Kabanata 28

1.1K 26 3
                                    

"Ouch." Daing nito kaya naman maagap ko itong tiningnan.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Sorry talaga." Sabi ko habang hawak ko din ang aking noo. Ang sakit din kaya.

"Ok lang." Sabi niya saka na tuluyang bumaba ng jeep.
Hinihilot hilot ko ang aking noo nang makaupo na ako. Naalala ko pa na may kausap nga pala ako sa cell phone.

"Ay, hello po? Pasensya na talaga, pabalik na po ako."

"Bumaba ka. Doon sa kanto malapit sa bahay namin, doon mo ako hintayin." Sabi nito saka na pinatay ang tawag.

Nakakahiya man pero pumara kaagad ako at naglakad pabalik doon sa kanto.
Hindi na ako nagbayad 'no, wala namang isang kilometro ang inilayo ko.

Nilalaro laro ko 'yung bote ng mineral na nakakalat water sa paa ko habang hinihintay si Mr. Garcia.
Ilang sandali lamang, ay may sasakyan nang huminto sa aking tapat.
Lumabas siya doon at tiningnan ako na parang inuutusang sumakay ng kotse.

"S-sasakay na po ba ako?" Tanong ko.

Tumango siya kaya naman hinila ko na ang pintuan ng sasakyan at naalis 'yun. Charot haha sumakay na ako at ako na mismo ang nagseatbelt sa aking sarili. Mamaya siya pa itong maglagay at tsansingan niya ako. Joke!

"Uhm." Napatingin ako sa kaniya nang umusal siya ng ganoon.
"Kapag nasa school tayo, hindi muna ako magiging mabait sa'yo ha? Baka kasi biglang may sumulpot na chismis at masira ang pangalan mo."

Sus, pangalan ko? O pangalan niya? Psh, handa na sana akong mag open sa kaniya pero bigla kong naramdaman na mukhang wala namang patutunguhan ito. Bigla ko nanamang naramdaman itong feeling na hindi nalang muna ako magtitiwala sa kaniya. That "saka nalang" feeling.

Syempre wala naman akomg ibang choice kung hindi tumango diba?
Hays.

"Nagmamadali ka bang umuwi?" Tanong niya.

"Opo, wala kasing kasama sa bahay ang kapatid ko." Sagot ko.

"Eh ang kuya mo? Hindi ba siya umuuwi sa inyo?"

Nakaramdam ako ng inis. Sana nga e hindi na siya umuwi kailanman. Ayoko na siyang makita. Sana.

"Hindi ba siya nauwi?" Ulit nito.

"Ah, madalang lang. Once a week." Sagot ko.

Hindi na nun siya nagsalita hanggang sa kanto ng bahay namin. Pababa na ako nang pigilan niya ako.
"Sinong may sabing bababa ka?"

"Kapatid mo 'yun diba?" Habol niya at saka itinuro ang isa sa mga batang naglalaro.

"Lagot talaga si Charlotte sa akin. Sabing hanggang doon lang siya, napapadpad pala 'to dito sa kanto." Sabi ko at akmang lalabas ako sa kotse nang pigilan niya akong muli.

Siya itong lumabas at linapitan si Charlotte. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila dahil nasa loob nga ako ng sasakyan diba.

Maya-maya, humawak itong si Charlotte sa kamay ni Mr. Garcia at mabilis na nagtungo sa kotse.

"Ate! Ang galing mo kuya, namagic mo si ate dito?" Sabi ni Charlotte nang makasakay ito sa loob.

"Diba, ang galing ko?" Sabi ni Mr
Garcia at nag apiran pa ang dalawa.

"Ate sabi ni kuya kakain daw tayo sa masarap na masarap na masarap na kainan. Tapos, magsuswimming daw tayo kasi daw wala naman kayong pasok bukas." Masayang sabi ni Charlotte.

Napagawi ang aking tingin kay Mr. Garcia, nginitan lamang ako nito.
Kinakabahan ako na baka biglang umuwi si kuya at hindi kami abutan sa bahay.

"Magsuswimming? Wala ho kaming dalang damit." Paalala ko sakaniya.

"Problema ba 'yun? Eh naglipana na ang mga mall kung saan saan." Sabi nito at inumpusahan ng magdrive.

Pagdating namin sa isang resort, hindi parin mawala sa isip ko ang mga pangamba na baka hanapin kami ng kuya at malaman niya kung nasaan kami at kung sino ang kasama namin.

"May souvenire shop naman dito sa loob kaya dito nalang tayo bibili ng isusuot natin." Sabi niya at inaya ng lumabas ng kotse si Charlotte.

Sumunod na rin ako sa kanila hanggang sa ticketing upang maayos na ang tutuluyan namin. Hindi ako mapakali at panay ang lingon ko. Mamaya, may nakakakilala pala sa akin dito at magsumbong ito sa kuya.

"Mukhang balisa ka?" Tanong nito sa akin habang naglalakad patungo sa villa.

"To be honest, kinakabahan ako. Si k-kuya kasi, istrikto iyon at ayaw niya na lumalabas kami kasama ng iba. Lalo na't h-hindi ka niya kilala." Sabi ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Charlotte.

"Ateeee ~ gusto ko doon!" Sabi niya at itinuro 'yung swimming pool na may mataas na slide.

Ikinagulat ko ang paghawak ni Mr. Garcia sa aking kamay at marahan itong pinipisil. Tila ba pinapakalma ako nito.
Tiningnan ko siya at ang ngiti niya ang ikinalambot ng aking puso. Unti-unti kong nararamdaman na safe ako sa kaniya.

Pagdating namin sa villa, lumabas ito dahil siya na lamang daw ang bibili ng aming damit.

"Charlotte, sa susunod huwag kang sasama sa kung kani-kanino lang maliwanag? Kapag hindi mo kakilala huwag na huwag kang magtitiwala kaagad." Sabi ko rito.

Mahirap na baka sa iba e sumama din siya at may gawin silang masama sa kaniya.

"Sorry po ate. Kasi kilala ko naman po talaga si kuya e. Hindi po ba siya po 'yung pumunta noon sa bahay?"
Hindi ko pala alam, may matindi siyang memorya.

"Pero kahit na, kahit na kakilala mo pa o kahit na pamilyar siya sa'yo. Ang gusto ko, magpaalam ka muna kay ate ha?"

Tumango ito kaya naman niyakap ko siya.
"Ate gusto ko na pong magswimming." Sabi niya at saktong dating ni Mr. Garcia.

"Bumili na rin ako ng rash guard para kay Charlotte saka bikini na rin para sa'yo." Sabi nito at inilapag ang mga paperbag na dala niya.

"N-nako, hindi naman po ako marunong magswimming at isa pa t-shirt at shorts lang po ako." I said with an awkward smile.

"Oh, I'm sorry hindi ko alam na hindi ka pala nagbibikini. --uhm, magbibihis lang ako. Magbihis na rin kayo nang makapag swimming na tayo." Sabi niya saka na pumasok sa kabilang kwarto.

"Gusto mo pa bang magswimming, Charlotte? Maggagabi na baka lamigin ka." Sabi ko sa kaniya habang inaayos ang isusuot niya.

"Gusto ko pong magswimming ate. Ok lang kahit nigagabi na, para hindi nalang ako umitim." Sabi nito at inalis na ang kaniyang pang itaas.

Kaya naman kahit na maggagabi na e hinayaan ko ng magswimming itong makulit na batang ito.
Kasama niya sa pool si Mr. Garcia at nakikipaglaro naman ito sa kaniya, samantalang ako ay nasa hagdan lamang.

"Ate halika na!" Aya ni Charlotte habang nakasakay sa balikat ni Mr. Garcia.

"Kayo nalang, ok na ako dito." Sabi ko at iyon din ang paglapit nila sa akin.

"Nilalamig ka ba?" Tanong sa akin ni Mr. Garcia.

"Uh, h-hindi po. Ang totoo niyan...--"

"Hindi marunong magswimming si ate, kuya." Putol sa akin ni Charlotte.

Inupo niya si Charlotte sa gilid ng pool saka na lumapit sa akin.
"Tara." Aya niya that's why I decline.

"Face your fear." Sabi nito kasunod ay hinila ako nito papunta sa gitna ng pool.
Wala naman akong ibang choice kung hindi kumapit sa kaniya.

"Go ate!" Natawa pa ito sa inasal ni Charlotte.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon