EPILOGUE IN BOOK 2

5K 77 27
                                    


Epilogue

BRYAN'S POV

Nagpunta ako sa Police Station, matagal ko ng pinagawa sa kanila kung ano ba ang sanhi ng pagkakaroon ng aksidente ko. Hanggang ngayon masasabi ko na may Amnesia pa rin ako dahil kahit isa sa mga nangyari wala akong matandaan.

"Chief nalaman mo na ba kung ano ang sanhi ng aksidente ko?"

"Mr. Bryan, mapapatunayan ko po na hindi aksidente ang pagka-aksidente niyo nung nakaraang taon! Sinadya po ito!"

"Ha? May alam ka ba kung sino?"

"Wala po Mr. pero ginagawa po namin lahat para malaman niyo kung sino ang may sanhi! Pero marami po kaming nakitang ebidensiya!"

"Ha? Anong ebidensiya?" Tanong ko sa kanya.

"May kasama po kayo noong nangyari ang aksidente!"

"Ha?" Paano? Pero imposible na may kasama ako noon na babae.

"May nahanap po kaming kwintas, yung heart po na nabubuksan Mr.! May laman po yung litrato, nakita namin na kasama kayo sa litrato pero hindi na po namin maaninag ang mukha nung babae dahil sa nabasa ito nung umulan pagkatapos ng aksidente!" Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.

"At isa pa po Mr. may nahanap din po kami na wedding ring, mukhang balak niyo na pong pakasalan yung babae!"

"W-what? Kasal? Paano?" Imposible dahil sabi ni Sky sakin na may proposal akong ginawa bago ako maaksidente. Ibig sabihin lahat ng nalalaman ko kasinungalingan lang? What the hell!

"At saka nga po pala, itanong mo po sa wife niyo kung sa kanya itong jacket! Nahanap din po kasi namin ito sa kotse niyo nung aksidente!"

"Okay! Itatanong ko sa kanya!" Paalis na sana ako nang hawakan ni Chief ang braso ko.

"Paalala lang po Mr. kapag sinabi niya na hindi sa kanya ang jacket na yan, ibig sabihin mali po kayo ng napakasalan!" Binitawan na niya ang braso ko at pumasok na siya sa Corner niya at nginitian ako. Bigla akong kinabahan dahil sa huli niyang sinabi sakin.

Kapag sinabi niya na hindi sa kanya ang jacket na yan, ibig sabihin mali po kayo ng napakasalan!

Hindi pwede 'to! Kailangan ko ng mag-madali para malaman ko na kung sa kanya ba ito. Pero paano kung hindi ito kay Sky, anong gagawin ko? What the heck!

∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Title of Book II :

Ang Asawa kong Artista

See yahh na lang po sa book II! Hahaha sana lahat inaabangan ang story ko! Salamat.

PLAYLIST ng ABkA: From this Moment by: Shania Twain

Spark by: Liza Soberano

Kaya po kase From this Moment and Spark dahil gawa ng lyrics para kaseng may connect saken ayy sa kwento pala! Hanapin niyo na lang po sa Youtube hahaha! Salamat.

Isa pa! Paki-follow niyo si Author!
@Clairemoon14 , Salamat uleeeet!

Kung marami po kayong tanong comment na lang po kase kapag pm sa watty baka di ko kayo ma-reply back hehe... Thank you! Last na talaga thank youu

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Where stories live. Discover now