Kabanata 34

1K 25 0
                                    

Mr. Garcia is slayin' (media) enjooooooy!!!!
-----------------------------------------

Biyernes ngayon at pumayag si kuya sa pag-alis namin bukas.
Ginamit ko pa nga si Jenny para lang mag paalam kay kuya. Ang sabi ko sa kaniya kasama ko ito sa outing. Kaagad naman naming napa-oo ang kuya.

At saka, napag-isip isip daw din ni kuya na huwag akong masyadong paghigpitan dahil lalo lamang akong kumakawala sa kaniya.
Kahit na anong gawin niya, aalis ako sa puder niya.

"Ate, saan tayo pupunta bukas?" Tanong ni Charlotte sa akin pag-uwi ko sa bahay.

"Magbi-beach tayo." Sagot ko at dumeretso sa aming kwarto.
Aayusin ko na ang dapat ayusin para hindi na ako kailangang magrush pa bukas.

"Kasama natin si kuya?" Tanong niyang muli.

"Hindi, diba may trabaho siya at umalis na si kuya." Sagot ko at inumpisahan ko ng piliin ang mga damit na dadalhin.

"Hindi si kuya Christian. Si kuya, 'yung kasama natin nung nagswimming tayo."

Natigilan ako dahil medyo masakit ang loob ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong mukhang maihaharap ko sa kaniya dahil panigurado kasama namin siya bukas.
Kung hindi lang talaga dahil kay Jessica at tita Jeng, hindi ako sasama. Mapilit kasi ang mga ito.

"Ah, oo yata. Hindi ko alam." Sagot ko sa tanong ni Charlotte.

Nakakahiya kasi ang ginawa ko noong isang araw. Sa totoo lang, hindi kami gaanong nag-uusap ni Mr. Garcia dahil sa nangyari. Mali, hindi talaga kami nag-uusap nitong nagdaang mga araw.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko ulit ang pangyayaring iyon

/flashback/

Dalawang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Mr. Garcia, mula noong first day ng zonal meet. Parati ring nakabuntot sa kaniya si Jenny at hindi ko alam kung bakit.
Gusto ko mang tanungin si Jenny pero hindi ako nakakakuha ng pagkakataon dahil lagi ko ring kasama si ma'am Mia.

"Christine, ikaw muna ang maiwan dito ha?" Sabi ni ma'am Mia at tumayo.

Tutok na tutok ako sa mga manlalaro na nagpapalitan ng tira.
Nawala ang pokus ko noong mahagilap ng mga mata ko ang aking kaibigan na si Jenny kasama si Mr. Garcia. Tuwang tuwa ang dalawa at mukhang nag eenjoy sila sa pinag-uusapan nila.

Napayuko tuloy ako at pinili na lamang na umiwas ng tingin sa kanila.
Hindi ko mapigilan ang maging malungkot. Ano bang nagawa ko at parang wala ng pakealam sa akin si Mr. Garcia? Ni hindi man lang niya ako tinatanong tungkol sa plano.

"Excuse me, nakatatlong points na ako hindi mo man lang inererecord." Sabi nung player ng badminton.

Nabalisa tuloy ako at maagap na pinalitan ang kaniyang score.

"Gutom ka ba? Sige na, magmiryenda ka muna. Ako na ang bahala dito." Presinta ng isa sa mga guro na kasamahan ni ma'am Mia.

Tumango na lamang ako at nilisan ang lugar na iyon.
Hindi naman talaga ako gutom, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng matinding lungkot. Epekto yata ito ni Mr. Garcia, mali talaga na masyado akong napalapit sa kaniya.

Mabuti na lang at hindi ako ganoon naging open sa kaniya tungkol sa buhay ko. Sa totoo lang, napakagulo niya. Wala man lang pasabi, bigla na lang siyang hindi namamansin.

Sa aking paglalakad lakad, nakasalubong ko si Jenny na mukhang bad trip. Hindi man lang niya ako napansin. Akmang tatawagin ko ito nang may humawak sa aking balikat.

Pagkaharap ko'y si Mr. Garcia pala.
"Sir." Mahina kong sabi.

"Bakit kailangan mong sabihin kay Jenny na kasama ka namin sa outing?" Tanong nito.

Napakunot tuloy ang aking kilay.
"Hindi ako papayagan ng kuya kapag hindi ko hiningi ang tulong ni Jenny na ipagpaalam ako." sagot ko.

"Edi huwag kang sumama kung hindi ka pala papayagan."
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso, bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Alam mo, hindi kita maintindihan." Pinipigilan kong tumulo ang aking luha. Ayokong umiyak sa harapan niya, baka mamaya akalain niya sobrang lakas ng impact niya sa buhay ko.

Hindi siya sumagot kaya naman nagsalita akong muli.
"Ang gulo gulo mo. Alam mo ba 'yun? Minsan pinaparamdam mo sa akin na napakahalaga ko sa'yo, pero ngayon pinaparamdam mo sa akin na... na w-wala ka ng pake sa akin." Mautal-utal kong sabi.

Umiwas ako ng tingin.
"Mali, in the first place wala ka naman pala talagang pakealam sa akin diba? Masyado ka lang nagpadalos dalos." Sabi ko at tinalikuran na siya.

Napapikit ako ng mariin, ano bang pinagsasabi ko? I sound very obsessed. >__<

/end of flashback/

Kinabukasan, ready na kami ni Charlotte para sa pag-alis. Alas sinco pa lang nasa kanto na kami, napag usapan kasi na dadaanan na lamang nila kami rito.

"Ate, matagal pa ba?" Tanong ni Charlotte at humikab ito ng pagkahaba haba.

"Malapit na siguro sila, inaantok ka?" Tanong ko at sinagot naman niya ako ng isang tango.

Binitawan ko ang mga gamit na hawak ko at kinaraga ko si Charlotte.
Antok na antok pa nga ito dahil ilang minuto ko palang siyang karga karga e knock out na ito kaagad.

Ilang sandali lamang ay may huminto ng puting van sa aming harapan.
Hindi ko inaasahan kung sino ang bumaba mula doon.

"Sir Val?"

Nginitian lamang niya ako at siya na itong nagsakay ng mga gamit namin ng kapatid ko, pagkatapos nun ay kinuha niya si Charlotte sa pag kakakarga sa akin.
Medyo nashock ako kaya hindi ako kaagad nakasunod kay sir Val papasok ng van.

"Ate Tin, halika na." Si Jessica na nasa loob ng van.

Sa loob nito, hindi parin ako naimik. Si sir Val ang anak ni tita Jeng?
Paniguradong siya dahil noong araw na galing ako sa bahay nina Jessica e doon ko rin nakita si sir Val na pauwi sa kanila.
At nabanggit ni tita Jeng na darating ang anak niya.

"Nakapag almusal ka na ba?" Tanong ni tita Jeng na nasa harapan. Siya kasi ang nagda-drive ng van.

"Kape lang po, tita." Sagot ko.

"May tinapay dito, gusto mo ikuha kita?" Tanong ni sir Val na kalong kalong ang aking kapatid.

"Ok lang, hindi naman po ako gutom." Tanggi ko.
Tinanguan na lamang ako ni sir Val. Tatanungin ko sana ito ang kaso, nakapikit na siya at mukhang iidlip ito.

Pagdating namin sa resort, iyon din ang pag gising ni Charlotte. Tuwang tuwa ito sa tanawing nakikita niya kahit na medyo malayo pa kami sa mismong beach.

"I'll settle the billings and everything. Mauna na kayo sa villa." Sabi ni tita Jeng.

Nagtakbuhan naman sina Jessica at Charlotte papunta sa villa kaya naiwan kaming dalawa ni sir Val. And I guess, kami ang maghihirap magbaba ng mga gamit.

"Si Jessica talaga, ayaw lang tumulong." Sabi ni sir Val at binuksan na ang likurang bahagi ng van.

Nang maibaba na namin ang mga gamit, sinamantala ko ang pagkakataon upang magtanong ng mga bagay bagay kay sir Val.

"Uhm, sir. Anak po ba kayo ni..--"

"Hindi niyo man lang ako tinawagan para matulungan ko kayo diyan." Isang hindi pamilyar na boses ang sumingit.

"Uy, ang aga mo yatang nakarating dito, Qen?" /ken/ tanong ni sir Val doon sa lalakeng bigla nalang umepal.

Lumingon naman ako upang makita kung sino 'yung Qen na iyon.

A room for improvementWhere stories live. Discover now