CHAPTER 38

2.8K 52 1
                                    

NICKOLAS POV ( chabs )

Kanina pa ako nag-aalala kay Sheena! Ano na kayang nangyayari sa kanya?! Kanina pa siya nagsusuka. Sabi niya baka daw panis yung pagkain kaya kinuha ko yung binili ni Dad na Pork na nakalagay sa Refrigerator namin at pinuntahan ko mismo yung binilhan ni Dad sa store, pero sabi nung tindera bagong labas ang karne kaya yun ang pinagtataka ko.

Akala ni Sheena umalis na ako sa kwarto niya. Nung sinara niya ang pinto tsaka ako lumapit ang pinakinggan ang boses niya sa loob pero ang narinig ko, sumusuka lang siya. Ano bang problema niya! Baka naman hindi niya gusto yung pagkakaluto ni Dad sa ulam namin kanina.

"Hays! Hayaan na nga! Baka naman talaga sa kinain namin kanina!" Sabi ko sa sarili ko at naglakad na papunta sa kwarto ko.

SHEENA'S POV

"Kumusta na kaya si Bryan? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hays! *nasusuka*" pandalas akong nagpunta sa C.R at sumuka!

"Bukas, magpapa-check up na talaga ako!" Sabi ko at nagmu-mog ng tubig bago lumakad papunta sa Kama ko at humiga.

*KINAUMAGAHAN*

Time check : 06:05 A.M

"Haay!" sabay inat ko! Nagpunta na ako sa Bathroom para maligo. Nakuu!

"Aray teka, teka nahihilo ako!" Ahh... Sakit talaga! Bakit kasi! Kagabi pa ako nagkakaganito ahh!

"SHEENA!!! SHEENA!!! SHEENA!!!" Katok at tawag sakin ni chabs sa labas ng pintuan ko. Bakit kaya?

Agad akong nagpunta sa pintuan at binuksan ito.

"Bakit? Ano bang nangyayari? May sunog ba?" Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya.

"Hays! Kahit kelan talaga! Walang sunog!" Sabi niya saka binatukan ako pero mahina lang.

"Ano ba kasi! Hindi na natuloy ang pagligo ko ehh! Kainis!"

"Halika!" Sabi ni chabs at hinila ako papatakbo, pababa ng hagdan!

"Ano ba chabs! Ang bilis mo naman baka malaglag ako o madulas!" Wala lang sa kanya ang pagsasabi ko noon! Pero bakit nagmamadali siya?!

"Panoodin mo yan!" Tinuro niya ang T.V at tinignan ko nga!

Breaking news: Maligayang nagpakasal ang Artisrang si Bryan at ang sikat na Model na si Sky! Kitang-kita na tunay na talaga silang nagmamahala- - - - - - - - - - - - - - - -

"Bakit mo pinatay! Sheena!" Hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Napansin yun ni chabs kaya pinunasan niya ito. Ang lungkot sabihin na.....

Bakit niya ginawa sakin yun! Yung tungkol sa kagabi naming pagsasama?! Pero bakit iniwan niya ko! Ang akala ko ako ang mahal niya? Bakit? May nangyari samin pero nagawa niya pa rin akong iwan para lang pakasalan niya ang babaeng hindi naman niya Mahal? Bakit?!

"Sheena! Umiiyak ka?!" Hindi ako makapag-salita! Ano bang nangyayari sakin!

"Sheena! Ano bang nangyayari? SHEENAAAAAA!"

NICKOLAS POV

Bigla na lang pinatay ni Sheena ang T.V. Alam ko naman ang pinagdadaanan niya ngayon pero bakit parang araw-araw ko na lang siya napapansin na humihikbi kapag kausap ko siya. Ngayon iyak siya ng iyak. Kanina pa nung in-off niya yung T.V, hindi siya nagsasalita. Hagulhol na siya nag-aalala na ako.

"Sheena! Ano bang nangyayari? SHENAAAAAA!" Nagulat ako ng himatayin si Sheena kaya agad ko siyang binuhat at dinala sa Hospital.

°


°


°


°


°


°

"ANOOO!" sabi ko. Nagulat na lang ako sa sinabi ng doktor.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Hello readers!👋👋👋 Bibitinin ko na lang muna kayo. Hihihi hanggang 508 words lang kasi yan. Gusto ko maging EXCITING ang mga mababasa niyo ngayon.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt