Kabanata 13

1.5K 31 57
                                    

"Uy, Kinoan! Bukas ah, pag-usapan na natin 'yang thesis natin." Habol ng kagroup ko bago pa ako makalabas ng school.

"Sige."

Naglalakad ako pauwi nang bahay nang may humila sa bag ko na ikinagulat ko.

"Aaahh!" Sigaw ko.

"Sssh, sssh. Ako lang 'to." Sabi ni sir Val at pinakalma ako.

"Sir naman e. Bakit ka kasi nanggugulat?" Asar na tanong ko sa kaniya.

"Sorry na." Natatawa niyang paumanhin saka pa nagkakamot ng ulo.
"Hindi ko naman alam na magugulatin ka pala." Sabi niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Close ba kayo ni Sir Jason?" Tanong nito bigla.

"Uh, hindi naman masyado?" Nag-aalangang sagot ko.

Hindi naman na siya sumagot hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay.
Papasok na sana ako nang tawagin niya akong muli.

"Uy, christine."

Liningon ko naman siya.
"Po, sir?" Tanong ko.

"Ah, wala. Just wanna say bye." Nakangiti nitong saad.

"Ah... hehehe bye sir." I awkwardly smile.

"Nga pala..--"

"Ateee, nandito ka na." Hindi naituloy ni sir Val ang sasabihin niya nang tawagin ako ni Charlotte.

Mukhang nakipag laro nanaman ito dito sa labas.
"Hello po kuya ice cream!" Masiglang bati ni Charlotte kay sir Val.

"Kuya ice cream?"

Napakamot naman ng ulo for the second time si Val.
"Ah, oo. Everytime kasi na bibili ako ng personal stuffs ko sa tindahan malapit sa inyo e nakikita ko silang naglalaro at madalas nila akong batiin. At dahil nakukyutan ako sa kanila ng mga kaibigan niya, nililibre ko sila ng ice cream." Naka ngiti nitong saad.

"Haaaay, ikaw pala ha. Sa susunod tinapay nalang ang ibili mo sa kanila, ayokong magka sipon okaya nama'y magka ubo itong bunso namin." Sabi ko at ginulo ang buhok ni Charlotte.

"Narinig mo 'yun bulinggit? Tinapay na lang ang pwede kong ibili sa'yo." This time si Sir Val naman ang gumulo sa buhok ni Charlotte.

Lumapit naman si Charlotte sa kaniya kaya yumuko si sir upang makalebel nito.
"Kuya ice cream, secret lang natin kay ate kapag bibili mo po kami ng ice cream." Bulong ni Charlotte saka pa humagikgik.

"Bumulong ka pa diyan, narinig ko naman. Halika na nga, amoy araw ka na." Sabi ko.

"Pasaway pala itong kapatid mo. Sige na, mauna na ako. Bye bye bulinggit."

Pumasok na kami sa bahay at saka pinaliguan si Charlotte.
Nagluluto ako ng para sa hapunan namin nang may tumawag sa akin. Madali ko itong sinagot nang makita ko kung sino ang tumatawag.

Si Mr. Garcia.

"Hello po, sir?"

"Hi, Christine. Let's meet tomorrow after your class? Kung pwede?" Sabi niya mula sa kabilang linya.

"Yes, sure po sir." Kaagad kong sagot.

"Okay, I'll wait for you outside the school."

Pagkatapos naming mag-usap, napaisip ako kung bakit ba ako pumayag kaagad without knowing what is the purpose.

Ang tanga...

"Ate, kulay black na 'yung corn beef." Si Charlotte na nakatungtong sa upuan at tinitingnan ang niluluto ko.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon