CHAPTER 41

3K 62 8
                                    


Dedicated to : @rosaliecabaral


SHEENA'S POV

Time check: 04:12 A.M

*tok* *tok* *tok*

Akala mo ba may kumakatok sa kwarto ko ano? Kinakatok ko lang naman ang pinto ng kwarto ni Chabs! Akala ko kasi nilagay ni chabs sa Refrigerator yung ice cream ko! Saan kaya niya yun tinago?

*tok* *tok* *tok* (Isa pa ulit na katok ko sa pinto!)

"Bakit? May gusto ka na naman ba?"

"Oo! Yung Ice Cream ko nasaan?"

"Ahh..." Bigla siyang nahawak sa batok niya na parang nangangamot! May balakubak y'ata!

"May balakubak ka ba? Nangangamot ka ehh!" Ahh... Alam ko na kung bakit siya nagkaka-ganyan!

"K-kase- - -"

"KINAIN MO ANO?"

"Yun nga! Nakain ko na kagabi hehe!"

"Hays! KAINIS KA TALAGA! IKAW BA YUNG NAGLILIHI?"

"Hindi! Akala ko kase hindi masarap kaya tinikman ko muna! Pero nung natikman ko! Ang sarap pala!"

"Hays! Sabi ko na nga ehh! Ibili mo ako ulit nun!"

"ANO? Kahit ganito kaaga papupuntahin mo ako sa Ice Cream Parlor?"

"Oo!" Ikaw kasi ehh! Kung hindi mo kinain yung Ice Cream ko sana hindi ka bibili ngayon ng ice cream ko!

Yun nga! Kinuha niya ang coat niya at lumabas, kahit na nakapang-tulog pa siya.

Time check : 06:40 A.M

"Bakit kaya ang tagal niya?"

"Sheena! Wala talaga!"

"Anong wala talaga?"

"Ano! Wala kasi akong makita lang bukas na Parlor ng ganito kaaga!"

"Hays! Sige na nga titiisin ko na muna ngayon at maliligo lang ako!"

"Bakit?"

"Aalis tayo di ba? Kasama si Tito! Di mo ba alam yun?"

"Ahh... Yung sa Company building ba ng Daddy mo?"

"Step-Dad! Ok?"

"Ok. Ok!" Tumakbo na ulit siya papasok ng kwarto niya para maligo. At ako naman pumasok din sa kwarto ko para maligo at makapag-bihis din!

•√•√•√•√•√•√•√•√•

"Kailangan ba talaga nating puntahan ang Step-Dad ko?" Sabi ko. Malapit na kase kaming tatlo sa Company Building ng Step-Dad ko! Kainis nga ehh! Kaya lang naman ako napapayag ay dahil mabait si Tito!

"Oo, may mahalaga kasi siyang sasabihin sayo na dapat mong marinig ngayon na!" Sabat naman ni chabs! Ang epal talaga!

"Di nga chabs?" Pang-aasar ko dito.

"Edi wag ka maniwala! Bahala ka diyan!" Sabi niya at biglang nag-cross arm. Aba! Nagtampururot y'ata ang bata!?

"Hala siya! Bakit nagtatampururot ang chabs ko ahh~~~"

"Anak! Hays pinaglilihian ka na ni Sheena oh!" Biglang sabat ni Tito!

"Hays! Dad, lagi na nga lang ako pinag-iinteresan nito ehh! Nakaka-bad trip!"

"Pfffftt.. HAHAHAHAHA!" Nagulat ako sa pagtawa ni Tito! Ano namang nakakatawa sa sinabi ni chabs? Kaloka! Nagulat tuloy si Baby ko!

"Naku! Baby wag kang matakot sa tawa ng magiging Lolo mo ha!"

"Dad! Gagawin ka palang Lolo nitong si Sheena ehh! Hahaha!"

"Okay lang! Gusto ko nga anak na makapag-asawa ka na eh para magkaroon na ako ng dalawang apo! Di ba Sheena?"

"Opo naman po Tito! Kaya chabs pag-igihan mo pa ha? Maghanap ka na agad!" Sabi ko kaya sabay kaming napatawa ni Tito sa sinabi ko! Hahaha. Banaman kasi 'tong si chabs hindi pa nag-gi-girlfriend ehh... Ang torpe niya kasi masyado!

"Oh? Nandito na tayo, kaya baba na katong dalawa sa kotse at ako ipa-park ko lang ito ha!" Sabi ni Tito kaya bumaba na kami ni Chabs.

"Sheena! Tara na sa loob?"

"A-ahh! S-sige sige!" Bigla akong kinabahan dahil niyakag na ako ni chabs papasok sa Company Building ni Dad.

"Ano ka ba! Wag ka nga kabahan diyan! Baka mapano pa si Baby mo eh!"

"Oo na nga! Tara na!" Naglakad na kami papasok sa building. Hindi naman kami hinarang nung manong guard kagaya nung sa amin ni Bryan dati. Habang naglalakad kami ay ako lang ang tinitingnan ng employees.

Bakit ba nila ako tinitingnan? Hindi pa naman malaki antmg tiyan ko ehh!

"Chabs! Bakit ba nila ako tinitingnan?"

"Ewan ko!" Bigla ko lang napansin na naka-akbay pala sakin ang tababoy na'to! Agad ko itong tinanggal kaya ang laki ng gulat ng mga employees sa pagsigaw ko.

"KAYA NAMAN PALA EHH! NAKA-AKBAY KA SAKIN! KAYA PALA AKO TINITINGNAN NG MGA EMPLOYEES DITOOOO!" nagulat ako ng bigla na lang nagsitakbuhan ang mga employees. Natakot y'ata sakin. Naglakad na kami papasok sa elevator kung na'san ang Office ni Dad sa 10th floor.

"Anak!" Biglang sabi ni Dad pagkapasok na pagkapasok namin sa loob.

***

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Där berättelser lever. Upptäck nu