Kabanata 39

1K 21 14
                                    

I dedicate this chapter to @RizzaMaySantiago as what I've promised heto na po ang early update! Enjooooooy!
~

Christine's POV

Mabilis kong binawi ang aking kamay dahilan upang magising siya.

"Ang KJ naman ate Christine!" Singhal sa akin ni Jessica.

"Si Charlotte?" Tanong ko kaagad at saka na tumayo mula sa sofa.

"Nasa labas kasama ni Qen, naglalaro." Sabi ni Jessica habang nakatingin sa kaniyang cell phone.
"Ihh, blurrd naman 'to! Sayang, ang galaw kasi ni mama Jeng!" Reklamo ni Jessica.

Hindi ko na pinansin ang sinabi nito at kaagad na lumabas upang hanapin ang kapatid ko.

"Uy, friend!" Narinig ko ang boses ni Jenny kaya madali akong nalingon.
Kasama rin niya si Qen at Charlotte.

Lumapit ako sa kanila, samantalang si Qen ay abala sa ginagawa niya.

"Ate o! Ang galing ni kuya Qen, gumawa siya ng bahay." Tuwang tuwa pa itong bumalik sa kinalalagyan nila Qen at Jenny.

"Tadah, tapos na. Behold, our castle!" Si Qen na iminuwestra pa ang kaniyang gawa.

"Ikaw friendship ha, bakit mo hinolding hands ang bebe loves ko?" Si Jenny na naka nguso pa.

"It's just a holding hands, nothing's wrong 'bout that. At saka, they're sleeping hindi nila alam 'yun." Sabi ni Qen at pinagpagan na ang kaniyang kamay sabay tayo.

"Bawasan mo ang pagiging pabebe, hindi gusto ni Jay 'yan." Dagdag pa nito.

"Hmp, osiya siya Padilla be right back. Gising na rin si Jason ko." Sabi ni Jenny bago lumisan sa paningin namin.

"Ikaw ha, wala pa nga you're already cheating on me." Sabi nito at linapitan pa ako.

"H-ha?" Lamang ang tangi kong naisagot.

"Wala, biro lang." Nakangiti nitong sabi.
"I bet hindi ka pa nagalmusal? Tara doon tayo sa kubo. I save some food for you." Hindi pa ako naka-oo e hinatak na niya ang kamay ko.

"Balot! Sunod ka sa amin!"

Natawa naman ako sa tawag niya kay Charlotte.

"I don't know why are you laughing, pero I love seeing you happy with me." Sabi nito at pinisil pa ang aking pisngi.

"Bakit kasi balot? Ang sagwa pakinggan, kagandang bata ng kapatid ko." Sabi ko at ginulo ang buhok ni Charlotte.

"Oo nga po kuya Qen! Hindi naman ako sisiw. Si kuya Jay nga Lotlot tawag sa akin e." Sabat ng kapatid ko.

"Osige na, Lotlot na lang din ang itatawag ko sa'yo." Sabi niya.

Pagdating sa kubo, e may nakahanda nga na pagkain doon na pang isahang tao.
Hindi ko tuloy alam kung bakit gumagaan ang loob ko sa kaniya. Naalala ko tuloy si kuya Christian sa tuwing ipagse-serve niya ako ng pagkain noon. Haaay!

"Kumain ka na."

Nagumpisa na akong kumain, naka ilang subo na rin ako nang biglang tumabi sa akin si Charlotte.

"Ate, gusto ko po niyan." Sabi nito sabay turo sa pagkain na nasa harapan ko.

"Sige sige, susubuan ka ni ate." Sabi ko at kaagad na itinutok ang kutsara na may pagkain sa kaniyang bibig.

Ang ending, naka limang subo lamang yata ako at siya na itong umubos. Ganun talaga, kapag mahal mo at mahalaga ang isang tao sa'yo magsa-sacrifice ka nalang bigla.

Nang matapos ko ng pakainin si Charlotte, bumalik na kami sa villa. Mamayang hapon daw kasi e uuwi na kami.

Habang hinuhugasan ko ang mga plato, unexpected na braso ang sumagi sa braso ko.
Braso ng sir Jason niyo.

A room for improvementWhere stories live. Discover now