CHAPTER 11

4.2K 87 1
                                    

BRYAN'S POV

Time check: 04:37 AM

Nagising ako ng maaga. Binuksan ko agad ang T.V dahil naka-gawian ko na ito.

Breaking News:

Natuklasan na ng mga reporters na may first girlfriend nga si Mr. Bryan. Pero bakit nga ba hindi natin alam ang pagpunta niya dito sa Pilipinas?

Gusto ng mga media na makausap si Mr. Bryan para mabigyan na nang kasagutan ang lahat ngunit papayag ba ang sikat na artista na sagutin lahat ang mga katanungan sa kanya?

Makakapayag kaya ang sikat na artista na magpa-intervie—

- - - -

In-off ko na ang tv dahil wala namang saysay ang mga sinasabi nila. Bakit ba gusto nila palagi ng interview.

Ipinatong ko na ang remote control sa lagayan nito at tiningnan ang hagdan papataas papunta sa kwarto ni Sheena.

Naalala ko na aalis nga pala kami ngayon. Dapat talaga gisingin ko na siya dahil alam kong marami pa siyang dapat na gawin katulad ng pag-iimpake ng mga kailangan niyang dalhin papunta sa states.

tok...tok...tok...

"Sheena? Gising ka na?” tanong ko habang kumakatok at dahil wala namang sumasagot sa loob ay binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Sheena dahil hindi naman iyon naka-lock.

Lumakad ako papalapit sa kanya at naupo sa tagiliran ng kama niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya at naalala ko naman yung dating tinititigan ko siya at sa hindi sinasadyang mahalikan ko ang labi niya.

Pero hindi ko na naman gagawin yun. Baka masapak pa ako ni Sheena sa pinaka-iingatan kong gwapong mukha. Mahirap na lalo’t balak pa y’ata magpa-interview ng media sakin, edi naging pangit na ‘ko sa harap ng camera.

No way! Artista ako, hinding-hindi ko na uulitin yon!

"Uyy Sheena, gumising ka na nga diyan! Kahapon ka pa natutulog eh” sabi ko pero parang hindi ‘man lang naalimpungatan.

“Hoy sleepy head! Kapag tinanghali tayo ng dating sa airport at pinagkaguluhan tayo ng mga tao ‘dun ikaw ang sisisihin ko kapag hindi tayo nakaalis,” dagdag ko pa kaya dahil sa kadaldalan ko nagising ko siya. Ayan, mabuti ‘yan para hindi kami ma-late.

"Agang-aga nambubulabog kang Artista ka! Bakit ka ba nandito sa kwarto ko?" agad na singhal niya sakin kaya niyugyog ko pa maigi ang braso niya.

"Tumayo ka na nga diyan! Aalis na tayo! Mag-impake ka na!" malakas kong maktol sa kanya habang niyuyugyog ang braso niya kaya siya naman itong tumili dahil sa inis. Hahaha naiinis na talaga siya.

"Hays! Bwisit naman eh! Bakit ba nandito ka?! At saka may pasok tayo ngayon para gumala pa, nasisiraan ka na ba nang ulo? Talagang ginising mo pa ako para lang mag-inarte ka diyan ha!?” dahil sa haba ng sinabi niya hindi ko na napigilang matawa dahil sa magulong itsura ngayon ni Sheena.

“Hahaha!”

“Siraulo ka! Kyah! Bwisit! Lumabas ka na kasi ng kwarto ko Bryan!” sigaw niya sakin kaya mas lalo talaga akong natatawa.

“Hahaha!”

“Kainis naman eh!” halos paiyak na niyang sabi kaya pinigilan ko na ang pagtawa ko.

“Ako na nga kasi ang bahala sa pagpasok natin, di ba pupunta tayo ngayon sa states? Kaya mag-impake ka na diyan dami pang dada eh hahaha!”

“Bwisit ka! Lumayas ka nga dito!” natawa na naman ako ng ihambalos niya sakin yung unan niya.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Where stories live. Discover now