Kabanata 16

1.3K 36 12
                                    

Pagkatapos naming maibigay 'yung memorandum of agreement ni Jenny sa school, pumunta na kami sa Southville High School para malaman na namin kung sino ang cooperating teacher na makakasama namin.

"Omg friend, excited na ako!!" Tuwang-tuwang saad ni Jenny sa akin nang nasa tapat na kami ng gate ng school.

"Akala mo ba, ikaw lang? Ako rin kaya." Naka ngiti kong sambit saka pa nagtatalon habang magkahawak kami ng kamay.

"Tara na? Let's get ready to rumble na?"

Tumango ako at pumasok na sa gate.
Bumungad naman sa amin si Mr. Garcia, kausap ang guard.

Napatingin ito sa amin at tinapik na ang balikat ng guard na kausap niya. Lumapit ito sa amin.

"What took you so long?" Tanong niya.

"Nagpasa pa po kasi ako ng moa sa school. Nagpasama po ako kay Christine, tutal magsasabay naman po kaming pumunta rito." Sagot naman ni Jenny.

"Hindi ba dapat kahapon pa 'yan nasubmit?" Kunot noong sabi ni Mr. Garcia.

"Opo. Pasensya na po ha, sir." Hinging paumanhin ni Jenny.

Umirap naman ito.
"Come on, follow me."

Sumunod naman kami sa kaniya, pinakakilala lang niya kami sa magiging cooperating teacher naming dalawa. Nang masettled na, naghiwalay na kami ni Jenny.

"Handa ka na sa first day mo?" Tanong sa akin ni Ma'am Mia.

"Ah, yes po." Naka ngiting sagot ko naman sa kaniya.

"Ah Ms. Salonga, can I talk to Christine just for a while?" Seryosong sabi ni Mr. Garcia kay ma'am Mia.

Tumango naman ito bilang sagot.
"Malelate na kasi ako sa klase ko, kaya kung pwede sumunod ka nalang sa room 305."

"Ah sige po, ma'am." Pagkasabi ko nun ay kaagad na akong lumapit kay Mr. Garcia.
"Ano pong pag-uusapan natin, sir?" Tanong ko.

"As you can see, hindi ako ang cooperating teacher mo. Gusto ko man sanang ako nalang ang kaso, pinili ka niya e."

Napakamot naman ako ng ulo.
"Wala naman pong problema doon, mukhang mabait naman po si ma'am Mia."

Tumango naman siya.
"But if you want help, text mo ako." Sabi niya at inangat pa ang kaniyang cell phone.

"Ok po!" Saka pa ako nagsign na ok.

"Sige na, sunod ka kay Ms. Salonga." Sabi niya at pinat pa ang ulo ko.

Teka lang, ang lakas ng loob kong um-oo na itetext ko nalang sya kapag may kailangan ako e wala nga akong panload. Haaays!

Nang makarating ako sa third floor, nginig na nginig ang tuhod ko. Hindi ako sanay sa ganito kataas na building. Sa school kase 'yung class room namin e nasa first floor lang.

Nahihiya tuloy akong daanan 'yung mga nauunang classroom dahil 'yung room 305 e nasa dulo pa ng floor na 'to. Namaaaan ih!

Nagmadali ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang room 305. Pinihit ko na ang door knob ng pintuan at pumasok sa room.

Totoo nga ang sinabi ni Mr. Garcia, tahimik at mukhang matitino ang mga estudyante rito.

"Come here, Christine. I want you to meet my lovable students." Sabi ni ma'am Mia kaya lumapit ako sa kaniya.

Sa gitna nilang lahat. Feeling ko nililitis ako ni Ponsyo Pilato.
Isa-isa naman silang tumayo at nagpakilala.

"Introduce your self. It's time to shine, madam." Naka ngiting saad ni ma'am Mia.

"Hello, ako si ate Christine...--"

"You are supposed to introduce your self in english. We have an english only policy here during our english subject." Sabi nung isa sa mga estudyante.

Natameme ako sa sinabi niya. Nako, nako! Bakit kasi English Major pa ang kinuha mo Christine!
Pero, kaya ko 'to! English lang pala e.

"Hello, I am Christine Kinoan and I will be your student teacher for the whole 5 months." Naka ngiti kong saad sa kanila.

Hindi naman na sila kumibo pagkatapos kong magsalita.

"Oh, Christine you can sit over there. Observe me on how I teach and what are my teaching techniques." Sabi nito.

Sinunod ko naman ang sinabi niya, umupo ako doon at pinanood ko siya kung paano siya magdeliver ng words, ano ang facial expression niya, ano ang teaching techniques niya and so on.

Sa palagay ko naman ay kaya kong hawakan ang section na ito, kaya kong magturo tulad ng ginagawa ni ma'am Mia.

Sa kalagitnaan ng pagtuturo niya, ay may tumawag sa kaniyang cell phone.

"You may now copy the lectures, I'll just answer this call. I will be right back, be quiet ok?" Sabi ni ma'am Mia at lumabas na ng class room upang sagutin na ang tawag niya.

"Hoy, kevin umupo ka nga hindi ko makita 'yung nasa board!" Sigaw nung babae.

"Hoy too Sabrina, you speak in tagalog! You give me five pesos! Remember, english only policy?" Sabi naman nung Kevin.

Hindi ko alam kung babawalan ko ba sila o ano?
Ang tatapang kasi e.

"Make them shut." Sabi naman sa akin nung babae na malapit sa teacher's table.

Tumayo ako at babalakin ko sanang bawalan sila nang magsigawan na 'yung dalawa.

"You don't care what language I am going to use! I'm still you class president kaya wala kang pake! And your english sucks, Kevin!" Sabi nung Sabrina.

"Aba, you insulting my english! Poop!" Sigaw din nung Kevin saka pa nagsitawanan ang mga kaklase nila.

I'm torned between, 'babawalan ko sila kasi acting teacher nila ako dito' and 'nakakatakot silang bawalan ang babangis nila'

Hanggang sa pumasok si ma'am Mia e hindi ko sila nabawalan.

"10-A, what have I told you?! Sabrina, Kevin!" Ayan pati si ma'am Mia nag "raaawr" na.

"Eh kasi po si Sab, she's not following the rules. I told her to make bayad but she doesn't want to bayad 5 pesos." Sabi nung Kevin.

"Kevin, Sabrina, put 5 pesos each in the EOP Box." Utos ni ma'am Mia.

"What?! I'm not supposed to be giving up a 5 peso coin, I'm the class president." Ngawa pa nung Sabrina.

"Para limang piso lang, namumulubi ka na Sab?" Asar nung Kevin.

"Kevin, another 5." Maawtoridad na utos ni ma'am Mia.

Napakamot nalang sa ulo 'yung Kevin.
Haaay, paano ba maging teacher tulad ni ma'am Mia? Sa tingin ko, hindi ko mapapasunod ang mga batang ito na ako lang mag-isa.

"I told you to make them shut, but you didn't." Sabi nung babae.

"How can I make them shut if they are shouting over and over?" Bulong ko naman sa kaniya.

"Then, you have to shout too. Just what Ms. Salonga did." Inirapan pa niya ako.
"You know, if you do not know how to discipline us you will be an incompetent teacher." Dagdag pa niya.

Luh siya! Nag-uumpisa palang ako uy.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon