CHAPTER 6

4.4K 115 1
                                    

SHEENA'S POV

School

Nandito na kami sa school. Simula nung pinasok ni Bryan yung kotse maraming sumisilip at nagtitilian. Kinabahan nga ako kanina habang pababa nung kotse, baka kasi may makakilala sakin.

Medyo nahihiya nga ako ehh... Kasama ko kasi yung Mama ni Bryan. Sabi ni Bryan sakin may pag-uusapan lang daw sila ni Daddy niya. Kaya ayun naiwan akong kasama ang Mama ni Bryan.

"Hello hija! Bakit parang ang tahimik mo y’ata? Don’t worry nagsasalita naman ako ng tagalog" nagulat na lang ako nung nagsalita yung Mama ni Bryan. Mukhang masaya talaga siya na makita ako. Nakakakaba huhu.

"A-ako po ba yung kausap niyo M-mama ni bryan?"

"Yup! Bakit Mama ni Bryan? Haha call me Mom not Mama ni Bryan! So longer than my name haha!" ganda pala ni Mama n— este Mom kapag ngumingiti kaya ikinalma ko na ang sarili ko.

"Ah-eh ano po bang name niyo po Mama ni Bryan— este~ M-mom," umayos ka ngang dila ka! Nauutal ka na naman!

"Hmm... Maria Belen Lee, ikaw hija, sanayin mo na ang sarili mong tawagin akong mom dahil magiging daughter-in-law na kita. Ano bang name mo hija?” nakakagulat naman yung daughter-in-law.

"Hmm... Sheena Perez po Mama ni Bryan— este~ Mom po pala." kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon, hindi ko maikalma ang sarili ko hays. Bakit ba ehh magka-usap lang naman kayo ah, maging normal ka nga Sheena!

"Haha.. ikaw talagang bata ka! Sanayin mo na lang ang sarili mong tawagin akong Mom haha ^__^ tutal girlfriend ka naman ng anak ko,"

"Huh? Sino pong may sabi?" yan di na ko nauutal ahh.

"Si Bryan, bakit may problema ba?" nagtataka niyang tanong kaya umiling na lang ako.

"Hehe... W-wala l-lang naman po M-mom," sabay ngiti ko sa kanya.

BRYAN'S POV

Pagdating namin ng school agad na bumaba si dad at tinawag ako. Nagpunta kami sa private room katulad ng napag-usapan namin kahapon.

"Bryan, can we talk?" panimula naman ni dad kaya tumango ako bago umupo sa sofa.

"Of course dad,”

"Anak, alam kong nasa tamang edad ka na para magpakasal di ba?" bakit ganito ang pinag-uusapan namin ni Dad?

"D-dad? What are you talking about?" nagtatakang tanong ko sa kanya. I know I’m the right age for marriage pero hindi dito sa Pilipinas ang right age para magpakasal ako di ba? Kasi 25 and above ang pwede ng magpakasal ang isang couple.

"Kailangan mo nang magpakasal, Bryan sa madali't panahon dahil hindi na ‘ko pwedeng magtagal dito sa mundo,"

"What do you mean Dad? I don't understand!?"

"Last time, nagpa-check up ako sa isang doctor and he said I have a cancer stage 3, bryan anak please tayo lang sana ang makakaalam"

"Bakit ayaw niyong sabihin kay mom?" nangunot ang noo ko ng sabihin iyon ni dad.

"Not yet, because this is not a perfect timing to tell her about my cancer,"

"Kanino naman ako magpapakasal?"

"Mahal mo ba ang girlfriend mo?" teka... Mahal ko ba? Ang alam ko kaya lang niya ako naging boyfriend dahil lang sa 'Im willing to help you' yes tinutulungan ko siyang mag- move on.

"Yah?" hindi pa desididong sagot ko.

"Nice! So~ ayusin na natin ang kasal niyo!"

"WHAT?!"

"Yup! Bakit ayaw mo ba sa kanya? Gusto mo ipakasal na lang kita sa ka-member natin sa business!?"

"Naku! Dad nagulat lang naman po ako of course yes naman pero hindi pa kasi alam ni Sheena ,"

"Hayaan mo akong magsabi sa kanya, guve it to me"

"Ahh—" may sasabihin pa sana ako ng makalabas na si dad nitong private room, napailing na lang ako. Paano ko ipapaliwanag sa kanya yung about sa kasal? Pumayag lang namab siyang magpanggap na girlfriend ko because I ask an favor pero bakit naging ganito?

Hays, hindi ko na alam gagawin ko. Siguro gagawan ko na rin ng paraan. Sumunod na rin ako kay dad at pinuntahan sina Mom and Sheena hala close na sila agad? Tawanan ng tawanan ehh!

"Hi Mom! Hi my wife!" bati ko sa kanilang dalawa.

"Hi son! Sweet mo naman kay Sheena," kinikilig na sabi ni Mom.

"Ah— eh— hehe" natawa na lang sa naging reaksyon ni Sheena kaya napalingon agad ako sa kanya. Pagtingin ko pinandilatan niya ako ng mga mata niyang magaganda *__*

"What's wrong hija? Ayus ka lang ba?"

"Ayy ako po? Ayus na ayus naman po, humihinga pa naman hehe"

"Kahit kelan talaga napaka-palabiro mong bata," natatawang sabi Mom.

"Ako? Palabiro? Naku! Hindi po Mom! Hahaha" tingan mo nga naman ang pagkakataon. Ang tawag ni Sheena kay Mom ay Mom? Future na nga ito. Huwag ko na lang pala gawan ng paraan.

Mas okay pang siya ang pakasalan ko kaysa sa taong hindi ko pa naman kilala noh? Isa akong Artista at kapag nalaman ng social media na in-arrange marriage ako siguradong masisira ang career ko.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Ah hindi pa" sagot ni Mom. Kanina pa sila nagku-kwentuhan diyan, pero hindi sila bumili ng makakain.

"Kanina pa kayo nagku-kwentuhan diyan mom pero hindi kayo bumili ng pagkain?"

"Of course not, napa-sarap lang kami sa pagku-kwetuhan at saka kapag lumabas kami diyan ni Sheena eh baka dumugin kami ng mga tao diyan at mabalitaan pang nasa Pilipinas na kami" pagdadahilan ni mom kaya napatango ako. Kung sabagay, may tama rin naman si mom.

"Umuwi na lang tayo Hon sa bahay para kumain tsaka para na rin makapag-pahinga pa tayong apat di ba?"

"Tama ka nga Honey masakit pa naman ang likod ko. Haha.."

"So ano Mom and Dad tara na!?" tumayo na sila Mom and Dad pero bakit nakaupo pa rin si Sheena?

"Bakit hindi ka pa natayo dyan!" sabi ko.

"Kasama ba ako?"

"Yup! Kaya tumayo ka na dyan dahil hinihintay ka na ni Mom and Dad sa kotse,"

"Ahh... Ayoko, nahihiya na ‘ko” napangiti ako sa sinabi ni Sheena kaya kinuha ko ang kamay niya at hinila na siya.

“Huwag kang mahiya, nandito naman ako eh” sabi ko at nginitian siya.

“ O-okay, sabi mo eh”

Sumakay na rin kami ni Sheena sa kotse at pumunta na sa bahay para makapag-pahinga na si Mom and Dad.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Where stories live. Discover now