CHAPTER 27

2.9K 67 17
                                    

Sheena's Pov

Bumalik na ako sa kwarto at nakita ko si Mr. Timothy na nakaupo sa hospital bed ko. Hinihintay niya siguro ako.

"What happened?" tanong niya kaya ako napaiyak na naman. Naramdaman ko na hinaplos niya ang likuran ko.

"Wala na po akong magagawa Mr. Timothy," bulong ko bago nagpunas ng luha.

"It's okay, maghintay na lang ulit tayo ng tamang pagkakataon. I will leave you here, take care." sabi niya at lumabas na siya ng kwarto.

Si Mr. Timothy ang sumagot lahat ng mga babayarin ko dito sa hospital since wala na naman akong ibang mapupuntahan. Paano na ko nyan? Hindi ko alam kung kaya ko bang mabuhay ng mag-isa.

Napahiga na lamang ako sa higaan ko at pinagmasdan ang kisame nitong hospital. Gaano pa katagal ba ako magiging ganito? Lumipas na ang walong buwan nandito pa rin ako sa hospital na 'to.

Nung nakadalawang linggo na ako dito sa hospital, sabi ng doctor pwede na ko ma-discharge. Pero ganito ag nangyari...

Flashback;

"Kumusta ang pakiramdam mo Sheena?" tanong sakin ng babaeng doctor kaya ngumiti ako at sinagot ko siya.

"Maayos na po ang pakiramdam ko doc," tugon ko kaya ngumiti siya sa akin.

"Pwede ka ng ma-discharge Sheena, heto ang mga babayaran mo dito sa hospital..." biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng iniabot niya sa akin ang ang isang papel.

"Bakit po masyadong malaki doc?" nagtataka kong tanong kaya tiningnan ako ng mariin nitong doctor.

"Wala ng mura ngayon Sheena, at saka balita ko naaksidente kayo ni Bryan? Tapos ang sabi pa sa balita, hindi itinuloy ang concert niya ng dahil lang sayo. Alam mo bang super fan ako ni Bryan tapos sinira mo lang ang lahat?" sabi niya bago ako tiningnan ng masama.

"Dapat ikaw na lang ang namatay." walang emosyon niyang sabi kaya bigla na naman ako nakaramdam ng sakit sa puso ko.

"You shouldn't have to say that to her, it's not her fault." sabay-sabay kaming napatingin sa may pintuan at nakita ko si Mr. Timothy na papalapit sa amin.

Sigurado akong nakilala siya ng doctor na kasama ko dito.

"Oh Mr. Lee? H-have you been there before?" sabi niya kaya tiningnan ng mariin ni Mr. Timothy ang doctor.

"Yes. Did I bother you doctor? Don't worry about her pay bills, let her stay at this hospital until my son is awake." sabi siya sa doctor bago ako tiningnan ni Mr. Timothy.

"O-oh! No problem Mr. Lee, let me excuse myself though," sabi niya bago nag bow sa harap ni Mr. Timothy at lumabas na ng kwartong ito.

Napayakap na lang ako sa parehas kong tuhod bago ko ipinatong ang noo ko at umiyak ng tahimik doon.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Mr. Timothy sa hospital bed kaya nagsalita ako.

"I'm so sorry Mr. Timothy, it's my fault." sabi ko habang hindi na matigil ang pagluha ng mata ko.

"No, it's not your fault Sheena... It's my fault," sabi niya bago ko narinig ang pag-iyak niya. Napatigil ako sa pag-iyak at tiningnan ko ang Daddy ni Bryan na umiiyak mismo sa harapan ko.

"It's my fault. Dapat hindi ako pumayag sa plano ni Maria na sabihn kay Bryan ang tungkol sa company at ang pagpapakasal niya sa anak ni Chan. It's my fault. I'm so sorry, sinira ko ang pag-iibigan niyong dalawa." sabi niya at tiningnan ako. Hindi ako makapaniwala na magsasabi sa akin ng ganito si Mr. Timothy.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Where stories live. Discover now