Chapter 28: Goodbye my love

14 1 0
                                    

• Grace's POV•

"G-grace, anak" paninimula ni tita. "Kailangan niyang operahan ASAP sa ibang bansa" sabi  sa akin ni tita.

Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko, tumigil ang pagtakbo ng oras, at bumagal ang pagtibok ng puso ko.

Mahihiwalay na sa akin si Jhon Carlo.

Pilit kong maging matatag sa harapan ni tita bago ako nagtanong.

"Kailan niyo po siya balak ipaopera tita?" pinipigil ko ang unti-unting pagbabasag ng boses ko.

"Bukas na bukas din Grace...pagsapit ng 5:00 ng umaga, magpakatatag ka anak" bilin sakin ni tita.

Napayuko nalang ako at tinignan ko ang wrist watch ko.

4:30 a.m

Pumatak na nanaman ang mga luha ko. "Tita, pwede ko po ba siyang makita?" maluha-luhang tanong ko kay tita.

Nginitian niya ako at saka siya tumango. Hindi ko na sinayang ang oras ko at gagd na akong pumasok sa loob ng kwarto kung saan nakahiga ang walang malay na si Jhon Carlo- ang lalaking mahal ko.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanyang kama at pagdating ko mismo sa gilid ng kanyang kama, hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Hindi mo naman ako iiwan diba?, babalik karin ha, ipangako mo yan" nagmumukha na akong tanga na kinakausap siya kahit hindi naman niya ito marinig.

"Sasagutin pa kita diba, magiging tayo pa naman diba?" napahigpit na ang pagkapit ko sa mga kamay niya.

"G-guguluhin mo pa ang mga m-masasayang a-raw ko eh"utal-utal na sambit ko...

"Sino nalang ang tatawag sakin ng Princess"

"Pasensya na ha, hindi ko ito nasabi sayo, Jhon Carlo, mahal kita, mahal na mahal kita" dire-diretso ng umagos ang mga luha ko.

"Ang unfair ng mundo satin noh, kung kailan naman okay na tayo, saka naman dumating ang sangkaterbang problema"

Bawat oras na pumapatak, kumikirot ang puso ko.

4:55 a.m

"siguro hanggang dito muna tayo, hihintayin kita Jhon Carlo, salamat sa mga araw na pinasaya mo ako, salamat sa pagtitiis sa ugali ko, salamat sa pagmamahal na binigay mo sakin kahit na hindi ko manlang ito pinansin"

"I love you my Prince" Napapikit nalang ako sa sobrang kirot ng puso ko...

"Grace, Tahan na, magiging okay din siya" sambit ni tita.

Masakit man isipin, masakit man sabihin, masakit man gawin ay kakailanganin...Paalam muna sayo mahal kong Jhon Carlo, hanggang sa muli nating pagkikita, hayaan natin na tadhana ang magtagpo sa ating dalawa...

Pinagmasdan ko na lamang ang sasakyan nina tita at ni Jhon Carlo na papalayo sa kinaroroonan ko...pinagmasdan ko ang pag-alis nito hanggang sa itoy maglaho...

My love will see you through

"I love you my Prince" Napapikit nalang ako sa sobrang kirot ng puso ko...

"Grace, Tahan na, magiging okay din siya" sambit ni tita.

Masakit man isipin, masakit man sabihin, masakit man gawin ay kakailanganin...Paalam muna sayo mahal kong Jhon Carlo, hanggang sa muli nating pagkikita, hayaan natin na tadhana ang magtagpo sa ating dalawa...

Pinagmasdan ko na lamang ang sasakyan nina tita at ni Jhon Carlo na papalayo sa kinaroroonan ko...pinagmasdan ko ang pag-alis nito hanggang sa itoy maglaho...

My love will see you through

Naisipan ko ng bumalik sa resort. Pinili ko na lamang maglakad sapagkat malapit na lang naman.

Habang naglalakad ako sa kawalan, sumabay sa pagpatak ng luha ko ang malakas na pagbuhos ng ulan. Pawang nakikiramay ang paligid sa lahat ng mga sakit na aking nararamdaman.

Kasalanan ko ito lahat eh, naging manhid ako sa nararamdaman ko. Masyado akong nagpaapekto sa nangyaring nakaraan. Hindi ako nakikinig sa kahit na anong paliwanag, ako ang may kasalanan kung kayat dapat lang na ako ang masaktan ng lubusan.

Umupo ako sa gilid ng kalsada habang basang-basa na ang damit sa sobrang lakas ng ulan. Wala akong balak sumilong dahil nararapat lang sakin ito, para sakin lahat ng ito...kung tutuusin kulang pa ito sa lahat ng kasalanang nagawa ko eh.

Nagtaka ako kung bakit tila tumigil ang ulan sa pwesto ko.

Napatingin ako sa itaas at may nakita akong isang lalaki na nakahawak ng payong at tila pinapayingan ako.

"Tara na, magkakasakit ka niyan eh" anyaya niya sa akin at saka siya ngumiti.

A/N

Kung nagustuhan niyo po ang kahit na anong chapters, please vote po. Please comment if their are any problems or suggestions, handa po akong tanggapin lahat ng inyong mga comments. Please vote my story.Thank You.

Past True LoveWhere stories live. Discover now