Kabanata 38

1K 24 2
                                    

"Buti nalang may ganung talent sina mama, at least I'm getting to know you better." Sabi niya't lumipat ng pwesto sa aking tabi.

"Since single ka naman tapos single din ako, maybe courting you isn't a bad idea?"

Mabilis akong napatingin sa kaniya.
"Let's get out on a date, let's watch movie after your class, I'll visit you during weekends sa house niyo." Sabi nito.

"Hindi pwede." Mabilis kong sagot.

Mukhang nagulat siya sa aking sinagot, si Mr. Garcia nga e hindi ako um-oo, sa kaniya pa kaya?

"Of course you are going to say no, pero hindi ko alam na ganun kabilis. Anyway, alam ko namang hindi ka tulad ng ibang babae na sasabak kaagad. Good to know, at least alam kong hindi ka basta basta." Nakangiti nitong saad.

"Pero susuyo parin ako, first no mo palang naman ito." Dagdag niya.

"But you can't visit me, h-hindi ka pwedeng pumunta sa bahay. Bahala ka sa gusto mong gawin pero hindi pwede sa bahay. Magagalit ang kuya ko."

Magtatanong pa sana siya nang may sumabat.
"Ano pang ginagawa niyo diyan? Matulog na kayo." ---si Mr. Garcia.

Tiningnan muna ako ni Qen bago tumayo.
"Tara na?" Aya niya, tumango na lamang ako bilang sagot.

Inalalayan pa ako nito sa pagtayo.
"Bilisan niyo na." Si Mr. Garcia na tinalikuran na kami.

Pagdating sa villa, nadatnan ko sa kwarto sina tita Jeng, Jessica, Charlotte at Jenny na tulog, isa pa wala na akong lugar saan ako matutulog neto?

Lumabas akong muli sa kwarto at pumukaw sa atensyon ko 'yung maliit na sofa. Dito na lamang ako, matutulog. Pinagkasya ko ang sarili ko doon, tutal may throw pillow naman at hindi ganoon kalamig ang panahon, hindi ko na kailangan ng kumot.

Pumikit na ako at ipinagtabi ang aking binti. Bahala na kung sasakit ang likuran ko.

--paggising ko, bumungad sa aking harapan ang mukha nina tita Jeng at Jessica na tutok na tutok sa akin.

"Mama, baka magising mo sila. Hindi ko pa nga sila napipicture-an."

Picture? Sino? Ako?
Kaya bago pa ako ma-morning prank ni Jessica e bumangon na ako. Ikinagulat ko naman ang taong nasa gilid ko, hawak ang aking kamay.
Nakaupo ito sa sahig at ang mukha niya ang nakalapat sa aking binti.

Jason's POV

Pagpasok namin ni Macquenrie sa kwarto, nadatnan namin si Val na mahimbing ng natutulog.
Buti nalang at hindi ito nagigising, kanina pa kasi ako labas pasok sa kwarto namin dahil chinecheck ko kung nandoon na ba sa kabilang kwarto si Christine.

"Bro, liligawan ko si Christine." Out of the blue na sabi ni Macquenrie.

"Ano?! Are you out of your mind? May boy friend na siya." Pagsisinungaling ko.

I can't help not to act like this. Hysterical na kung hysterical, Christine is mine.

"Huh? Wala siyang boy friend, bro. Kausap ko palang siya kanina, ang sabi niya pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko huwag lang akong pupunta sa bahay nila. Kaya starting tomorrow susuyuin ko na siya." Nakangiti pa itong si Macquenrie at umakto na parang nagde-day dream ang gago.

Sinabi ni Christine 'yun? Bakit parang, I feel betrayed? Ako itong matagal ng kasama ni Christine, hindi man lang ako sinabihan ng ganun. Lahat nga yata e bawal sa akin. Kahit suyuin ata siya e bawal.

"Hindi pwede." Mahina kong sabi.

"What? Anong hindi pwede? Don't tell me gusto mo rin si Christine?"

Matagal bago ako nakasagot. Pag sinagot ko siya ng oo, baka in the end my cousin will treat me as his enemy as his competitor at pagsisimulan ng bangayan namin. Sila nalang ni tita Jeng ang natitira kong pamilya.

Gagawin ko na lang ang lahat for Christine without competing with anyone, even with Quenrie.

"No." Sagot ko.

"What a relief, pinakaba mo ako dun ha. Akala ko magiging karibal pa kita, at isa pa may Jenny ka na 'di ba?"

Napairap ako ng wala sa oras.
"She's nothing. I have my girl already, that Jenny girl is just obsessed with me."

"She's pretty, why don't you try her?" Suhestiyon niya

"Tss, she's immature and she is far more different from..." natigilan ako, muntik ko ng masabi si Christine.

"Kanino?"

"From my girl." Sagot ko saka na nahiga.

"Who's that girl, jay?" Tanong niya at kinakalabit pa ako.

"Let's sleep."

"Daya naman, hindi ko naman sila icocompare ni Christine. Sino nga?" Pangungulit niya parin.

Bumangon ako at kinuha ang isang pirasong unan at pati na rin ang kumot ko.

Idiot, talaga hindi mo sila maicocompare, because Christine is my girl.

"Matutulog ka sa labas, Jay? Are you nuts?"

"Ano pa nga ba? You are so loud, Macquenrie." Sabi ko lumabas na ng kwarto.
Doon na lamang ako sa sofa matutulog.

Akmang ihahagis ko na ang unan ko ngunit mabilis kong napigilan ito dahil napansin kong may nakahiga. Lumapit ako at nasilayan ang mala anghel niyang mukha habang tulog. Bakit siya nandito? Oo nga pala, good for three person lang per room. Hindi na siguro nagkasya si Tintin sa kabilang kwarto gawa ng nandito si Jenny.

Inangat ko ang kaniyang ulo upang mailagay ang unan, pagkatapos ay kinumutan ko na rin ito.
Umupo ako sa sahig at mataman siyang tinitigan. How I love this girl, I made a promise to Joana.

Joana told me not to stuck with her, kasi wala raw mangyayari sa buhay ko. She force me to make a promise to her na kailangan kapag dumating na 'yung time na maramdaman ko na ulit sa ibang babae 'yung naramdaman ko tulad ng kay Joana, kailangan e ilabas ko daw kung ano talaga  nafefeel ko.

And the time has come, Christine is the reason why am I granting what Joana wants me to do. And on the other hand, para sa akin naman ito.

---I hold her hand.
"I love you, and please trust me. Believe in my words this time." Bulong ko then I gave it a peck of kiss sa likuran ng kaniyang palad.

Hawak ko ang kaniyang kamay then I lay my head by her side, pumikit ako and hoping that Christine will be in my dreams.

A room for improvementWhere stories live. Discover now