CHAPTER 13

3.6K 88 3
                                    

SHEENA'S POV

“Wow! I miss this place, really.” Saad ko ng makalabas na kami ni Bryan ng airport.

"Hmm.. Pwedeng mag-request?"

“Bukod sa passport?” bigla ako napasimangot ng sabihin niya iyon.

“Oo, utang ko ‘yon sayo,”

“Hahaha joke lang” pinalo ko siya sa braso niya ng sabihin iyon.

“Tsk.”

“Eh ano ba ‘yun?” tanong niya kaya bumalik ulit ang ngiti ko.

“Pwedeng bisitahin muna natin si Mom bago si Dad?”

"Okay? Hindi ba sila magkasama sa isang bahay?”

“Kung pwede lang haha”

“Huh?”

“Basta sa national cemetery tayo, bago tayo pumunta kay Dad at umuwi sa inyo” kahit na nagtataka ko siyang tiningnan ay tumango lang siya.

“Okay!” sabi niya bago ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

Hinatak na ako ni Bryan papalapit sa isang van na tumigil sa harapan namin. Pinagbuksan kami ng pintuan ng isang lalaking nakasuot ng americana.

"How was your day?" tanong agad nung driver pagkasakay namin sa van.

"We’re fine Mr. Jones,” saad ni Bryan ‘dun sa driver. Ngumiti sa amin yung driver bago ini-start ang engine nitong van.

"Are you okay?" napatingin na lang ako kay Bryan. Hays. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

"O-oo naman haha!" natatawang sabi ko kahit na sobrang awkward ng pakiramdam ko. Hays.

“Mr. Jones, to the national cemetery first,” saad ni Bryan kaya napangiti ako.

“Alright,” magalang na sambit ni Mr. Jones bago ngumiti sa amin. Pinaandar na niya ang van at nagpunta na kami sa cemetery.

“Kailangan natin ng kandila at saka bulaklak, pwede ba tayong dumaan sa malapit na flower shop dito?” tanong ko kaya ngumiti sakin si Bryan.

“Tanong ko lang,” tugon sakin ni Bryan kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya.

“Mr. Jones, is there a flower shop and candle shop nearby?”

“No, in town there are vendors of candles and flowers,” sagot ni Mr. Jones kaya napatango na lang ako.

“Puntahan na lang natin si Mom,” sabi ko kay Bryan kaya tumango ito.

“Let’s go straight to the cemetery, Mr. Jones” sabi ni Bryan kaya tumango naman sa kanya si Mr. Jones.

***

Makalipas ang mahabang byahe, narating na rin namin ang United States National Cemetery. Dito inilibing ang Mommy ko dahil yun ang gusto ni Daddy. Mas maganda daw kasi dito kasi palagi niya mabibisita si Mom.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Where stories live. Discover now