Kabanata 29

1.1K 25 0
                                    

Tulad po sa Alipin with benefits, maguupdate po ako ng dalawnag chapter dito. Pambawi lang hehee

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Nakakapit parin ako sa kaniya, mataman akong nakatitig sa tubig na dumadampi sa aming balat.

"P-pwede bang bumalik na tayo doon sa gilid? Hindi kasi ako komportable rito." Sabi ko habang nakatungo.

"Ayoko nga."

Napa angat ako ng tingin kaya naman nagtama ang aming mga mata.
Sobrang lapit ng aming mukha at hindi ko naiwasang kagatin ang aking ibabang labi.

Ramdam ko ang paglapit ng kaniyang mukha kaya bago pa lumapat ang labi niya sa aking labi, bahagya kong utinulak ang kaniyang dibdib upang lumayo ito.

"N-nandito ho si Charlotte. Baka mamaya, magsumbong iyon kay kuya at magalit ito sa atin lalo na sa akin." Sabi ko.

"I'm sorry, I just can't help it. You know what I mean."

Bumibilis ang tibok ng puso ko, kaya mas pinili kong umiwas ng tingin sa kaniya.
Feeling ko nga e dinig na niya ang malakas na kabog ng aking dibdib.

Without knowing it, nasa may malapit na pala ako ng hagdan ng pool kung nasaan si Charlotte. Kaagad akong bumitaw kay Mr. Garcia. Kailangan kong lumayo sa kaniya dahil sa bawat dikit ng kaniyang balat againts mine, nakukuryente ako.

"Tara na Charlotte, baka lamigin ka." Aya ko sa aking kapatid at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Lotlot, bihis ka na ha? Kakain tayo." Sabi ni Mr. Garcia bago kami umahon sa tubig.
"Magbihis ka na rin, Tin." Nakangiti niyang saad.

Tumango na lamang ako saka na tuluyang naglakad palayo sa pool.

Sa gitna ng aming paglalakad patungo sa villa kasama si Charlotte, ikinagulat ko ang sinabi nito.
"Ate, gusto ka ba ni kuya?"

Nahinto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.
"S-sinong kuya?" Tanong ko.

"Si kuya, 'yun oh. 'yung kasama natin nagswimming, ano nga pangalan nun?"

Napaiwas ako ng tingin.
"Hay nako, Charlotte kung ano-ano pumapasok diyan sa isip mo ha. Halika na nga." Iwas ko saka na binilisan ang paglalakad.

Pagdating namin sa villa, hinubaran ko na siya at maagap kong pinunasan ng tuyong tuwalya ang kaniyang likuran at buhok. Pagkatapos ko ring magpalit ng tuyong damit, saka na kami bumalik kung nasaan siya dahil kakain nga daw kami.

Hindi ako makakain ng maayos dahil iniisip ko parin si kuya na baka bigla siyang umuwi.
Itinuon ko nalamang ang aking pansin sa pagpapakain kay Charlotte.

Akmang susubuan ko na ulit si Charlotte ng pagkain nang pigilan ako ni Mr. Garcia.

"Ako na magpapakain kay Lotlot." Prisinta nito saka niya inagaw ang plato kung nasaan ang pagkain ng aking kapatid.

"Ako na, sir. Kumakain pa ho kayo." Sabi ko at umakmang kukunin ko pabalik ang plato nang tinapunan niya ako ng in famous glare niya.

"Tapos na ako, kaya Lotlot lipat ka rito sa tabi ko. Para makakain din si ate."

A sigh of defeat, minsan hindi ko alam kung mabubwisit ba ako o mafaflatter sa lalakeng ito.
May pagka bossy at kung ano ang gusto niya iyon ang masusunod.

Kahit na wala akong ganang kumain, pinilit ko nalang ang sarili ko.
Hindi kasi mawala sa isipan ko ang nga maaaring mangyari habang wala kami ni Charlotte sa bahay.

Maging sa pagtulog ko, hindi ako pinapatahimik ng nakakagagong pangalan na Christian.
Bumangon ako sa higaan and my fingers run unto my hair.
Lumabas ako ng villa upang makalanghap ng sariwang hangin.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon