CHAPTER 23

3.3K 109 4
                                    


Bryanʼs Pov

Umuwi kami ni Sheena sa bahay at nagmadali talaga siyang pumunta ng kwarto niya para maligo agad.

Napangiti na lang ako ng hindi inaasahan. Parang dati lang inis na inis siya sakin pero ngayon... talagang pinagdidikit na kami ni tadhana sa isa't isa.

Nagpunta ako sa kwarto ko at naligo din. Pagkatapos ko maligo, nagbihis ako agad at saglit na nahiga sa kama ko. Sobrang sakit ng likod ko pero saglit akong napaisip.

Bakit kaya ako tinititigan kanina ni Sheena?

Napangiti na lang ako sa tanong na pumasok sa isip ko. Kung hindi lang talaga sila nag-break ni Jack, siguro hanggang ngayon stress pa rin ako.

Hindi kasi biro ang maging artista. Mahirap sobra. Akala mo lang sobrang hyper ng isang artista sa isang commercial, pero inside nahihirapan din kami... nai-stress tulad ng ibang ordinaryong tao.

Nakakaramdam din kami ng takot sa tuwing sinasalubong at pinagkakaguluhan kami ng mga fans para lang sa isang picture... pero ramdam ko sila.

Minsan din akong naging fan at isang picture lang kasama si Idol, masaya na ako. Siguro ganun din nararamdaman ng mga fans di ba?

Saglit akong napapikit.

“Mayora...” bulong ko ng bigla akong napamulat.

Ang Professor na 'yon. Bakit niya ginawa yun kay Sheena? May karapatan ba siyang magpataw ng punishment sa isang student kahit na hindi lang nagawa yung in-assign niya?

How unfair she is.

Pwede niya naman bigyan ng warning ang isang student then bigyan ng chance na masagutan iyon at ipasa kinabukasan pero... Shit! I'm so upset.

“Ano bang dapat kong gawin sa kanya?” napahilot na lang ako sa sentido ko at nag-isip ng mabuti.

“Anong gagawin?” bigla akong napaupo sa higaan ko at nakita kong naglakad papalapit sakin si Sheena.

“Naayos mo na ba gamit mo?” pag-iiba ko ng topic kaya tumango siya.

“Oo, salamat nga pala sa pagpapatuloy mo sakin dito sa bahay mo, last time na napunta ako dito hindi maganda nangyari eh” naiilang niyang sabi pero tumawa lang ako.

“Di na naman yun mangyayari. I respect your decision na wifey” naka-pout kong sabi pero sinagi niya lang ako.

“Oh bakit?” tanong ko pero humarap lang siya sakin at ngumiti.

“Promise magpapakabait talaga ako,” sabi niya habang nakataas pa ang kanang kamay niya.

“Mag-aral ka muna magluto” sabi ko pero pumikit lang siya bago tumango ng mabilis.

“Yes! I will do my best!” natawa naman ako sa ginawa niya pero hinawakan ko lang ang dalawa niyang kamay.

“Ang dami ng nangyari sa'tin, alam mo ba 'yon?” mahinahon kong sabi pero tumitig lang siya sa mata ko.

"Yung break up mo kay Jack, pagkakakilala natin, yung sa hotel, tapos sa Dad mo... tapos itong si Professor sumama pa sa sakit na pinagdaanan mo.” sabi ko habang nakatingin sa kanya.

“Tell me... umiyak ka na naman ba?” tanong ko ng biglang tumulo ang luha niya. Agad niya akong niyakap.

“Nakakapagod na...” sabi niya at umiyak habang yakap ako. Hinaplos ko ang likuran niya at pinakinggan lang ang pag-iyak niya.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Where stories live. Discover now