CHAPTER 34

2.8K 53 3
                                    

BRYAN'S POV

Time check : 9:00 AM Thursday

*kring* *kring* *kring*

"Who's this?, Hello?"

"Anak! Na'san ka na ba? Kahapon pa kami naghahanap sayo! Kahapon pa din nababaliw si Sky kaka-hanap at kaka-isip! Naisipan na ngang mag-laslas kahapon! Na'san ka na ba anak, kailangan ka na dito at nagkulong na si Sky dun sa kwarto niya ayaw lumabas! Anak! Baka magpa-kamatay siya! Bilisan mo na at pumunta ka na dito!"

*toot* *toot* *toot*

Hays. Ano na naman ba ang palabas nilang dalawa. Balak ba nila akong lokohin ulit o nagsasabi na sila ng totoo? Yan na naman ako hindi alam ang gagawin! Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng Condo.

"Sorry, Sheena kailangan pa kitang iwanan ngayon, kung kelan nakikilala ko na ang pagkatao mo!" Tuluyan na nga akong sumakay sa Elevator at pupunta na ng Airport para mas maagang makarating sa Pilipinas. Hay hindi ko talaga alam ang mga pinag-gagagawa ng babaeng si Sky!. Ano bang nangyayari sa kanya?

***

Nakabalik na ako dito sa Pilipinas at nakita ko na agad si Mom, Dad and Sky. Bigla niya akong niyakap at hinaplos ang dibdib ko.

"Miss na miss kita, Bryan saan ka ba nagpunta at bigla mo na lang ako iniwanan! Bakit ka nag-walk out nung kasal na'tin! Ano bang problema? Pinapagod mo ako sa kaka-isip buong tatlong araw! Kaya nung naisip ko bigla na baka hindi ka na bumalik ay sinubukan kong mag-las-las para sa ikabubuti ko at bumalik ka na sa akin!"

"Nahihibang ka na ba Sky? Bakit mo sasaktan ang sarili mo nang dahil lang na hindi ako babalik sayo! Alam mo naman na ikaw ang baabeng una kong minahal di ba? Kaya babalik at babalik ako sayo! Nakuha mo?"

"Oo! Mahal na mahal kita! Ituloy na na'tin ang kasal bukas?"

"Sige!" Hindi ko napigilan ang labi ko na wag sabihin yun, dahil may bumabagabag sakin ngayon na...ewan ko! Hindi ko talaga alam! Paano ko naman maloloko ang taong minahal ko di ba? Kung binigay niya sa akin ang buong pagmamahal na kailangan ko, dapat suklian ko din yun ng pagmamahal kagaya nang binigay niya sakin nung araw!

"Uwi na tayo!" Sabi ni Sky at niyakap ang kanang braso ko.

"Si-sige! Tara na!" Sabi ko naman at lumakad na kami papuntang kotse na sinakyan nila.

SHEENA'S POV

Nagising ako sa magandang umaga at tumama sakin ang sikat nang araw na tumagos sa isang bintana malapit sakin. Hinanap ko agad si Bryan pero wala siya sa tabi ko.

"Bryan?" Sabi ko at bumaba na sa kama at hinanap ang mg damit ko. Pagkatapos ko hanapin ay isinuot ko ito. Bumaba na ako sa hagdan at agad na hinanap si Bryan.

"Bryan? Na'san ka ba?"

Bumaba na ako para hanapin sana so Bryan pero ang nakita hindi tapos na pagluluto. Maraming nakakalat na mga plastic sa baba ng lamesa. Ewan ko parang nanakawan kami ngayon dito sa Condo!

"Bryan!!!" tawag ko ulit sa pangalan ng pinakamamahal ko.

Pinuntahan ko ang Bathroom at ang Sala's. Wala siya! Baka may hinahandang date para sa aming dalawa.

"Mai-text nga!" sabi ko sa sarili. Kinuha ko agad ang cellphone ko at agad din na hinanap ang Number ni Bryan.

To: Bryan

Bryan, nasaan ka ba? Bakit mo ako iniwan dito sa Condo mo?! Kailangan kita ngayon, please.

Message sent...

Hay! Na'san na ba kasi ang lalaking yun? Lumabas na ako ng Condo. Habang naglalakad ako, naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.

"Hay, Bryan! Mabuti naman at naalala mo ako!" Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan kung sino. Si Manager ko lang pala?

"Hello?"

[ Hindi mo ba ako kilala? Sheena, kailangan ka na dito, hinahanap ka na nung Coordinator, nakapag-set-up na sila ikaw na lang ang kulang. ]

"Ha? Ano po bang meron?"

[ Model ka di ba? May Photoshoot ka ngayon! Bilisan mo at pumunta ka na dito! ]

"Now na?"

[ Yes! ]

"Ahh... sige papunta na!" naputol na ang linya at agad na tumakbo para makakuha na agad ako ng taxi dito sa U.S. Naalala ko nga pala hindi ako umuwi sa bahay nina tito siguro kagabi pa yun nag-aalala.

♡♡♡

Inuna ko munang puntahan ang bahay nina tito at chabs. Baka kasi inaalala nila ako kagabi pa kaya nagbabaka-sakali.

Ding....dong.....

"Tito? Si Sheena po ito!" Agad na binuksan ni tito------este chabs pala ang pintuan at agad na niyakap.

"Oh my god sheena! Saan ka ba nanggaling? Halos nag-alala kami ni Daddy kagabi!"

"Sorry na! Nag-overnight ako sa Condo ehh sorry!"

"It's okay! Basta magpapa-alam ka muna sa akin ahh..."

"Okay chabs!" naramdaman ko ang pag-higpit ng yakap niya sakin. Alam ko naman talagang nag-alala sakin si chabs.

Habang yakap ako ni Chabs sumunod ai Tito. Ano ba yan?! Ang drama ng mag-ama na 'to. Naalala ko bigla yung photoshoot ko ngayon. Baka lalong magalit sakin si Manager.

"Ahh... tama na po ang yakapan guys! Late na kasi ako sa Photoshoot ko ngayon ehh...baka may magalit!" agad silang bumitaw at tito bigla na lang tumakbo kung saan.

Kinuha niya pala ang key niya.

"Ano pa hinihintay niyo diyan? Let's go na!" Agad kaming tumakbo papunta ng kotse ni Tito kaya naman pinaandar na niya agad ito.

Bakit ba ngayong araw na'to tumatakbo kami? Hays...jusko naman kelan pa ba nauso ang ganito?

Tsaka...Nasaan ka na ba Bryan? Bakit mo 'ko iniwan sa Condo mo ng mag-isa? Ramdam ko kagabi ang mga halik mo sakin na talagang mahal mo pa ako. Pero bakit? Bakit mo ako iniwang mag-isa?

Hindi ko namalayan na napa-iyak na pala ako ngayon dito pa mismo sa kotse at kasama ko pa si Tito at Chabs.

"Bakit ka umiiyak?" Biglang tanong sakin ni Chabs kaya naman agad siyang may kinuha sa bulsa niya. Panyo. Pinunas niya ito sa mga mata ko na lumuluha. Kaloka, nakita niya pa tuloy akong umiyak.

"Wala lang ito! Tears of Joy lang! Wag ka nga chabs KJ!" Binatukan ko siya nang mahina. Kaya agad siyang napatawa.

"Kahit kelan! Loka ka talaga!"

"Ang mabuti pa tumahimik ka diyan at maging behave okay?" Nag-thumbs up siya sakin at umayos ang upo. Masunuring bata. Hahaha^____^

Binilisan na ni Tito ang pagmamaneho at maaga kaming nakarating dito sa Photoshoot ko. Laking pasasalamat ko sa kanila.

•♡•♡•♡•♡•♡•♡•♡•

Sorry for late update! Always busy si Author!

♡Clairemoon14

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Where stories live. Discover now