Kabanata 15

1.4K 32 2
                                    

Lumipas ang ilang buwan, tapos na ang aming thesis. Nakapag oral defense na rin kami.

Paminsan minsan ay lumalabas kami ni Mr. Garcia at pinag-uusapan ang tungkol sa acads ko, noong huli nga naming pagkikita e nagpatulong pa ako sa Chapter 4 ng thesis namin.

Samantalang si sir Val, ayun nagsasabay parin kaming umuuwi. Ewan ko lang kung binibilhan pa ng ice cream nun si Charlotte.

"Uy girl, sigurado ka ba na hindi ka sa school noong high school tayo mag e-ST?" (ST- Student Teacher) tanong ni Jenny sa akin.

"Sigurado na ako, gusto ko naman ng bagong surroundings, ng bagong athmosphere." Sabi ko.

"Tama ka nga naman, alam mo? Feeling ko gusto ko din sa ibang school e."

LIGHT BULB!

"Paano kung sumama ka nalang sa akin! Para may kasabay ako at kasama doon. Tutal English Major ako, Filipino ka naman." Suhestiyon ko.

"Ay pak, friend! Gusto ko 'yang naisip mo. Hindi talaga ako nagkamali ng binest friend e, matalino na dyosa pa. Ikaw na frieeend!" Saka pa niya ako niyakap-yakap.

"Tama na pambobola sa akin. Ako bahala sa'yo kung paano makalipat doon." Sabi ko at itinataas taas ko ang aking mga kilay.

Kinausap ko si Mr. Garcia tungkol sa pagsama sa akin ni Jenny.

"Pwede namang ikaw lang kasi may tutulong naman sa kaniya, ako. Pinangakuan ko siya na ako na ang bahala sa school na papasukan niya. Pero, hindi rito." Sabi ni Mr. Garcia sa akin sa kabilang linya.

"Sir sige na, para may kasama ako. Nagload pa ako para matawagan kita tapos 'di ka papayag?"

Kahit ba hindi niya kita e napapa-pout pout pa ako.

"Haaaay."

Mukhang alam ko na ito, napangiti na ako sa sagot niyang iyon dahil alam ko na ang isasagot niya.

"Sige na, sige na."

"Wiiiiiieh~ thank you sir ha! Thank youuuu!"

Naka ngiti kong binaba ang tawag at masayang sinabi kay Jenny sa kabilang linya na ok na ang lahat at magsasama kami sa iisang school.

Haaay, sana ganito nalang kadali lahat.
Tapos na ang klase at next week na kami aattend sa ibang school.

Himala at hindi ko nakasabay si sir Val ngayon. Naglakad na ako pauwi at naramdaman ko na parang may nakasunod sa akin.

Hinanda ko na ang sarili ko upang hindi ako mabigla kung sakali mang gulatin nanaman ako ni sir Val.

Naramdaman ko na papalapit siya sa akin kaya inunahan ko na ito.

"Heeeeeh, huli ka sir...---"

Napa awang ang bibig ko nang hindi pala si sir Val ang nasunod aa akin.
Inayos ko ang sarili ko.

"I-ikaw pala, kuya."

"Sinong sir?"

"Ah, 'yung teacher ko na nakakasabay umuwi. Taga dyan din kasi siya. Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka na pala." Sabi ko at binitbit 'yung dala niyang ibang gamit.

Minadali ko ang paglalakad pauwi ng bahay. Haaays, hindi ko nanaman magagawa ang gusto ko sa bahay dahil andyan na ang kuya.

Ipinasok ko na sa kwarto niya ang mga gamit na binitbit ko at akmang lalabas na sa kwarto nito nang siya naman ang pumasok.

"Balak sana kitang gulatin kanina kaso ako ang nagulat mo." Sabi ni kuya.

"Pasensya ka na, kuya. Hindi ko naman kasi alam na ikaw pala ang kasunod ko sa paglalakad."
Nalagpasan ko na siya nang higitin niya ang braso ko.

A room for improvementWhere stories live. Discover now