Chapter 2: Dream

70 10 2
                                    

•Grace POV•

"Uhmmm, Jenny. Mauna ka ng umuwi at may gagawin pa ako" pamamaalam ko kay Jenny.

"Sige, kita tayo mamaya sa bahay. Umuwi ka ng maaga" bilin naman niya sa akin. Magkasama kami sa iisang apartment dahil yun ang napagkasunduan namin noong high school pa lamang kami. Ayaw naming maghiwalay.

Tumango lamang ako at tumakbo na papunta sa amimg gymnasium. Habang tumatakbo ako, napapansin kong dumidilim na at mukhang uulan pa. Dumiretso muna ako sa locker room at kinuha ko yung payong ko dun, in case na umulan nga..

Habang hinahalungkat yung locker ko, naalala kong dala ko pa pala yung bulaklak, baka kasi makita ito ni Seven kaya inilapag ko na lang doon sa loob ng locker ko.

Pagdating ko sa gym, nakita kong nagprapractice na sila at basang-basa sa pawis si Seven.

Umupo muna ako sa isang bleacher habang pinapanood si Seven habang naglalaro.

"Grace" sigaw sa akin nung nasa tabi ko. Muntik na akong matumba sa kinauupuan ko sa sobrang gulat.

Napansin niyang nagulat talaga ako at bahagya siyang ngumiti.

"tapos na?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes" sagot naman niya. Bigla nanamang pumasok sa isip ko si Jhon Carlo. Kung kaya tanungin ko siya about sa mga lalaki.

"Paano mag move-on ang lalaki?" Tanong ko kay Seven, nahalata kong medyo nagulat siya sa tanong ko.

"Ah, ang alam ko, kapag di na niya nakikita ang mahal niya at unti-unti ng nag-iiba ang feelings niya" sagot naman niya na mahinahon.

Tumango ako "okay"

"Bakit mo natanong" tanong niya na halatang nacucurious.

"Ah-e ,wala lang" sagot ko naman na shineshake pa ang dalawang kamay.

Nakita kong tumango siya at nagligpit na ng gamit "Hatid na kita?" Pag-aanyaya sa akin ni Seven.

OMG si crush niyaya ako na ihatid sa bahay, wow first time. Ako tatanggi, no way.

"Wag na" walang hiya na bunganga toh, gusto ko magpahatid ughhhh. Panira ng moment.

"Halika na" sabi naman niya sabay kaladkad sa akin at nakahawak siya sa kamay ko. Shit hawak niya kamay ko, ang bilis ng heartbeat ko parang gusto nang lumabas sa kinalalagayan niya.

Pagpasok namin sa kotse niya, hindi ko pa rin maisip na hinawakan niya ako, at ngayon ihahatid ako sa apartment ko. Lord end of the world na ba kaya pinapasulit niyo na siya sa akin?

Tahimik ang biyahe namin. Ayaw ko ring mag-ingay dahil hindi ko naman alam ang gusto nito kung nagbibiyahe dahil first time kong makasama siya sa loob ng kotse niya.

Pagdating namin sa tapat ng apartment ko,agad kong binasag ang katahimikan dahil napanis na ata laway ko sa sobrang tahimik kanina, wala akong narinig maliban sa tunog ng engine.

"Pasok ka muna" pag-aanyaya ko sa kanya na nakangiti.

"Ah hindi na, baka kasi hinahanap na ako ni mommy" sagot naman niya.

Oh sayang tapos na ang masayang araw ko. Pwede pa siguro bukas..hehehehe.itsusera lang.

"Ah okay bye" pamamaalam ko habang nag wewave ng kamay.

"Ingat" sabi naman niya. He cares for me, wow may feelings din kaya siya sa akin. No, kung ano-ano nanaman ang iniisip ko....Hindi ko alam kung ilang minuto ako dung nakatayo sa pintuan ng apartment namin ni Jenny nang mapangdesisyunan kong pumasok na sa loob.

Past True LoveWhere stories live. Discover now