling na parang sinasabi na walang lang.

"Ready for the activity?" tanong niya ulit sa akin na nakangiti.

"Anong activity?" naguguluhan na tanong ko sa kanya. Wala namang napag-usapan ang klase na may mangyayaring mga activity dito ah dahil nandito kami upang mag chill at magpahinga.

"Este mission pala" sabi niya ulit habang nagkakamot ng ulo.

Ano pa bang mission ang gagawin namin eh tapos na man na. Nagkamabutihan na ulit si Seven at Jenny.

" Carl diba tapos na?" tanong ko sa kanya habang hinahanap ang aking bagahe sa gilid ng tinulugan kong upuan.

Nung makita ko na ang bagahe ko, agad ko itong binuksan at kinuha ang suklay ko sa loob ng bulsa ng maleta ko.

Tinignan ko si Carl na nakakunot ang noo dahil wala akong nahintay na sagot niya sa akin sa tanong ko kanina.

Nang mapansin kong lumungkot ang kanyang mukha na kanina ay excited lang, agad ko siyang tinanong. "May problema ba?" tanong ko sa kanya habang sinusuklay ang waistlenght kong buhok.

Umiling lamang siya at tinignan ako at ngumiti na parang wala lang talaga ng lahat. "Wala, pasok muna ako sa loob ha" nakangiti niyang sabi bago siya humakbang palayo sa kinaroroonan ko.

Huminga ako ng malalim bago ko napagdesisyunang ipasok na sa loob ng kwarto ang mga bagahe ko at para makapag-ayos na rin ako ng sarili ko.

Binuhat ko ang napakabigat kong maleta at nagsimula ng maglakad habang tinitignan ang mga nakasulat na pangalan sa bawat pinto na siyang nakalagay upang malaman kung sino-sino ang magkakasama sa isang kwarto.

Sa dami ng pinto na nadaanan ko, sa wakas nakita ko na ang pangalan ko. Binasa ko ang mga pangalan ng mga kasama ko sa kwarto na toh at shocks. Bakit sila pa ang mga kasama ko. Ughhh. Nanloloko ba si god.

Room #17
Jenny Saranay
Seven Cruz
Carl Stephan
Grace Mandino

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at kung swineswerte ka nga naman oh, walang tao kaya mas maganda nalang toh dahil parang gusto kong mapag-isa ngayon eh.

Inilapag ko ang bagahe ko sa bakanteng kama na parang nakalaan talaga para sa akin na malapit sa malaking bintan ng kwarto na toh. Mula dito, matatanaw mo ang malawak na karagatan sa labas pati na rin ang white sand ng beach. Yahooo.

Kinuha ko ang towel, shampoo, sabon, toothbrush at toothpaste ko sa loob ng bagahe ko pati na rin ang damit na gagamitin ko. Dumiretso ako sa bathroom at inopen ko na ang shower nito.

Habang nagsasabon ako ng katawan ko, may narinig akong tiliian sa labas ng banyo na mukhang galing sa kama. Binilisan ko na ang pagligo ko at baka masilipan pa ako dito.

Agad na akong nagbihis at lumabas ng banyo habang pinupunasan ng sarili ko ng towel ang basa kong buhok.

Pagkalabas ko ng banyo, nakita kong naghaharutan nanaman sina Jenny at Seven sa iisang kama. I think yung kama yun ni Jenny dahil nasa tabi yun ng kama ko eh. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanila at naglakad papunta sa kama ko.

"Good morning Grace!" sabay nilang bati sa akin but i dont care. Ano namang kinaganda ng araw noh, nasira kaya. Kaaga-aga nghaharutan, minsan nakakainis na rin eh. Nilalanggam na ako eh.

Pinilit ko nalang silang nginitian para naman di nila sabihin na bastos ako kahit na yun ang gusto kong ipakita ngayon sa harap nila. Parang hindi na sila yung dati kong kaibigan eh, may nagbago talaga sa kanila.

Nang maiayos ko na ang mga gamit ko at matapos na iligpit ang mga kalat sa kama ko, napg-isipan kong maglibot sa labas dahil nakakastress tong dalawa dito sa tabi ko eh. Kung ganito lang araw-araw ang makikita ko, mas gugustuhin ko nalang mabulag.

Lalabas na sana ako ng kwarto nang mapanin kong nandun pala si Carl sa kam niya at nagccp habang may nakasuot na headphone sa dalawa niyang tenga.

"Carl tara sa labas" anyaya kosa kanya at tumingin naman siya sa akin.

Narinig ba niya ako? Ang hina kaya nung pagkasabi ko. Siguro walang music yung headphone niya.

Bumangon naman siya sa kama niya at isinabit ang kanyang headphone sa kanyang leeg.

"Lets go" anyaya niya sa akin at sabay na nga kaming lumabas sa kwarto na yun at pumunta sa gilid ng dagat.



A/N

Kung nagustuhan niyo po ang kahit na anong chapters, please vote po. Please comment if their are any problems or suggestions, handa po akong tanggapin lahat ng inyong mga comments. Please vote my story.Thank You.






Past True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon