Chapter 3: Red Paper

33 9 0
                                    

•Grace POV•

Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko kagabi? Mamatay na ba si Jhon Carlo? mawawala na siya sa buhay ko at pwede na akong maging masaya kasama si Seven...Paulit-ulit kong iniisip na mga salita sa utak ko habang naglalakad ako dito sa malawak na damuhan sa loob ng campus. Na nakangiti pa na pagkalakilaki na halos aabot na sa tenga

Sana nga mawala na siya sa buhay ko at hindi na siya magpapakita pa kahit kailan.

Habang naglalakad ako, may nakabangga sa akin dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo kaya naman napaupo ako sa damuhan. buti na lang talaga damuhan dito.

Intinaas ko ang tingin ko eksakto para makita ko kung sino ang nakabangga sa akin. Guest who? Ang lalaking sisira ng araw ko. Jhon Carlo.

"Sorry" pagpapaumanhin niya sabay offer ng kamay niya na gustong itayo ako na parang nagmamadali.

Inirapan ko siya ng sobra na parang kakainin ko na siya at sabay tinapik ang kamay niya at agad na akong tumayo.

"Day breaker" sigaw ko sa kanya ng pagkalakas-lakas dahil sa sobrang inis. Wala na akong pakielam kung pagtinginan kami ng mga tao sa paligid. Panira siya ng araw.

Bigla niya akong tinitigan sa mata na seryosong seryoso. Napaatras ako ng konti dahil parang siya naman ngayon ang kakain ng tao.

"ano bang gusto mo?" Tanong niya sa akin na parang galit. Wow first time nakita ko na rin siyang seryoso.

Bigla naman akong sumagot para mailabas ang nararamdaman ko. Yes this is it.

Nag cross arm ako at inilapit ng konti ang mukha ko sa kanya "simple lang" sabi ko at tinignan siya pataas pababa "Huwag ka ng magpapakita sa akin" tugon ko sa tanong niya na may ngiti sa mga labi. Yes sa wakas nasabi ko na rin.

"Not too fast" rinig ko naman na sumbat niya at ngumisi pa "Nililigawan palang kita eh" sabi niya at hinawakan ako sa chin. Tinapik ko ang kamay niya at agad na tumugon.

"Stay away" nanggigigil na sabi ko sa kanya "And don't you dare touching me" pataas na kilay na sigaw ko sakanya na kunwaring nandidiri.Hindi naman kasi talagang madumi siyang tignan-malinis nga siya eh. But napaka bwisit.

Bilis-bilis akong tumakbo palayo sa kanya habang buhat-buhat ang dalawang makakapal na libro.

Pagdating ko sa tapat ng pinto ng classroom, agad akong sinalubong ng isa sa mga friend ko na si Seven.

"Akin na nga yan" bilin niya sa akin at kinukuha ang dalawang mabibigat na libro sa kamay ko. Medyo nangalay din ako. Wla akong tigil na tumakbo dahil sa Jhon Carlo na yun.

"No, I can handle this" sagot ko naman sa kanya at kinukuha ko ulit yung libro mula sa kanya. Tagatak na ang pawis ko kahit umaga palang. Para na akong naligo ulit pero sa sarili kong pawis.

"Bestfriend mo ako so dapat gagawin ko ito" sagot niya sa akin habang inilalapit ang mukha sa akin at ngumiti. At kinuha ulit ang dalwang libro mula sa pagkakahawak ko. At diniretso na niya sa desk ng upuan ko.

Imbes na kiligin,nasaktan ako dun ah. Bestfriend lang ba talaga. Grabe naman, hindi ba pwedeng more than friends naman. Hmmm bahala na nga si batman.

Sumunod din agad ako sa loob at dumiretso sa upuan ko. Nakita kong may isiniksik si Seven sa loob ng libro ko kanina. Akala niya siguro hindi ko nakita eh. Pero para naman hindi siya mapahiya, magkukunwari nalang ako na masusurprise.

Pakunwari kong binuksan yung libro at parang magbabasa-basa. Nasa tabi ko lang siya kaya dapat hindi niya mahalata na nagkukunwari lang ako.

Pagkaopen ko ng book, nakita ko ang color red na papel at I think, isa itong sulat. Siyempre nagkunwari naman akong nagulat na may nakita akong kulay pulang papel.

Dahan-dahan ko itong binuksan at nashock ako sa nakita ko. Hindi gulat ng saya, but gulat ng kainisan.

"What the fu-" mahinang sigaw ko sa nakita ko.

napansin kong napalingon sa akin si Seven kaya naman agad kong isinara yung kulay pulang papel. Kahit kailan talaga panira ng araw yun. Iniinis niya talaga ako.

Inis na inis ako kasi pagkabukas ko ng pulang papel, agad bumungad sa akin ang litrato ni Jhon Carlo na nakangiti na halos aabot na sa kanyang mga tenga. Bwisit. Sira ulong lalaking yun.

But wait, bakit si Seven ang naglagay nun. Ang alam ko kasi sobra ang inis nila sa isat-isa at halos magsaksakan na sila ng kutsilyo.

Kung tanungin ko kaya si Seven about dito? Hindi, dapat hindi namin pinag-uusapan si Jhon Carlo sa harap niya. Pero sobra akong nacucurious kaya magtatanong nalang ako. Bahala na.

Humarap ako sa left side ko which is si Seven ang nasa tabi ko at suddenly clear my throat.

-----

A/N

Kung nagustuhan niyo po ang kahit na anong chapters, please vote po. Please comment if their are any problems or suggestions, handa po akong tanggapin lahat ng inyong mga comments. Please vote my story.Thank You.

Past True LoveWhere stories live. Discover now