CHAPTER 7

4.4K 124 2
                                    


SHEENA'S POV


Nakauwi na kami dito sa mismong bahay ni Bryan. Ewan ko ba! Sabi ko sa sarili ko na dapat layuan ko na siya pero ano na? Naging bahagi na ako ng pamilya nila.

Malaki kasi ang magiging problema ko at iisipin ko kung malalaman pa ng mga media ang pagpapanggap ko bilang girlfriend ni Bryan kahit na hindi naman totoo.

"Sheena!" tawag sakin ni Bryan. Tapos na siguro siya magbihis. Actually naliligo si Bryan kapag hapon haha. Ewan ko dun, sabi niya sakin kanina feeling fresh daw siya kapag hapon.

"Bakit?" sigaw ko pabalik ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Pumasok ka dito sa kwarto ko!" bigla ako natahimik. Ano na namang pinaplano ng artista na ‘to? Naku~ Sheena ‘wag kang green minded diyan hahaha! Pero bakit naman ako pinapapasok ni Bryan?

"Sheena? Nandyan ka pa ba?"

"Ahh... Oo! Papunta na!" tumayo na ako sa kinauupuan at pumunta na nga sa kwarto ni Bryan.

"Ano ba kase ang kai— O.O? Bakit ka naka-ganyan?!" minsan talaga nagugulat na lang ako sa mga pinaggagagawa ni Bryan eh. Ano ba kasing nakain nitong si Bryan? Nakasuot siya nang long sleeve na color white, naka-nacktie na kulay black at naka-coat siya na kulay black. Baka naman may pupuntahang photoshoot?

"Okay lang ba? Gwapo na ba ako?" bumalik lang ako sa katotohanan ng magtanong sakin si Bryan. Gwapo ka naman wag kang mag-aalala.

“Hoy! Natulala ka na diyan! Ano na? Gwapo ba?” napailing na lang ako sa sarili ko. Ano bang iniisip ko? Hays.

"Ah— eh oo naman," bulong ko sa aking sarili.

“Huh? What did you say? Can you say it again~?”

“Okay lang,” sabi ko ng wala man lang binibigay na reaksyon sa kanya. Bigla naman niya ako nginitian. Yung nakakaasar na ngiti.

“Naku~ sabihin mo na, ayaw pa eh” sabi niya bago ako kinindatan. Napa-iling na lang ako sa sarili. Kulang sa pansin talaga ang artista na ‘to.

"Oo na. Ikaw na ang gwapong Artista na nakita ko sa buong buhay ko! Ano okay na?" tsk tsk tsk. Napaka-ggss tala.

“Ayan ang gusto ko marinig sayo eh hahaha! Galit ka ba? So~ magbihis ka na may pupuntahan pa tayo!" excited niyang sabi kaya nagtaka ako.

"Huh? Saan naman?"

"Basta, magbihis ka at aalis na tayo!" sabi niya bago naglakad patungo sa pintuan.

"Saan naman tayo pupunta?" lumabas na siya ng kwarto at naiwan akong mag-isa dito, dito mismo sa kwarto niya? Kinilabutan bigla ako. Hays! Naalala ko na naman yung mga nangyari nung nakaraan.

"Teka lang kase!" humabol ako sa kanya bago lumabas ng kwarto.

"Ano naman ang susuotin ko, huh?" dagdag ko pa kaya madali niya akong tiningnan.

"Kahit ano diyan sa mga damit ko, basta may masuot ka at nang makapunta na tayo sa Mall na pag-aari ni Mom then I'll buy you some clothes, dress, and whatever you want."

"Aba'y mayaman!"

"Yup! Obvious naman di ba?" bumalik na naman ang pagka-mayabang ng taong 'to. Naiinis ako kapag nagyayabang siya. Nakakainis din dahil nagpapanggap akong girlfriend niya putek!!!

"Ahh ok. Magbibihis lang ako, wait lang!" sabi ko at bumalik na agad agad sa kwarto niya para magbihis.



(After 10 minutes)



Lumabas na ako ng kwarto niya. Halos natagalan ako magbihis ba naman napakaraming damit na pwedeng pagpilian sa mga damit ni Bryan sa closet niya tapos karamihan pa ‘dun ang lalaki pa sakin.


(Door Opens...)


"Ayy! Kabayo ka! Nakakagulat ka naman Bryan!" bigla kong sabi ng hindi sinasadya. Hays, bakit kasi nanggugulat eh.

"Nagpa-ganda ka pa ba ha? Halos 10 minutes ka na sa loob ta—?” huwag niya ako sagutin ng ganyan ahh.. baka mabatukan ko 'to eh.

"Teka nga muna! Wag kang magsasalita ng tapos dahil ikaw ang may kasalanan, bruha ka!" putol ko sa sasabihin niya kaya siya itong nagulat sakin.

"At... Ano naman ang kasalanan ko sayo huh?" nagtanong pa siya eh.. sa dami kaya ng mga damit nya! Alangan naman hindi ako mamili noh? Ehh sa mamahal kaya ng mga yun, tapos baka kapag nadumihan ko pa ako pa magbayad eh wala naman akong pera pambayad ng mga ganung kamahal na damit!

"Ehh.. sa dami kaya ng mga damit mo tapos kahirap pa mamili ng mga normal lang! Tapos kapag nadumihan ako pa magbayad nun eh wala naman akong ganung kalaking pera para bayaran ko yung ganung damit! Hindi naman ako katulad mo na mayaman tapos sikat pa! Kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ako nagagalit!"  pagkatapos ko sabihin ang mga ‘yun, hinawakan ng hintuturong daliri niya ang labi ko.

"Shsss.. Kapag naman madumihan mo yang mga 'yan, okay lang! Marami ako pamalit para dun tapos ngayon lalabas nga tayo para ibili kita ng damit at may surp— este ibibigay sayo dahil Valentine's ngayon!” pag-iiba niya ng topic kaya ako naman itong na-weirduhan sa kanya.

"Ahh... Tara na!" hindi ko na pinansin ginawa niya basta hinatak ko na lang siya pababa ng hagdan.

“Teka... Saan ba kase tayo pupunta at naka-ganyan ka pa? Ano ba tawag diyan? American suit?"

"Yup! Bakit may pupuntahan lang naman akong photoshoot ahh,"

"Ehh bakit kailangan kasama mo pa ako?" tanong ko. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang pisngi ko.


BRYAN'S POV



"Yup! Bakit may pupuntahan lang naman akong photoshoot ahh," ang totoo nyan, kunwari lang naman na may photoshoot akong pupuntahan and the truth is I have a big surprise for her dahil nalaman ko na ngayon pala dapat ang 2 years nila ng gagong Jack na yun.

Naisip ko na bigyan siya ng malaking regalo sa buhay niya, yung ngayon lang siya makakatanggap. Pero dahil sa Jack na ‘yun sinira niya ang Valentines ni Sheena.

Wala naman y’atang ginagawang efforts yung ex niya para pasayahin si Sheena. So why not naman di ba? Ako ang kasa-kasama ngayon ni Sheena at ako na ang bahalang magpa-kilig sa kanya.

"Ehh bakit kailangan kasama mo pa ako?" tanong niya saken kaya hinawakan ko ang pisngi niya na dahilan para ikagulat niya.

"Kase... gusto ko lagi kang nasa tabi ko. Malay mo minamasid ka pala ni Jack na ‘yun ng hindi mo pa namamalayan tapos kapag nalingatan kita saglit, bigla ka na lang niya kunin ng bigla-bigla sakin,” pagdadahilan ko. Sumama ka na lang kasi.

"Huh? A-ano ba iyang pinagsasabi mo? Hays. Tara na nga baka ma-late ka pa sa photoshoot mo, ako pa may kasalanan!" hinila niya na ako bago kami sabay na sumakay sa kotse at umalis na.

***

Edited.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon