CHAPTER 18

3.6K 82 2
                                    

SHEENA'S POV

"Saan ako matutulog?" tanong ko kay Bryan ng makapasok na kaming dalawa sa kwarto niya.

"Ah, d’yan ka na lang sa kama ko,"

"Eh ikaw saan?"

"Dito na lang siguro ako sa sahig, maglalatag na lang katulad nung nasa teleserye," bigla akong natawa.

“Kung sa teleserye din naman ang pinag-uusapan, bakit hindi ka pa ‘dun matulog sa sofa? Mas komportable pa ‘dun” sabi ko bago naupo sa kama niya.

“Edi ikaw na lang ‘dun, gusto mo?” agad akong napailing. “Ayaw ko” sabi ko. Nagpatuloy naman siya sa paglalatag.

“Oh edi d’yan ka na, maglalatag na lang ako” sabi niya pero napaisip naman ako bigla.

"Paano kaya kung... tumabi ka na lang sakin malaki naman 'tong kama mo," sabi ko ng mapatigil siya.

“Bakit? Gusto mo akong katabi’ no?” pang-aasar niya kaya naman agad akong napailing.

“Wag na pala, baka kung ano pa gawin mo sakin” nahihiyang sabi ko bago humiga sa kama niya.

"Tss. Ang sama talaga ng ugali nito" mukmok niya. Akala niya ba hindi ko narinig ‘yon?! Tsk.

Napaupo akong muli sa kama. Sinilip ko si Bryan, nakahiga na siya habang nakapatong ang kanang braso niya sa noo niya. Napangiti ako ng tiningnan niya ako saglit bago niya ipikit ang mata niya.

“Dun ka na lang kasi sa sofa, mas komportable ‘dun” sabi ko pero umiling lang siya.

“Ayoko. Malamok” sabi niya kaya napairap ako.

“Ang arte naman nito” sabi ko at nahiga ulit.

Ilang minuto akong tahimik. Tulog na kaya si Bryan? Napaisip ako. Tulog na kaya ang lalaking ‘yun? Masilip nga ulit. Dumapa ako bago sinilip si Bryan. Ganun pa din ang higa niya. Katulad lang nung kanina.

“Psst! Tulog ka na?” tanong ko sa kanya.

“Bryan? Tulog ka na b—”

“Hays! Paano ako matutulog kung kinakausap mo ako d’yan?” naiinis niyang sabi sakin kaya natawa na naman ako. Hindi ko na siya pinansin at nahiga ulit.

Sabi niya sakin kanina, tatlo lang ang kwato dito sa bahay niya. Isa sa maid's room, isa naman sa Mom and Dad niya na once lang umuwi at isa kanya.

Hindi nga niya ako mapatulog sa kwarto ng Mom and Dad niya kasi naka-lock at ayaw sa kanya ibigay ang key ng kwarto kaya heto kami ngayon at magka-share sa kwarto.

Ang dami kasing arte nito. Alam ko naman na wala siyang gagawing masama sakin kahit na magkatabi kami sa kama niya. Pinagtakpan ko lang yung kahihiyang tinanong ko kanina. Hays! Ayan tuloy sa sahig siya matutulog. Ewan ko lang kung hindi sumakit ang likod niya diyan!

Humarap akong muli sa kanya. Nakatalikod na siya sakin. Natawa ulit ako ng palihim dahil hawak siya ng hawak sa likod niya.

Nananakit na siguro? Bwahaha! Bahala siyang manakit ang likod niya. Ang arte kasi.

BRYAN'S POV

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu