CHAPTER 15

3.5K 95 5
                                    

SHEENA'S POV

Nakaalis na kami ni Bryan sa Company ng step-dad ko. Katabi ko ngayon si Bryan sa kotse, kanina niya pa hinahaplos ang buhok ko para lang patahanin ako pero hindi ko kaya.

Totoo pala na masakit malaman ang katotohanan ‘no? Ang sakit sakit pala.

Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Mommy sa kanya pero nakakainis talaga! Ang sama niya! Pinaglalaruan niya pala si Mommy, napakasama niya. Yaman at pera lang pala ang hanap niya.

"Huwag ka na kasi umiyak, tumahan ka na please" agad akong umiling. Hindi ko kaya tumahan.

"Ang sakit kasi malaman ang totoo, parang tinutusok ang puso ko ng karayom sa sakit nang katotohanan na nalaman ko, para nawawasak na ang puso k—"

"Hayst! Napaka-OA mo naman! Sana patay ka na kung tinutusok yang puso mo, para kang baliw" putol niya sa sinabi ko. Bigla ako napatigil at binatukan siya. Agaw moment naman ‘to! Nakakabwisit talaga.

“Ano na naman ba?!” angal niya ng mabatukan ko na. Pinahid ko ang luha ko saka siya sinamaan ng tingin.

“Minsan na nga lang ako mag-drama, ganyan pa sasabihin mo sakin?! Pakshet ka” inis kong sabi sa kanya pero tinawanan lang ako ng artista na ‘to. Hays, ang sarap niya talaga sakalin.

“Alam ko na! Gusto mo ba bigyan kita ng masarap na pagmamahal at talagang ikasasaya mo ngayon?” nakangiti niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.

"Huh?" ano namang ikasasaya ko?—wait. Mukhang... takte! “Nantitrip ka na naman ba? Kung kaadikan at kabastusan ‘yang nasa isip mo, huwag na. Ayoko. Labas ako d’yan”

“Napakadumi naman ng isip mo! Wala naman akong gagawing masama sayo eh” natatawa niyang sabi kaya nairita na naman ako.

“Ano ba kasi ‘yon?!”

"Basta!" sabi niya at lumapit sa driver. May sinabi siya dito at agad namang tumango si Mr. Jones kaya agad akong nag-panic. Shit! Ano bang ginagawa mo Bryan?!

"Hoy! Anong sinabi mo kay Mr. Jones? Nasisiraan ka na ba ng ulo?!" sabi ko pero parang hindi niya naman ako pinakinggan.

"Basta nga! Pwede ko bang hiramin ang panyo mo?”

"Bakit? Ayoko! Baka kung ano pa gawin mo sakin" sabi ko at humarap na sa bintana. Nagulat na lang ako ng bigla niyang yakapin ang bewang ko bago ako kinandong sa kanya. Nag-panic na naman ako.

"Ano bang ginagawa mo?!” kinakabahan kong sabi pero siya itong walang pakialam sa mga sinasabi ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Bryan sa bulsa ko kaya hindi ko na napigilang magpumiglas. Takte! Sobrang awkward ng ginagawa niya!

Kinuha niya pala ang panyo sa bulsa ko. Kaya naman nung nagpupumiglas ako hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa bewang ko. Takte nakikiliti ako, walanjo! Yun pa naman kahinaan ko!

"Ahahaha! Bryan! Tigil—haha— mo na nga ang—haha—pagki—haha—liti sa waist ko!" hindi maintindihang sabi ko habang ako'y parang ulol na aso na tawa ng tawa.
        
Nagulat na lang ako ng bigla na siyang tumigil at nanahimik ng sandali. Napanatag naman ang pakiramdam ko nang ibaba niya na ako. Natahimik din ako bigla at hindi na ako makatingin sa kanya. Grabe, nakaka-ilang na tuloy.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Where stories live. Discover now