52: Alliances.

Depuis le début
                                    

(THIRD PERSON'S POV)





"Mommy, pwede po ba tayong lumabas? Gusto ko pong bumalik sa....lugar nung nawala ko ang mga alala ko? Pwede ba tayo pumunta doon? Please?" -Nicole


"Bakit mo naman gusto bumalik doon? May maalala ka na ba?" -Sabrina


"Wala po. Baka sakali lang po pagpunta ko po doon, may maalala ako." -Nicole





Nataranta si Sabrina sa gusto ni Nicole na balikan ang lugar na yon.





"Nako, anak. Delikado. Hindi ba nakakasama sayo pilitin ang maalala ang lahat? Mapapahamak ka diba sabi ng Tita Lizzy mo?" -Sabrina





Ngumiti naman si Nicole para maipakita hindi na niya kailangan mag-aalala.





"Alam ko po yung sinasabi ni Tita Lizzy. Hindi na ako makaalala muli at hindi ko naman pipilitin dahil baka lang sakali, maipakita man sa akin kahit kunti o saglit lang. Gusto ko lang talaga makita o bumalik doon and promise po, hindi na ako babalik." -Nicole


"Anak...." -Sabrina


"Mommy, wag na po kayong mag-aalala. Once lang talaga to. Gusto ko lang talaga makita for the last time before ako sasama sa inyo sa U.S." -Nicole





Natahimik muna saglit si Sabrina at napaisip-isip pero sa huli pumayag din siya at natuwa naman si Nicole.





"Sige na nga. Aalis tayo. Pero magbibihis muna ako, okay? At ikaw din, magbihis ka. Saglit lang  talaga tayo doon ha?" -Sabrina


"Opo, Mommy." -Nicole





Niyakap kaagad ni Nicole si Sabrina at napangiti nalang din si Sabrina habang niyayakap si Nicole. She has always wished na sana siya rin ang kanyang anak kay Xyrus together with Spade, her oldest.





But on the other side, habang niyayakap ni Nicole si Sabrina, hindi na niya naiwasan ang mapangiti pero kakaiba ito.





Pagkatapos nilang magyakapan, diretso si Nicole sa kanyang kwarto para makapagbihis pero biglang umatake ulit ang sakit ng sugat niya kaya napaupo siya sa kama.





Sa sobrang sakit, sinubukan pakalmahin ni Nicole ang sarili niya at huminga ng malalim.





Dumating naman si Riya at kumatok sa pintuan ng kwarto ni Nicole.





"Mahina ka parin." -Riya


"Wala ka na ba ibang magandang sasabihin bukod pa dyan, Riya?" -Nicole





Napangisi lang si Riya at umupo sa tabi niya. Dahan-dahan niyang tinaas kaunti ang t-shirt ni Nicole at nakitang dumudugo ulit ang kanyang sugat.





"Yung seryoso, hindi ka pa dapat naglalakad pagkatapos kang nilabas sa ospital. Papalitan na nga natin to." -Riya


"Riya, nakikita mo ba talaga ang kapatid mo sa akin? I guess you're really different than I thought you should be." -Nicole





Napakunot ng noo si Riya sa mga sinasabi ni Nicole at napatingin sa kanya.





"Paano mo ba nalaman na may kapatid ako? Ano bang nalalaman mo?" -Riya


"Hindi lang kayo ay nabuking sa mga sikreto ninyo. Lee Hee Joo? Megan Lee? At ikaw, Lee Riya." -Nicole





Natahimik saglit si Riya. Hindi makapagsalita to the fact may alam pala si Nicole tungkol sa kanya. 'Hindi kaya....ito ang dahilan kung bakit nagkakaganun si Spade kagabi?' Isip niya.





Behind Her ColdnessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant