Chapter 5: Grace's Property

34 7 1
                                    

•Grace POV•

"Na na na!. I told you my princess, not too fast" ngingiti-ngiti pa niya na sagot sa akin. Konti pa Grace, tiis ka muna ha! Binubulong -bulong ko sa sarili ko.

Inirapan ko siya ng matindi at nagwalk-out na papalayo sa kanya.

Inis na buhay ito oh, kung kailan naman gusto kong sumaya tsaka naman lalabas si problema. pwede bang palitan mo naman ang schedule please. Pagmamakaawa ng isip ko kay god. Yung tipong kung kailan lalabas si problema, dun ako magiging masaya.

Dumiretso nalang ako sa rooftop ng 3rd floor building dahil nawalan na ako ng ganang kumain. Hindi ko rin naman na kasi makakasabay si Seven eh.

Humiga ako dun sa medyo lilim at naglagay ng earphone. Yan mas tahimik na at mapayapa ang lugar. Wala ng mang-iistorbo.

"Hey" biglang sabi ng nasa tabi ko na siyang kinagulat ko. Napabalingkwas ako sa pagtayo at agad na inayos ang sarili ko.

Akala ko kasi ako lang talaga mag-isa dito eh.

"Akala ko ba sasabay ka kay Jhon Carlo?" malungkot na tanong niya sa akin.

Sa mga oras na ganito ang itsura niya, minsan iniisip ko kung may gusto ba sa akin ang lalaking toh at bakit ganun na lamang ang mga nagiging reaksyon niya. Pero paulit-ulit kong tinatatak sa isip ko na kahit minsan nman di niya ako magugustuhan eh.

"Sinabi ko naman kasi sayo kanina na hindi totoo yun eh. Naniwala ka naman ka naman sa kanya" sabi ko sa kanya at nag cross-arm.

"Ayaw ko naman kasing istorbohin ang manliligaw mo" sagot niya pa sa akin habang nakangiti at nagkakamot ng ulo.

"Tssk" pagpaparinig ko sa kanya.

"Kailan mo ba kasi balak sagutin yun" biglang nagseryoso ang mukha niya na parang excited na sa isasagot ko.

Napatingin naman ako ng diretso sa kanya na gulat na gulat. Diba noon, ayaw niya ako kay Jhon Carlo? Bakit anong nangyari.

Ikaw lang naman ang mahal ko eh. Seven naman, kailan mo ba mararamdaman. Na ikaw lang talaga.

"Wala akong balak at iba ang gusto kong makasama" pasimpleng sagot ko naman sa kanya habang nakatingin sa malawak na quadrangle ng aming campus.

"Eh sino?" agad naman niyang tanong.

Sandali akong napatigil sa pag-iikot ng tingin sa tanong niya sa akin. Seryoso ka ba? siyempre ikaw lang naman kahit noon.

"Ikaw" sabi ko naman sa kanya sa mahinang boses. Alam ko naman na narinig na niya yun, kahit ganun lang kahina.

Narinig kong napatili siya sa sinabi ko at tumawa na ng malakas. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Mukhang ewan talaga tong Seven na ito kahit kailan.

Kinunutan ko siya ng noo na parang nagtatanong kung bakit siya tumatawa.

"Ikaw talaga Grace. Ang galing mong magbiro" sabi pa niya at mas lumakas pa ang tawa niya at nakahawak pa sa kanyang tiyan.

Hindi. Hindi yun biro. Hindi mo lang kasi alam na matagal na kitang mahal. Kaya ang alam mo biro lang ang lahat. Pero totoo yun. Ikaw lang ang gusto kong makasama.

Inirapan ko siya at tumingin na ulit sa quadrangle namin. Tinignan naman ako ni Seven na parang alam na niya kung ano ang mood ko ngayon.

"Oy sorry na. Halika nga dito" sabi niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ako kinilig dahil alam ko naman na para lang sa pagkakaibigan namin ang yakap na yun eh para sa kanya. Minsan, nakakainis na rin dahil yung taong sobra kong minamahal eh kaibigan lang ang tingin sa akin.

"Oo na" nagkunwari nalang ako na tumatawa kahit na deep inside, sobrang sakit.

Kinalas na niya ang pagkakayakap sa akin at sabay kaming tumingin kami sa baba, ang quadrangle ng campus at tinitignan namin ang mga taong naglalakad na parang mga langgam.

Habang inililibot ko ang mga mata ko sa quadrangle, natuon ang pansin ko sa center ng quadrangle. Ano nanaman bang palabas toh?

Napatingin ako kay Seven na nasa tabi ko at nahalata kong nakita niya na rin ang nakita ko sa gitna dahil iba nanaman ang reaksyon niya.

Grabe hanggang kailan ba ako dito magpapakatanga para sa taong di naman ako gusto.

Kailangan kong pigilan ang eksena sa baba kayat humakbang na ako palayo sa kinaroroonan namin ni Seven kanina at hindi na nagpaalam sa kanya.

"Pupuntahan mo ba siya?" rinig kong tanong ni Seven sakin mula dito sa kinaroroonan ko na siyang kinahinto ng paglalakad ko.

Ayaw ko siyang tignan ngayon dahil alam ko ang itsura ni Seven ngayon. Dahil naipinta na sa isip ko ang mga ganitong sitwasyon.

"Babalik ako" agad ko naman na tugon ko sa kanya na nakatalikod pa rin.

"Huwag na. Diretso ka nalang sa classroom" bilin niya sa akin at agad na akong bumaba sa hagdan ng second floor.

Tumakbo ako kayat hinga na hingal ako at sa wakas. Nakarating na ako sa quadrangle.

Pumunta ako sa gitna ng quadrangle namin kahit na tirik ang araw, sinugod ko siya.

Hinila ko ang napakalaking papel sa kanyang dibdib na may nakasulat na "Grace's Property" at pinunit ko ito.

Nahalata kong napatigil siya sa paglilibot ng mata at parang nagfreez. Pero tuloy-tuloy parin ako sa pagpunit sa papel hanggang sa maging maliliit na piraso na lamang ang mga ito.

"How dare you to say that im yours?" malakas na sigaw ko sa kanya. As usual nagtinginan ang mga estudyane sa paglalakad pati narin ang mga ibang teachers na napadaan. Pero wala akong pakielam.

"Easy" nakangiting sabi niya sa akin.

"Bakit mo ba sinisira ang moments ko kay Seven?" sabi ko nanaman sa kanya.

------

A/N

Kung nagustuhan niyo po ang kahit na anong chapters, please vote po. Please comment if their are any problems or suggestions, handa po akong tanggapin lahat ng inyong mga comments. Please vote my story.Thank You.

Past True LoveWhere stories live. Discover now