CHAPTER 22

3.2K 94 2
                                    

SHEENA’S POV

“Aray ang sakit ng leeg ko...” bulong ko sa sarili ng maramdaman ang pagkangalay ng leeg ko.

“Hala!” bigla akong napamulat ng maalalang nakatulog pala ako sa sofa dito sa private room ni Bryan!

Agad kong hinanap ang cellphone ko at ng makita ko iyon, tiningnan ko kaagad ang oras.

4:32 AM

“Shet” napahilamos ako ng mukha ko. Bwisit! Bakit hindi ako ginising ng mokong na ‘yon?! Kainis talaga! Iniwan niya talaga akong nag-iisa dito!

Napa-upo ako sa sofa at hinanap ang kapares ng natanggal kong sapatos. Pero bigla akong napatigil ng makita ang kumot sa tabi ko. Parang nakaramdam ako ng saya at agad na hinanap ng mata ko si Bryan.

Hindi pala.

Hindi niya pala ako iniwan. Napangiti ako nang makitang natutulog si Bryan sa lamesa niya. Dahan dahan akong lumapit doon at pinagmasdan ang mukha niya.

“Paod na pagod ka siguro,” bulong ko kahit na alam kong hindi niya naman ako maririnig. Ang himbing ng tulog niya, ewan ko lang pero ngayon ko lang siya nakitang nagsipag. Akala ko kasi masipag lang siya pagdating sa pang-aasar sakin.

Inilihis ko ang tingin sa kanya at naglakad pabalik sa sofa na hinigaan ko kanina, kinuha ko yung kumot at ipinatong naman iyon sa likuran niya. Napangiti na lang ako ng bahagya siyang gumalaw.

“Tsk ang bait mo tuloy tingnan, kainis.” Sabi ko sa kanya pero mahimbing pa din tulog niya. Kaya umalis na ko sa harapan niya, pinagpatuloy ko ng hanapin ang kapares ng sapatos para makabili na ko ng pagkain sa labas. Nagugutom na kasi ako sobra.

Pagkalabas ko ng private room nakita ko si Manong Guard na natutulog kaya dahan dahan akong naglakad papalabas ng gate. Siguro ang lamig dito sa labas, grabe ang tibay ni Manong. Kaya niyang matulog dito sa labas kahit walang kumot kumot.

Natawa na lang ako sa naisip ko. Tumakbo na ako ng mabilis para makapunta agad sa convenience store, malapit lang kasi dito ang mga mall since private itong pagmamay-ari ni Bryan.

Bumili ako ng tatlong cup noodles at tatlong coffee para sakin, kay Bryan at kay Manong Guard. Syempre sinama ko si Manong, hindi siya umalis dahil naroon pa kami sa school ni Bryan.

“Ate may sticky notes po ba kayo diyan?” tanong ko sa nagbabantay nitong convenience store.

“Meron po Ma’am,” sabi niya kaya ngumiti ako sa kanya. “Pahiran na rin po ng ballpen Ate,” nahihiya kong sabi pero binigay niya naman sakin.

Sinulatan ko iyong sticky note ng “Thank you Manong,” at idinikit iyon parehas sa coffee at cup noodles. Nilagyan ko na rin ang mainit na tubig yung cup noodles para diretso kain na agad.

“Thanks po, Ate!” masigla kong sabi bago ibinalik sa kanya ang sticky notes at ballpen na pinahiram niya.

“Welcome” anya.

Bumalik na ako sa school at iniwan ko na sa harap ni Manong ang coffee at cup noodles na binili ako. Kumatok muna ako sa may counter niya bago ako tumakbo ng mabilis pabalik sa private room.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Kde žijí příběhy. Začni objevovat