Kabanata 48

983 23 4
                                    

Huminto ako saglit at mataman siyang tinitigan.
"Si Ma'am Mia."

Nakatitig lamang siya sa akin, tutok na tutok.
Hindi ko masabi, para bang may bukol sa aking lalamunan, maging paglunok ko e nahihirapan ako.

"Ano 'yun? Anong tungkol kay Mia?"

Umiwas ako ng tingin. May pumipigil sa akin na kung ano, hindi ko masabi.

"Dahil ba sa pag aya niya sa akin at pumayag ako? Hindi ibig sabihin nun na gusto ko na siya."

Hinawakan niya ang aking pisngi, hinahawi niya ang aking buhok at sinundan iyon ng malalim na hininga.

"Ikaw lang ang gusto ko, ikaw ang mahal ko. Ano bang gusto mong gawin ko para hindi 'yan maalis sa isipan mo?"

Ano bang pwede kong isagot? Umuurong ang dila ko sa tuwing makakaharap ko siya.

"Ngayon ko lang ulit naramdaman 'to, kaya sigurado ako na mahal kita."

Sa kaniya ko iginawi ang aking tingin, mabibigat na hininga ang aking ibinubuga, sa mga tingin niya'y gusto kong umiwas, inaakit ako nito at ayoko na may mangyari sa amin... baka makabuo pa ng isang pagkakamali.

"Sabihin mong mahal mo rin ako."

Tumango ako, wala akong butas na lalabasan para magsinungling tungkol sa nararamdaman ko.

Ngumiti siya at mabilis na naglapat ang aming labi, marahan iyon at marubdob.
He pulled me closer to deepen the kiss, then suddenly I found myself clinging on him.

Maayos at maingat niya akong ibinaba sa kama, mabilis ang pangyayari in just one snap... we were both naked.

He tried to tear the condom pack pero mukhang nahihirapan ito kaya inihagis na lamang niya ito sa kung saan saka na ako sinunggaban.
And that night, we made love.

---

Umaga na't nakahiga parin kami, tracing those tattoos on his chest, kanina pa ako gising at hindi ako makagalaw dahil nakadagan ang napakabigat niyang binti sa akin.
Ilang sandali lamang ay dumilat na siya at namataan niya akong nakatitig sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at hinapit ako sa bewang, nakakaramdam parin ako ng hiya sa kabila ng mga nangyari sa amin.

"Good morning." Bati niya at sumiksik pa sa aking leeg.
Damang dama ko tuloy ang hininga niya na dumadaan sa aking balat.

Bahagya ko siyang itinulak nang lumapat ang palad niya sa aking tiyan.

"Easy, hindi ko sasalubungin ang araw na mainit. I'm just wondering if may chance ba na magkalaman 'to." Nakangiti niyang saad.

Kaya naman mabilis ko siyang sinagot.
"H-hindi pwede." Sabay iling.

"For now, siguro hindi pa dahil magtatapos ka pa. Hay nako, huwag na nga muna nating pag-usapan 'yun, gusto kitang makitang ngumiti." Sabi nito the he cupped my face.

"Ngiti na, please?"

That is why I gave him the sweetest smile. After that, he gave me a peck of kiss.

"Bihis na tayo? Baka hinihintay ka na ni Lotlot." Sabi niya at inalalayan pa ako sa pagbangon.

Nauna na akong naligo at nagbihis, kahit papapaano pala e kasyang kasya sa akin ang shorts at t-shirt ni Mr. Garcia.

"Nagkamali ata ako ng bigay na damit? Parang mukha kang maskulado kesa sa akin?" Natatawang saad ni Mr. Garcia.

Haplos haplos pa niya ang kaniyang baba.

"Grabe ka naman sa akin, may choice pa ba ako?" Nakanguso kong saad.

"Tara na, ibibili pa natin ng pasalubong si Lotlot." Sabi niya't hinawakan ang aking kamay.

Paglabas namin sa condo, mabilis kong binawi ang aking kamay nang tumambad sa aming harapan si Ma'am Mia.

"Ma'am M-mia..."

"Malandi ka."
Iyon kaagad ang lumabas sa kaniyang bibig.

"What are you doing here?" Tanong naman ni Mr. Garcia sa kaniya.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa babaeng 'yan kung anong ginagawa niya rito?" Halata sa kaniyang boses ang galit.

"Hindi talaga ako nagkamali ng akala sa babaeng 'to e, napakalandi. Akala mo kung sinong anghel at santa 'yun pala ahas naman!"

"Tumigil ka na, Mia...--"

"Anong tumigil, Jay? Pinaghintay mo ako magdamag, hindi ka sumipot sa lakad natin, I stayed at the restaurant hanggang sa magsara 'yon! Now tell me, bakit ako titigil?"

Sabi ko na nga ba, sabi ko na nga ba't mas malaking gulo ang kakaharapin namin nang dahil sa pagiging ignorante ko sa banta sa akin ni Ma'am Mia.

"Mukhang nalimutan mo ang usapan natin, babae?"

Naalarma ako nang banggitin niya iyon.

"M-ma'am, huwag niyo na pong idamay si Mr. Garcia, ako na lamang po." Sabi ko at lumuhod pa sa kaniyang harapan.

"Do not beg, Christine! My goodness, stop it! Walang magagawa 'yan, dahil gagawin ko ang gusto kong gawin." Sabi nito sa akin.

"Ano bang nangyayari? I don't understand, anong usapan iyan?" Mr. Garcia asked while holding my arms.
Pinipilit niya akong tumayo.

"Good luck."

Iyon ang huli kong narinig mula sa kaniya.
Naramdaman ko ang panlalambot ng aking tuhod kaya naman nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig.

"Tin..." si Mr. Garcia na maagap akong itinayo.

Muli kaming pumasok sa kaniyang condo unit, pinainom niya ako ng tubig at marahan na hinahagod ang aking likod.

"May problema tayo, nasa panganib ka." Panimula ko.

"What do you mean?"

Ilang segundo akong nakatitig sa kaniya bago tumugon.
"May video at iilang litrato si Ma'am Mia, tayo ang laman ng mga 'yun. Binantaan niya ako na kapag hindi kita linayuan, ikakalat niya iyon at hindi lang ako ang mapapahamak, kundi maging ikaw."

Wala siyang reaksyon sa aking sinabi, para bang hindi siya nababahala.

"Halika na, ihahatid na kita sa inyo."

Pe-pero pa sana ako ngunit nauna na siyang lumabas sa condo.
Hindi iyon basta bastang isyu, paano niya nagagawang.... hays!

Sa kotse at hanggang sa harapan mismo ng aking bahay, tahimik lang kaming.

"Salamat sa paghatid sa akin, mag ingat ka."

Handa na akong buksan ang pintuan nang kotse nang mabilis niyang hinawakan ang aking braso.
"Sandali."

Nakaharap parin ako sa pinto at hinihintay kung ano ang sasabihin niya.

"Huwag kang mag alala, ako ang bahala kay Mia."

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at muling umayos ng upo.

"Huwag mo sana akong tatalikuran ulit, pagsubok lang naman 'to at sigurado akong malalampasan natin 'to. Please, stay by my side, magiging malakas ako kapag alam kong hindi mo na ako muling tatakbuhan palayo."

Sino ba naman ako para humindi? At isa pa, mahal na mahal ko siya.
Siguro panahon na para ipaglaban ko 'tong nararamdaman ko para sa kaniya.

The more I ignore my feelings, the more our situation become tough.

I answered him with a nod.
"Ipangako mo sa akin na ipagtatanggol mo ako."

"Yes! Of course! I will and I promise." Sabi nito at hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako.

Ramdam ko ang pagngiti niya while he's claiming my mouth.
Naghiwalay lamang ang aming labi nang may kumatok sa bintana.
Laking gulat ko nang makita ko ang imahe ni Charlotte.

A room for improvementWhere stories live. Discover now