Chapter 22: Carl?

20 1 2
                                    

•Grace POV•


"Nakakatawa diba" sabi niya sa akin na ngumingisi-ngisi pa.

Hindi nalang ako nagsalita at hinihintay lang ang mga susunod pa niyang sasabihin.

"Matagal ko ng kaibigan si Jenny eh. Pero bakit ganun" pagpapatuloy niya. "I gave everything to her, i gave her all the things that she wants" sabi niya at nahalata kong medyo nababasag na ang kanyang boses.

Mahal ba niya si Jenny? May gusto ba siya kay Jenny? Nagseselos din ba siya sa kanilang dalawa?

Tinignan ko siya sandali at nakita kong namumula na ang mga mata na parang pinipilit ang mga luha na huwag lumabas. "Carl?" tanong ko sa kanya nung medyo namumula na siya.

Ibinaling niya ang tingin sa akin at tumulo na nga ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Nginitian niya ako at saka siya ulit nagsalita. "Oo Grace. Mahal ko si Jenny. Matagal na. Nakakatawa diba" sunod-sunod niyang sabi sa akin na siyang kinagulat ko.

Pagkatapos niyang sabihin ang mga yun, sunod-sunod na ngang tumulo ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan. At sa mga sinabi niyang yun, dun ko napagdugtong-dugtong ang mga pangyayari.

Kaya pala umiiyak si Carl noong sinilip namin silang dalawa?. Kaya pala lagi nalang siyang malungkot kung makikita niya yun dalawa. Lahat ng mga tanong sa isip ko na matagal ko ng tinatago ay nasagot na ngayon.

"Bakit mo hinayaan na maging sila ulit?" tanong ko sa kanya na hanggang ngayon ay naguguluhan parin.

Pinunasan na niya ang mga luha niya at tumingin na ulit sa napakalawak na dagat. Maiinit na rin dito sa labas at marami na ring mga tao sa dagat na nagpapaalon.

"Dahil alam kong doon siya magiging masaya" sagot niya sa akin "Dahil kung talagang mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para mapasaya lang siya kahit na ikaw ang masaktan" pagpapatuloy pa niya.

Sa sinabi niyang yun, biglang pumasok sa isip ko ang panaginip ko nun about kay Jhon Carlo. Sinabi niya sa akin na kung saan ako magiging masaya, gagawin niya. Mahal nga talaga ako ni Jhon Carlo. Hahahaha.

"Darating din ang taong para sayo" nakangiting bilin ko sa kanya at umalis na nga ako sa tabi niya at hinanap ko si Jhon Carlo. Hindi ko alam kung bakit ko siya pupuntahan, basta bigla na lamang kumilos ang mga paa ko eh at bigla na lamang akong sumaya.

Natanaw ko si Jhon Carlo na nakaupo sa may lilim ng isang palm tree. Tumakbo ako sa kanya at tumabi sa may bandang kanan niya.

"What's up prince ko!" masayang bati ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin ng bahagya "Ano nakain mo?" tanong niya sa akin na parang nanloloko.

"Hindi pa nga ako kumain eh" panloloko ko sa kanya. Hahahaha, akala ba niya di ako babawi, lagot siya sa akin.

"Bakit ang sweet mo ngayon?" tanong niya ulit.

"Siyempre di ako bitter" agad nanaman na tugon ko sa kanya sa nanloloko na boses.

Inirapan niya ako at agad din ulit tumingin sa akin na parang baliw. "Bakit di mo ako kayang mahalin?" tanong niya sa akin.

Napatigil ako sa tanong niya "Mahal naman kita eh" mahinang sagot ko sa kanya. Totoo ba? mahal ko na rin siya? Sana nga mahal ko na siya para masuklian ko na ang pagmamahal na binibigay niya sakin.

"Totoo?" tanong niya sa akin habang inilalapit ang kanyang mukha sa akin.

"Ah wala. Just forget what i say" sabi ko naman sa kanya at tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa sand. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko para makatayo na rin siya.

"Tumayo ka na diyan, gutom na ako" bilin ko sa kanya habang pinipilit ko parin siyang hilain.

Nagpout siya at tumingin sa akin "Ano muna yung sinabi mo kanina?" pang-iinsulto niya sa akin. Bakit ba kasi kailangan ko pang ulitin? bahala na siya kung di niya narinig yun. At saka wala din naman meaning yun eh.

"Wala nga, ang kulit mo rin eh noh" sabi ko sa kanya at inalis ko yung kamay ko sa kamay niya pero hinigpitan niya ang pagkakahawak dito at hindi ko matanggal dahil mas malakas siya sa akin.

"I love you my princess" sabi niya at ngumiti bago siya tumayo mula sa pagkakaupo sa sand.

"What's that for?" tanong ko sa kanya. Bakit ba bigla-bigla nalang siyang bumabanat.

Nagugulat tuloy ako at bumibilis pa ang heartbeat ko basta sinasabi niya ang mga words na yan sa akin.

A/N

Dedicated to:Ania218

Kung nagustuhan niyo po ang kahit na anong chapters, please vote po. Please comment if their are any problems or suggestions, handa po akong tanggapin lahat ng inyong mga comments. Please vote my story.Thank You.

Past True LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя