Chapter 6: Flashback

24 7 0
                                    

•Grace POV•

Mula sa ngiti ni Jhon Carlo kanina, bigla itong bumagsak sa napakahirap na lungkot.

Hinawakan niya ang wrist ko at kinaladkad ako sa kung saan man, pero wala akong pakielam.

"Bitawan mo nga ako" ilang bese kong sabi  sa kanya pero para siyang bingi na hindi ako naririnig.

Saan niya ba ako dadalhin. Ilang beses kong sinubukan na kumawala sa pagkakahawak niya sa akin pero di ko magawa dahil sobrang higpit at mas malakas siya sa akin.

Napatigil na lamang kami sa isang area dito sa campus na walang gaanong taong nagpupunta. Mahangin. Tahimik. Maraming puno. Ang aming forest park.

"Ano bang ginagawa natin dito" sigaw ko sa kanya nung bitawan na niya ang pagkakahawak sa akin.

Hindi niya parin ako sinasagot at inililibot ang paningin sa paligid na prang may nagmamasid.

"Hoy bingi ka ba?" sigaw ko muli sa kanya. Bahagya siyang napatingin sa akin using his sad eyes.

Akala niya ba madaala niya ako sa awa niyang mata. No way. Sino ba siya?

"Kailan mo ba ako sasagutin?" tanong niya sa mahinang boses pero rinig ko yun.

"Paano kung sabihin ko sayong wala akong balak" pang-iinsulto ko sa kanya. Pero totoo yun. Wala akong balak sagutin siya noh. Pinahihirapan ko lamang siya.

Napatahimik siya sa sagot ko at mas nakita ko ang lungkot na biglang puminta sa kanyang mukha.

Siya ang kaibigan ko noong elementary. Ang kaibigan kong laging nagtatanggol sa akin kung may umaapi sa akin. Ang itsura niya ngayon ang pinakaayaw kong makita noong magkaibigan pa lamang kami. pero tapos na yun.

"Ano bang kasalanan ko sayo Grace?" sigaw niya sa akin na halos mapaatras pa ako sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat.

"Marami na Jhon Carlo. Simula pa noong elementary palang tayo" agad ko namang sagot sa kanya habang may gumigilid-gilid pang mga luha sa mga mata ko.

"Kalimutan mo na yun Grace" bilin niya sa akin pero talagang masakit yung ginawa niya sakin noon eh. Tapos gusto niya, kalimutan nalang. Muntik na akong mamatay noon. Noong grade 5 palamang kami.

"Sa tingin mo ba ganun kadali?" tanong ko sa kanya at tuluyan na ngang pumatak ang mga luha na kanina pa gustong kumawala.

"Tutulungan naman kita eh" mahinahong sabi niya at aktong lalapit pa sana sa akin pero humakbang lang din ako palikod.

"Grace" rinig kong sabi niya pero di ko pinansin at tumakbo na mula sa kinaroroonan niya.

/Flashback/

"Grace punta ka mamayang gabi sa playground, may ibibigay ako sayo!" masayang bilin sa akin ni Jhon Carlo.

"Baka pagalitan ako ni mommy!" agad namang tugon ko sa kanya.

"Sandli lang naman eh" pangungulit niya ulit sa akin.

"Sige na nga" agad naman na sabi ko at nagpaalam na sa kanya para umuwi sa bahay dahil nagdidilim na.

Binilisan ko ang pagkain ng hapunan at tumakas ako sa bahay para pumunta sa playground. Ano kaya yung ibibigay niya sa akin?

Nung makarating na ako dun, wala pa si Jhon Carlo kaya nagswing muna ako. Isang oras na ang hinintay ko at wala parin siya.

Inaantok na ako pero hinintay ko parin siya.

Nang mapansin kong malalim na ang gabi, tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad na palabas ng playground.

Tatawid na sana ako nang biglang may maliwanag na ilaw akong nakita na papunta sa direksyon ko at napakabilis.

Nagtakip ako ng mata at ang huli kong naalala ay may tumawag sa pangalan ko.

At nagsimula ng magdilim ang paningin ko at naramdaman kong bumagsak ako sa kinatatayuan ko kanina.

/End of Flashback/

Habang tumatakbi ako sa napakalawak na quadrangle namin, tuloy-tuloy parin ang pagpatak ng mga luha na nagmula sa mga mata ko.

Bakit pa niya pinaalala? Mas nadagdagan nanaman ang inis ko sa kanya eh. Bakit ganun? Akala ko kasi nakalimutan ko na yun pero bakit ang sama parin ng loob ko sa kanya?

Pagdating ko sa classroom, wala pang tao kayat dumiretso ako sa upuan ko at isinubsob ang mukha ko sa desk ng upuan ko.

Iniisip ko parin ang nangyari kanina habang pinapanood ko ang mga luha na pumapatak sa desk ng upuan ko. Karaming tanong sa isipan ko na haggang ngayon ay hindi parin nasasagot.

"Okay ka lang?" mahinahong tanong sakin ng nasa tabi ko. Alam ko kung sino toh dahil kilala ko ang nosea niya.

Hindi muna ako sumagot at pinunasan ko muna ang mukha ko dahil di niya pwedeng makitang umiiyak ako, dahil baka kung ano ang gawin niya sa nagpaiyak sa akin.

"Kanina ka pa?" pachill na tanong ko rin sa kanya at hindi ko pinapahalatang umiiyak ako.

"Ngayon lang!" sagot naman niya at sabay naming pinanood ang mga kaklase namin na papasok dito sa loob ng classroom kasama ang adviser namin.

------

"Okay class! get ready for our fieldtrip on friday!" masayang announce ng teacher namin sa amin at nagsigawan naman ang lahat ng mga kaklase namin.

Hindi ko alam kung pupunta ako. Kung pupunta si Seven, edi pupunta ako. Gusto ko rin kasing di muna makita si Jhon Carlo eh.

-----

A/N

Kung nagustuhan niyo po ang kahit na anong chapters, please vote po. Please comment if their are any problems or suggestions, handa po akong tanggapin lahat ng inyong mga comments. Please vote my story.Thank You.

Past True LoveWhere stories live. Discover now