CHAPTER 37 - KASAL NI BRYAN AT SKY

3.3K 54 15
                                    

SKY'S POV

Nagbabalik akong muli para masaksihan mo ang kasal namin ni Bryan! Lubos na pinapanalagin ko na maging maayos ang magiging kasal namin at sana walang sumagabal sa amin! Sana po ay wag na magkaroon ng delubyo para naman matuloy na talaga ang kasal namin! Yun lamang po at maraming salamat! AMEN!

Nanalangin na lang muna ako bago ako lumabas ng pinto at sumakay sa kotse. Pinaandar na ito ng Driver ko at idineretso na sa Church.

"Ma'am! Congrats po sa inyo!" Sabi ni Manong driver at nginitian ako.

"Thank you po Manong!" Sabi ko at inirapan siya. Oo hindi ko naman yun pinag-kakait na irapan siya ano? Ikaw ba naman na ang Driver mo na matanda na at malapit ng mategi! Tsk! Kainis si Tita, hindi pumili-mili ng gwapong driver at mukhang malakas pa at hindi lampa! Hay nako! Kainis talaga!

"Malayo pa ba Manong tanda?"

"Ahh... Ma'am, kiko po ang pangalan ko at hindi tanda! Gumalang naman po kayo sa'kin!"

"I have no time to respect you, tanda! Hindi kawalan ang pangalan mo! Ikakasal na nga ako, minamalas naman sa driver! Hay jusko!"

"Ahh... Ma'am paratang ko lang po sa inyo! Hindi naman po sa nangengealam o kini-kwestyon ko kayo! Hindi po ako Malas!"

"You know, tanda! Please don't talk to me like that nga! Hindi mo nire-respeto ang amo mo!"

"Kung kayo po ang amo ko- - -?"

"Ibig sabihin! Kidnapper ka? Hoyy! Tanda! Binayaran ka para ihatid ako ng ligtas sa kasal ko!"

"Ihahatid ko naman po kayo ng ligtas sa simbahan! Hindi po ako kidnapper!"

"Hays! Nakaka-bad mood kayo! Ang mabuti pa wag na lang kayo magsalita, tanda!"

"Napaka-walang galang naman ng babaeng 'to! Hindi rume-respeto!" Narinig ko siyang bumulong ahh... Ano kaya yun!

"May sinasabi ka tanda?"

"A-ahh wala po Ma'am!" Sabi niya kaya naman hindi ko na inintindi yun! Wala namang may pakielam sa kanya.

•∆•∆•∆•∆•∆•∆•∆•∆•

"Hay, salamat!"

"Welcome po Ma'a- - - -"

"Che! Umayos ka nga tanda! Hindi ikaw ang pinapa-salamatan ko noh! Wag kang umasa!" Ibinaba na ako sa kotse at inayos ng mga assistant ni Tita ang wedding gown ko tsaka ako lumakad sa isang mahabang Red Carpet!

Binuksan na nila ang pintuan ng simbahan at nakita ko si Bryan na naka-tayo na sa harao ng Altar! OMG! Ang gwapo niya!

Habang naglalakad ako nakatingin silang lahat sakin! Dapat lang ano?! Ako ngayon ang bida at hindi sila!hmp. Inayos ko ang paglalakad ko at saka nginitian silang lahat. Ako ang dyosa ngayon!

Umabot na ako dito sa may altar at hawak ni Bryan ang kamay ko at saka nag-beso-beso kay tito at tita. Si Bryan ganun din kay Mommy pero kay Dad, shake hands!

Nagsimula na ang kasal. ^___^

SHEENA'S POV

"Ano ba Sheena! Kanina ka pa nagsusuka!" Rinig kong sabi ni Chabs sa may labas ng Pintuan ng kwarto ko. Oo kanina pa ako ganito simula nung umuwi kami dito kanina!, Kanina sumakit lang bigla ang ulo ko at mabilis din itong nawala pero ngayon! Bakit ako nagkaka-ganito!

Gumaan na ang pakiramdam ko at pinag-buksan ng pinto si chabs.

"Hays! Sheena! Okay ka lang ba?" Bigla niyang tanong sakin at hinawakan niya ang noo ko at ang leeg ko.

"Wala ka namang lagnat ahh..."

"Oo nga wala. Sabi ko di ba! Baka lang sa kinain na'tin kanina! Baka panis na! Wag ka nga ano diyan! Normal lang ang ganito kapag nakakain ako ng panis bat hindi ko gustong pagkain!"

"Hays! Baka expired na yung nabili ni Dad na Pork kanina! Pero bakit ako hindi naman!"

"Ipapaalam ko lang sayo chabs ahh! Ganito ako dahil ang tiyan ko sensitibo!"

"Oo na! Sige matulog ka na!"

"Oo na hahaha natawa ako sa pag-aalala mo! Bakla ka talaga!" Naglakad na siya at biglang humarap sakin! Aba! Lanya! Inirapan ako?! Bakla talaga 'to!


Isinara ko na ang pinto at tumakbo ulit sa C.R.

"Hays! Ano ba ang nakain ko kanina?"

SKY'S POV

"Magbigay na kayo ng pangako sa isa't isa! Mauna ka Sky!" Sabi ng pari at agad na akong lumingon kay Bryan at nginitian.

"Bryan!"

"Hmm.."

"Bryan! Pinapangako ko na kapag natapos ang seremonyang ito, magiging mabait akong asawa sayo! Lahat gagawin ko para ipagluto ka ng masarap na pagkain, at habambuhay kitang mamahalin magpakailanman!"

"Ikaw, Bryan!"

"Sky, I'll promise you na magsusumikap para masuklian ko ang mga binibigay mo saking pagmamahal noon at ngayon! Nangangako din akong iingatan ka habambuhay!"

"Tapos na ang pagbibigay sa isa't isa ng pangako! Isunod na'tin ang pagsusuot ng singsing!" Binigay ng isang bata ang singsing namin ni Bryan. Unang sinuot ni Bryan ang singsing ko bago ko naman isinuot sa kanya ang isa.

"Kayong dalawa ay mag-asawa na! Congratulations Mr. and Mrs. Lee! You may now kiss the bride Mr." Tinanggal ni Bryan ang nakasukob sakin at hinalikan niya ako.

"Wooooooohhh CONGRATS!!!" sabi ng mga tao sa loob ng simbahan. Halos umalingawngaw ang mga boses nila, na talagang ikinagalak ko dahil napasaakin na ang Pinaka-mamahal kong si Bryan!

Binuhat niya ako at isinakay na sa kotse bago umalis na kami papuntang Hotel/Motel.

•∆•∆•∆•∆•∆•∆•∆•∆•∆•∆•

(Hays! Kainis dapat si Sheena at Bryan ang magpapakasal ihh!)

Hello! Remind ko lang po sa mga nagbabasa nito! Gagawan ko po ito ng Book2 i-comment lang po kung gusto mo ng Book2! Thank you^__^

See you in Next Chapter....

Love, Clairemoon14

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Where stories live. Discover now