CHAPTER 12

3.8K 87 3
                                    

SHEENA'S POV


Kanina pagkapasok ko sa kwarto para mag-impake sana ng mga gamit ko, nakita ko na, naka-impake na ang mga damit ko at nakalagay na sa maleta.

Flashback;

Tapos na ‘ko kumain kaya naman inilikom ko na lahat ng pinag-kainan ko bago inilagay na sa lababo para liligpitan na lang ni Ate Josie mamaya. Kaya naman nung nadala ko na iyon ay umakyat na ako para mag-impake ng mga gamit ko.

Pero nung binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko, nakita ko si Bryan na hawak ang...

"B-bakit h-hawak mo ang underwear ko?" aba’t may pagka-manyak pala ang artista na ‘to.

"Ahh... Ito ba?" tanong niya habang iniwinawagayway ang underwear ko sa mismong harapan ko pa talaga.

"Pinag-impake na kita! So, let's go now!" susugudin ko na sana siya ng suntok ng bigla niyang sabihin ang mga katagang ‘yan at kumaripas na nang takbo papalabas.

“Hays. Ibang klase talaga,” napa-iling na lang ako sa sarili bago ko kinuha ang maleta ko.

End of Flashback:

Nandito na kami ngayon sa kotse ni Bryan at papunta na sa Airport. Tahimik lang kaming dalawa dahil sa nangyari kanina.

Ikaw ba naman, hawakan kaya ang panty mo tapos iwawagayway pa na parang watawat sa harap mo ‘no? Sino kayang hindi mahihiya at magagalit dun sa ginawa ng Artistang 'to?

"Sheena, sorry talaga. Hindi ko naman kasi sinasadya eh, sorry na"

"Anong hindi mo sinasadya? Eh niwagayway mo pa nga sa harapan ko? Tapos magso-sorry ka sakin ngayon. Ano pampabwisit lang, ganon?" nakatingin ako sa bintana nung sinabi ko yun sa kanya. Grr! Nanggigigil talaga ako sa kanya.

"Sorry," sabi niya at napalingon pa siya dito sa side ko. Bakit parang ako pa ang nakokonsensiya? Bwisit. Tsk tsk.

Bakit naman ako makokonsensiya eh siya nga yung gumawa ng kasalanan! Parang ako tuloy yung may kasalanan sa ganitong sitwasyon. Hays. Nakakainis talaga.

"Hays! Oo na nga!" naiiritang sabi ko bago lumingon sa kanya. Parang biglang nawala ang pagkainis ko sa kanya ng makita ko tuloy kung paano siya ngumiti na ewan sa harapan ko.

Hindi ko na lang iyon pinansin kaya itinigil na niya ang pagmamaneho dahil nandito na kami sa tapat ng Airport.

"Isuot mo na yang disguise mo at ako na ang bahala sayo, libre kita mamaya." Siguradong passport ang ibig niyang sabihin. Kaya hindi ko napigilang ma-excite.

"Talaga?"

"Oo naman,"

"Ahh... Thank you talaga!" natutuwang sabi ko sa kanya kaya hindi ko na napigilang yakapin siya, pero mas lalo akong natawa ng mabigla siya sa ginawa ko.

"Hahaha! Bakit gulat yang mukha mo?" natatawa kong sabi.

"E-ehh k-kasi..."

"So~ alam mo na kung anong feeling ko kanina nung ginawa mo ‘yan?" saad ko pero hindi ko pa rin alam kung saan ba siya titingin. Natatawa ako sa itsura niya.

"Oo na! Quits na tayo kaya ‘wag ka ngang maarte!" sabi niya bago dumistansiya sakin. Hahaha! Nakaka-shock naman kasi yung ginawa niya sakin kanina kaya bawi-bawi lang.

"Wow, ako pa talaga ang maarte?" bulong kong sa sarili.

"May sinasabi ka ba diyan?" shocks! Narinig niya y’ata ako kaya agad akong ngumiti sa kanya bago umiling.

"Wala po." mahirap na, baka ako pa ang magbayad ng passport ko ‘no.

Hindi na ako nagsalita pa at sinuot ko na ang shades na pinahirap niya sakin at nag-jacket na rin.

Minsan nakakapagtaka pa rin kasi 5 am pa lang ng umaga, marami ng tao agad dito sa loob ng airport. Parang hindi nauubusan ng tao dito. Akala ko pa naman kami ang kauna-unahan dito.

(After 30 minutes)

Airport Announcement: Your attention please, passengers for Manila. Flight B114 to United States. Immediate boarding please at gate B5.

Agad kaming napatayo ni Bryan sa upuan. Kukuhanin ko sana yung maleta ko pero agad niya nang kinuha iyon at ibinigay na lang sakin yung bag.

“Mas magaan ‘yan,” agad niyang sabi kaya naman napanganga ako. As in. Wow.

Napaisip ako bigla. Mabuti naman at mayroong galawang ‘gentleman’ si Bryan. Akala ko wala sa bokabularyo niya ang ganun eh.

Kakapasok pa lang namin dito sa loob ng airplane at ibig sabihin marami kaming kasabay na mga pasahero. Ito kasing si Bryan hindi na lang nag-renta ng helicopter eh, gusto niya pa sa public transportation sasakay.

"Maupo ka na at ilalagay ko lang muna itong mga gamit na dala natin" bigla niyang sabi kaya tumango na lang ako. Aaminin ko, first time ko sumakay ng airplane.

Matapos niyang ilagay lahat ng gamit namin bigla na lang niya isinuot yung sumbrero at nag mask na rin siya ng color black.

"Can you wear this?" sabay abot niya sakin ng mask.

"Huh? Hindi naman nila ako makikilala ah, di na bale kung ikaw. Artista ka kase!" bigla na lang niya tinakpan ang bibig ko. Oops napalakas y’ata pagkakasabi ko.

"Ang lakas naman ng boses mo! Pwede bang pakihinaan? Alam mo naman na nasa public tayo di ba?" bulong niya sakin. Halatang nanggigigil na.

"Gusto mo ba lakasan ko pa? Bakit mo ba ako pinapagalitan diyan? Tsk.” pabulong ko ‘ring sabi.

"I said shut up! Don't talk!” sabi niya habang pinanlalakihan pa ako ng mata. Tsk. Bahala ka diyan, hindi kita kakausapin.

Lumipas ang ilang oras, hindi ko pa rin siya kinakausap. Aba. Patigasan pala ah. Pero nagulat ako nang sikuhin niya ako.

"Bakit di ka na nakapag-salita diyan?” bulong niyang tanong kaya napa-irap na lang ako ng wala sa oras.

Boblaks naman pala ‘to eh! Sabi niya sakin kanina ‘shut up!’ tapos ‘don’t talk!’ tapos sasabihan niya ako kung bakita hindi ako nagsasalita? Hays.

Dahil ayoko pa rin magsalita, kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-type ng message sa kanya. Grr. Kagigil talaga.



To: Bryan

Di ba sabi mo wag akong magsalita? Tapos sasabihin mo kung bakit hindi ako nagsasalita? Loko ka palang Artista ka ehh, pinaglololoko mo ba ako?!!!


Dinamihan ko exclamation point para intense. Maramdaman niya sana na kanina pa ako nanggigigil sa kanya. At gusto ko na talaga siyang batukan sa time na ‘to pa lang.

"Okay! Mas maigi na rin at nagkakaintindihan tayo diyan parito ka nga!" nagulat ako ng malakas niyang sinabi ‘yon at ngayon agaw atensyon na kami sa mga pasahero dito.

Bigla na lang niya akong hinatak bago niyakap ng mahigpit at ginulo ang buhok ko. Aba’t bwisit ‘to ah. Inuubos niya talaga pasensiya ko!

"Tumigil ka nga! Napakaraming taong nakatingin! Bwisit ka talaga kasama!" naiinis kong bulong sa kanya.

Dahil sa panggigigil ko, mahina kong kinurot ang tagiliran niya. But heck! Hindi pa rin siya bumibitaw! Nababaliw na y’ata 'to eh.

"Mommy! Ang Sweet naman po nung mag-asawa tulad niyong dalawa Mom ni Dad hihi" nagulat ako ng marinig iyon.

Ngayon naman napagkamalan kaming mag-asawa? Like bullshit? Kyah! Bwisit! Kinurot ko siya ng malakas at siya naman itong napabalikwas sa upuan niya. Tseh! Buti nga sa sayo!

"Hoy! Ang sakit kaya ‘nun!" daing niya kaya naagaw na naman namin ang atensyon ng lahat dito.

"Ikaw pa talaga ang umaarte ngayon ha? Bakit mo kasi ginawa ‘yon!" malakas kong sigaw sa kanya. Kaya sakin naman napatingin ang mga tao ngayon dito. Sinamaan pa ako ng tingin nung ilan.

Bakit parang ako pa iyong may kasalanan? Ano na namang ginawa ko?

"Hija! Hayaan mo na 'yang asawa mo na lambingin ka, minsan lang naman yan sa buhay ng tao,” sabi nung lolo na nasa tabing tagiliran naka-upo.

"Oo nga hija! Hayaan mong lambingin ka ng asawa mo!" natatawang sabi naman lola at sabay na niyapos yung lolo na katabi niya. Mag-asawa din y’ata sila.

"Ahh... Walang galang na po lolo at lola. Hindi naman po kami mag—" tinakpan ni Bryan ang bibig ko at pinutol na ang sinabi ko.

"Nako pasensiya na ho, buntis ho kasi itong asawa ko at ako ang napapaglihian" tawa ni Bryan kaya mas lalo akong nagulat ng sabihin niya iyon sa kausap kong lolo ay lola.

“Ayy kaya naman pala haha congrats hijo,” sabi nung lola kaya mas lalo akong napanganga. Bwisit na artista!

Hindi na lang ako nagsalita at naupo na lang ako sa kinauupuan ko kanina. Grabe! Sobrang nakakahiya. Shit!

"Ayan, behave ka na okay?" talagang pang-aasar pa sakin ni Bryan.

“Alam mo Bryan, gustung-gusto kitang yakapin” nanggigigil na sabi ko bago siya sinamaan ng tingin.

“Talaga?”

“Oo. In the neck. With a rope.” Saad ko kaya biglang nagbago ang expression niya.

“Grabe, talagang napipikon na siya oh hahaha!” natatawa niyang sabi. Susunggaban ko na sana siya ng sakal sa leeg ng may tumigil sa gilid ni Bryan na isang flight attendant.

"Excuse me, do you want juice, wine, water, or soft drinks?" sabi naman nung flight attendant sa aming dalawa.

"Hindi na po," saad ko bago ito lumipat sa kasunod namin. Si Bryan bigla na lang nag-seryoso. Ewan ko ba dito.

Hindi ko namalayan na nakapatong na pala ang ulo ni Bryan sa balikat ko. Agad ko iyong tinanggal pero ibinalik din naman niya ulit.

"Hoy! Ano namang ginagawa mo ngayon?"

"Inaantok na kasi ako eh, pwede ba?"

"Bahala ka, wala na naman ako magagawa sa kakulitan mo. Nababadtrip lang ako sayo" mataray kong sabi pero hinayaan ko na lang siya.

“Siguradong gusto mo na makita ang daddy mo,” bigla ako napatingin kay Bryan. Nakapikit siya. Dahan-dahan naman akong tumango.

“Oo naman, matagal ko na din siyang hindi nakikita,” malungkot kong sabi bago napahikab.

“Ipatong mo na lang din yung ulo mo sa ulo ko kapag inaantok ka na,” sabi niya habang nakapikit pa din.

“Oo,” ipinatong ko ang ulo sa ulo niya at ipinikit na rin ang mata ko.

“Makikita mo din ang dad mo,”

***

Edited.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Where stories live. Discover now