Kabanata 12

1.6K 37 40
                                    

Natapos ang first day of school na hindi nakikita maski anino ni Mr. Garcia, nagresign ba siya?

"Haay."

"Lalim naman niyan."

Agad akong napalingon nang may pumuna ng pagbuntong hininga ko.

"Sir, kayo po pala." Sabi ko.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong nito sa akin.

"Ah, uuwi na po." Sagot ko.

"Hmm." Saka pa siya napatango tango.
"Saan ka? Gusto mong sumabay sa akin?" Naka ngiti niyang aya.

Nagsabay naman kaming maglakad hanggang sa labas ng school.
Napaka gaan naman niyang kausap, laging naka ngiti.

"Nako, huwag na po sir. Malapit lang naman po ako dito. Doon malapit sa simbahan." Naka ngiti ko ding sabi.

"Ahh, sabay na tayo. Doon din daan ko e." Sabi niya at huminto sa gilid ng kotse niya

"Hala, nakakahiya naman po." Tanggi ko.

"Ha? Anong nakakahiya dun? E sasabay lang naman akong maglakad." Sabi ni Sir saka nilagpasan 'yung kotse.

Humabol naman ako sa kaniya sa paglalakad.
"Akala ko, sa'yo po 'yung sasakyan." Natatawa kong sabi.

Medyo nahiya ako dun ah. Hahahaha pashnea!

"Hindi, lapit lang naman ng bahay ko. Bakit pa ako magdadala ng masasakyan?" Naka ngiti nitong sabi.

"Ah, hehe oo nga naman." Napakamot pa ako ng ulo.

Ilang sandali lamang ay tanaw ko na ang bahay namin.
"Malapit na ako, sir. Ingat ka po sa pag-uwi." Sabi ko at tumakbo na papasok sa bahay.

"Ate!" Salubong sa akin ni Charlotte.

Napakunot naman ako ng kilay nang makita kong kumakain nanaman ito ng ice cream.

"Bakit kumakain ka nanaman niyan? Nako ha, sinasabi ko sa'yo kapag ikaw inubo." Sabi ko at inilapag na ang mga gamit ko.

"Last na lang po ito ate. Promise!" Nakangiti niyang sabi saka pa itinaas ang kanang kamay.

Pagkatapos ng aming hapunan, pinili kong mahiga nang biglang tumunog ang aking cell phone.

Napabalikwas ako ng upo nang makita ko kung sinong tumatawag.

"Ehem, ehem... hello?"

"Naistorbo ba kita?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Hindi naman po, Mr. Garcia. Bakit po?"

Panay pa ang kagat ko sa aking kuko habang kausap siya.

"Wala lang, gusto lang kitang kumustahin tungkol sa first day mo."

"Ok naman po ako." Medyo panipis ng panipis ang boses ko. Napansin ko lang.

"Mabuti naman, tuwing gabi na kasi ako nagtuturo diyan. Nga pala, ifollow up mo 'yung grades mo. Medyo nagkaroon lang ng problema." Sabi niya at binabaan na ako.

Napatingin naman ako sa cell phone ko.
"Ano nanamamg problema ang pinagsasabi nun? Eh nakapag enroll naman na ako." Sabi ko sa sarili ko.

-- -- -- --

Kinabukasan, maaga akong pumasok at dumeretso sa admin para ifollow up 'yung grades ko.

"Wala namang problema sa grades mo, napaka taas naman ah?" Sabi nito habang iniscroll pababa ang screen kung nasaan ang record ko.

Ano kayang sinasabi nun? Hindi kaya nagkamali siya ng tinawagan? Hindi kaya... may estudyante nanaman siyang humingi ng pabor at...

"Ano bang iniisip mo." Sabi ko at pinilig ang ulo ko.

"Uy friend, baka naman mamatay mga brain cells mo kakapilig mo ng ulo."

"Uy Jenny ikaw pala. May iniisip lang ako." Sabi ko.

"Ano nanaman? Ikaw ha, kalandian nanaman 'yan." Sabi pa nito saka ako hinampas sa braso.

"Ano ba, hindi mo naman ako katulad 'no. Maharot" Sabi ko at nilagpasan na siya.

"Hoy, anong sabi mo?!" Singhal niya sa akin saka pa ako hinabol kaya naman tumakbo ako.

"Halika rito Christine!!!!"

"Heh! Tumigil ka nga, para kang bata --aww!"
Daing ko dahil tumama ako sa likuran ng tao at napaupo.
Double kill ako ah, ang sakit na ng noo ko pati pa pwet ko. >___<

"Aren't you looking where..-- Christine?"

Inangat ko namang ang tingin ko at nagtama ang aming mga mata.

"Mr. Garcia, akala ko po ba pang gabi kayo?" Tanong ko saka ba tumayo.

"Uy friend, una na ako ha." Paalam ni Jenny saka pa kumaway kay Mr. Garcia.

"Oo, napadaan lang ako dito." Malamig niyang saad.

Napasilip naman ako sa kasama niya.
Ngumiti ako at kinawayan ito.
"Hi, Sir Val!"

"Oh, hello. Estudyante ko 'yan pre." Sabi nito kay Mr. Garcia.

Tumango naman ito at binaling na ang tingin kay Sir Val.
"Huwag mo siyang ibabagsak ah? Magaling na bata 'yan. Paano, mauna na ako."

Nagkamayan naman sila bago umalis si Mr. Garcia.
Tinatanaw ko ang likod nito habang naglalakad palayo.

"Pumasok ka na sa klase mo." As usual, naka ngiti ito.

"Sige, sir. Una na ako." Paalam ko saka na siya nilagpasan.

Tulad ng karaniwang araw, salita doon salita dito, discuss doon discuss dito ang karaniwan ding ginagawa ng mga propesor namin.

"Ang bilis ng oras. Last subject na kaagad." Sabi ng mga kaklase ko saka pa nag unat unat.

"Ok class, pinapauna ko na sa inyo, create 6 groups para sa thesis ninyo."

Lahat ay nagulat maski ako.
"Excuse me lang ma'am, pangalawang araw pa lang po ng klase ngayon." Sabi ng isa sa mga kaklase ko.

"Alam ko, may problema ba doon?" Taas kilay namang sagot ng aming guro.

"Wala naman ma'am, but what we are pointing is masyado naman pong maaga para sa thesis na iyan."

Nagsagutan naman ang kaklase at guro ko tungkol sa thesis na 'yan. Haaay, peste.

"You only have three months inside this school, children. Tatlong buwan nalang mag aastang guro na kayo sa ibang eskwelahan. Mabilis ang panahon, kaya habang maaga pa planuhin niyo na 'yang thesis niyo. Pasalamat kayo at hahayaan ko kayong pumili ng mga kagrupo niyo." Mataray nitong sambit.

"At tandaan ninyo, last year niyo na 'to. Magsipag kayo kung gusto niyong makahawak ng diploma!"

"Pero ma'am..--"

"That's all for today, GOOD day class." At talaga namang napaka emphasize ng 'good'

Paglabas ni Ms. Dayao sa classroom namin, doon na nagsimulang mag-inaso ang mga kaklase ko.
Ayoko namang makisali sa mga sinasabi nila dahil wala namang problema sa akin kung maaga naming umpisahan ang thesis na iyon.

A room for improvementWhere stories live. Discover now