Chapter 19: Babe? Duhhh

14 1 0
                                    

•Grace POV•

"Tita, una na po ako" pamamalam ko kay tita nang mapansin kong medyo madilim na.

"Sige. Grace" nakangiti naman na sagot ni tita.

"Hatid na kita sa cottage niyo" anyaya nman sa akin ni Jhon Carlo.

Nginitian ko siya at tinanguan "Lets go" anyaya ko rin sa kanya.

Lumabas na kami ng kwarto na yun at naglakad na naman muli sa red carpet na may mga nakahelerang maid sa magkabilang side nito.

"Ayos si mommy noh. Princess" patawang sabi sakin ni Jhon Carlo habang papalabas kami sa napakalaking pintuan ng kanilang mansion.

Tinignan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad "Oo na" natatawa naman na sagot ko.

Pagkatapos kong sabihin yun, napatigil siya sa paglalakad at hinawakan ang wrist ko kaya napatigil na rin ako.

Nagkunot noo ako at tinignan siya na nasa likod ko habang hawak niya parin ang wrist ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Diba sinabi ko sayo na tawagin mo na rin akong prince" parang batang umaangal. hahahaha.

Napakasimple nman ng dahilan ng taong toh. Para siyang bata na kung hindi makuha ang gusto ay ipagpipilitan.

Inirapan ko siya at ako nman ang humila sa kanya palapit sa akin. "Oo na, prince ko" nakangiting asar ko sa kanya.

Ngumiti na siya sa wakas at nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas ng mansion.

"Mahal mo rin ba ako?" tanong ni Jhon Carlo na siyang naging dahilan ng paghinto namin sa paglalakad sa napakalawak na white sand ng beach na kinatatayuan namin.

Gustong lumingon ng ulo ko sa taong nakatayo sa likod ko pero paulit-ulit kong tinatatak sa isip ko na huwag dahil alam ko ang reaksyon ng taong toh sa mga sitwasyong gaya nito.

He is standing right at my back but i dont want to see his reactions this time. Mahal ko nga ba siya? Gusto ko nga ba siya? Kailangan ba kasi na mahalin ko din siya? Nagugulo ang isip ko sa mga oras na toh.

Unti-unti kong inikot ang ulo ko palingon sa lalaking nasa likod ko.

Pagkalingon ko sa kanya, nakita ko ang mga magaganda niyang ngiti na may tinatagong sakit. Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago ako nagkaroon ng lakas para sagutin ang tanong niya sa akin kahit na mahirap pa para sa akin na sagutin yun.

"I dont know" mahinang sagot ko sa kanya sabay tingin sa baba na kinatatayuan ko ngayon. Ayaw ko siyang saktan, ayaw ko siyang makitang malungkot pero ano pa nga ba ang magagawa ko, yun talaga ang nararamdaman ko eh. Wala pa kasi talaga eh, siguro nga talagang mahirap ibalik ang nakaraan.

"Malalim na ang gabi, tara na" pag-aanyaya niya sa akin.

Di ko na siya tingnan ulit at nagpatuloy na sa paglalakad ahabng nakayuko. Habang naglalakad kami, iniisip ko parin ang tanong niya sa akin.

"Hey Grace" napaangat ako ng tingin sa nagsalita sa harapan ko at nakita ko na nakarating na pala kami sa cottage na nirentahan ng klase namin.

"Princess, alis na ako"pamamaalam ni Jhon Carlo na nasa likuran ko. Tumango na lamang ako bilang sagot. Narinig ko ang yapak ng paa ni Jhon Carlo papalayo sa kinatatayuan ko.

"Are you okay?"tanong ulit ng lalaking nakatayo sa harapan ko.

Nginitian ko siya at sumagot "Oo naman" pagkasabing-pagkasabi ko nun, nakita kong may humawak sa balikat ni Seven and look who's that? Here i am again.

"Jenny!" nagkunwari na lamang akong normal sa harap nilang dalawa kahit na deep inside, it still hurting me. Mahal ko pa kasi si Seven eh, pero kailangan kong magparaya para sa kasayahan nilang dalawa.

Nginitian ako ni Jenny at ibinaling ulit ang kanyang tingin kay Seven.

"Babe, kain na tayo" masayang pag-aanyaya ni Jenny kay Seven. Halos madurog ang puso ko sa sinabi ni Jenny kay Seven. Babe daw duhhh. Babebitawan ka lang niyan

Napapansin kong parang luluha nanaman ang mga mata ko, bakit nanaman ba?. Hindi ko parin ba tanggap?. Kainis na puso naman toh oh.

Ngumiti ako at nagpaalam sa kanilang dalawa "Uhmm, maiwan ko na kayo" sabi ko sa kanila at mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng cottage namin. Umupo ako sa may upuan sa gilid at yumuko.

At doon na nga sunod-sunod na naman na tumulo ang mga luha ko na gustong kumawala kaninang kaharap ko pa ang dalawang kaibigan ko na nag-iibigan.

Ano pa bang mas sasakit pa sa pagkakatuluyan ng mahal mo at ang kaibigan mo? Meron pa ba? Ang hirap na buhay to oh? Bakit ang unfair ng mundo sakin? Bakit?. Paulit-ulit na tanong na bumabagabag sa isip ko ngayon.


A/N

Kung nagustuhan niyo po ang kahit na anong chapters, please vote po. Please comment if their are any problems or suggestions, handa po akong tanggapin lahat ng inyong mga comments. Please vote my story.Thank You.

Past True LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant