Kabanata 35

1K 28 4
                                    

Say "HI" Christine! (Media)

---------------------------------

"Uy, ang aga mo yatang nakarating dito, Qen?" /ken/ tanong ni sir Val doon sa lalakeng bigla nalang umepal.

Lumingon naman ako upang makita kung sino 'yung Qen na iyon.

"Ikaw?" Gulat kong tanong.

"Hi." Nakangiti niyang bati.

Palipat lipat ako ng tingin ko, kay sir Val at kay Qen. Sobrang crowded na ba ng mundo para magkita kita kami sa iisang lugar?

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Sir Val.
Sorry pero hindi ko muna papansinin ang tanong mo, sir. Obvious naman kasi na magkakilala kami diba?

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Ako?" Sabay turo sa kaniyang sarili.
"Ako lang naman ang nag aya sa outing na 'to."

"Ha? Paano?" Takang taka kong tanong.

"Oh, anak. Hindi ko alam na mapapaaga ng dating." Mula sa aking likuran, narinig ko ang boses ni tita Jeng.

"Siya po ang anak niyo?" Tanong ko.

"Oo, ang pinaka gwapo kong anak." Sabi ni tita Jeng sabay lapit kay Qen.

"Pinaka gwapo? E siya lang naman ang nag-iisa niyong anak, tita." Natatawang sabat ni sir Val.

"Hindi ikaw ang anak ni tita Jeng, sir?" Tanong ko ulit.

"Nope. Barkada lang ako ni Qen at Jay." Sagot niya.

Hindi na ako nakasagot pa. Para akong naculture shock na ewan. Lol culture shock daw!

"Hindi ko na kayo kailangang ipakilala sa isa't isa because last time I check ang sabi mo sa akin ay kilala mo na si Christine." Sabi ni tita Jeng.

Kilala? Agad? Kamakailan pa lamang kami nagkausap at hindi man lang kami nakapag pakilala sa isa't isa noong bumaba ako sa jeep. Hindi kaya stalker ko siya? Chena hahahaha! Harot.

"Tara na, sinasayang niyo ang oras. Kayong dalawa, bitbitin niyo na ang mga gamit. Halika na, Tin." Si tita Jeng na hinatak pa ang aking kamay.

"Pagdating natin sa villa, pakitawag na lang si Jason, ha?" Utos ni tita Jeng.

Labag man sa loob ko e tumango na lamang ako.
Sa lahat ng pwede kong tawagan kasi bakit siya pa? Kaya nang pagdating namin sa villa e kaagad akong pumasok upang tawagin na si Mr. Garcia.

Napasukan ko na ang tatlong kwarto at wala doon si sir Jason. Isang kwarto nalang, kapag wala siya dito ibig sabihin nasa labas 'yun.
Narinig ko ang pagsara ng pinto sa kwartong hindi ko pa nabubuksan. Nandito siguro siya.

Pagbukas ko ng pinto, ikinagulat ko ang aking nakita.
Hindi nudes ok? Sobrang gulat ko e kaagad kong naisara ang pintuan at lumabas ng villa.
Naninikip ang dibdib ko.

"Bakit nandito siya?" Tanong ko sa aking sarili.

Si Mr. Garcia kasi, may kasama. Naghahalikan sila doon at hindi ako makapaniwala na kaibigan ko pa. Oo, si Jenny lang naman ang kasama niya doon.
Bakit ba ang hilig niya pumatol sa mga estudyante? Ano bang akala niya sa amin? Laruan?

"Christine." Nagulat ako nang tawagin niya ako.

"P-pinapatawag ka ni tita Jeng." Sabi ko na nakatalikod parin sa kaniya.

Mga tatlong segundo nasa harapan ko na siya.
Naninigas ako sa kinatatayuan ko, panay ang pagtikhim ko. Gustong gusto ko siyang sampalin ngayon, pero naalala ko na wala nga pala akong karapatang magselos.

A room for improvementWhere stories live. Discover now