Kabanata 21

1.2K 33 6
                                    

Christine's POV

Heto nanaman itong puso ko, ang bilis nanamang magpatakbo ng dugo kaya sobra sobra ang kaba ko.

Anong gagawin ko? Naninigas na ako na parang bato dahil hinalikan ako ni Mr. Garcia.

Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi at dahan-dahan ang paghalik nito sa akin. Napakapit ako sa kaniyang braso at unti-unti na akong bumigay.

Sa gitna ng aming mapusok na halikan, inalalayan niya akong tumayo without breaking the kiss.

Ngunit biglang pumasok sa isip ko si kuya. Ngayon nga pala ang uwi niya.
Kaya, kahit na gusto kong hayaan si Mr. Garcia sa gusto niyang gawin kailangan ko itong pigilan.
Baka maabutan ni kuya na walang bantay si Charlotte ng ganitong oras.

"Sir..." pigil ko rito at bahagyang lumayo sa kaniya.

"I understand." Naka ngiti niyang sabi saka pa niya hinawi ang aking buhok at isiniksik ang iilang hibla sa kabila kong tainga.

Maingat niya akong inilapit sa kaniya at niyakap. Hindi ko alam kung para saan iyon, but I was captivated with his scent that is why I hugged him back.

"Sir, kailangan ko na pong umuwi, wala kasing kasama ang kapatid ko sa bahay."

Nakayakap parin siya sa akin pero randam ko ang pagtango niya.
Hinahaplos haplos pa nito ang aking buhok.

"S-sir?"

Humiwalay na ito at nginitian pa ako kaya napa iwas ako ng tingin.
Kung may balak siyang pumasok sa buhay ko, sana sabihin na niya ng mas maaga para mabalaan ko na rin siya na hindi pwede ang binabalak niya.
Magulo ang buhay ko at ayokong mandamay ng iba.

"Mauuna na ako." Then I grab my bag.

Pagpasok ko sa elevator, pasarado na ito nang bigla itong bumukas muli.
It was Mr. Garcia again.

"Ihahatid na kita, thank you na 'yun for the favor you gave." Sabi niya at pinindot na ang basement button.

Sa sasakyan hanggang sa makarating na kami sa kanto ay hindi kami nag-imikan.
Pababa na ako ng sasakyan nang pigilan ako nito.

"Please remember this." Sabi niya kaya naudlot ang aking pagbaba.
"Maging komportable ka kapag kasama mo ako, huwag kang maiilang. Don't make things complicated ok? Kung may ayaw ka, sabihin mo. Kung may gusto ka, sabihin mo."

Napatango na lang ako, siguro ako nalang ang mag-aadjust upang hindi mahulog ang loob niya sa akin.

"Salamat po sa paghatid." Iyon ang huli kong sinabi bago bumaba ng sasakyan.

Halos patakbo na akong maglakad pauwi, kinakabahan kasi ako at baka kung ano nanaman ang magawa ni kuya sa akin kapag nagkataon na wala pa ako sa bahay.

Nasa gate palang ako ay may naririnig na akong kausap ni Charlotte. Kaya lalong gumapang ang mainit na pakiramdam sa aking dibdib.

Nag-iisip na ako ng idadahilan habang dahan-dahan akong pumapasok sa bahay.

"Matagal pa ba ang ate?" Tanong ni Charlotte, punong puno ng kalungkutan.

Dahan-dahan ko ring binuksan ang pintuan at nawala ang aking kaba na nararamdaman nang bumungad sa sala si Charlotte at si Sir Val.

"S-sir, ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong ko.

"Pinuntahan kasi ako nitong si bulinggit sa bahay, wala daw siyang kasama dito kaya naman sinamahan ko muna." Paliwanag niya.

Napatango naman ako, ikinagulat ko ang pagtunog ng aking cell phone.
Kaagad kong kinapkap ang aking bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Si kuya...

"Oh, kuya?"

"Hindi ako makakauwi ngayon, kailangan kong maghanap ng bagong trabaho. Tapos na kasi itong building na ginagawa namin."

Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa wakas, walang manggugulo sa buhay ko ngayon.

"Ok sige kuya, mag ingat ka nalang diyan!"

Masaya ko itong ibinaba at ngumiti kay Charlotte.
"Kumain ka na ba, bunso namin?" Tanong ko.

"Opo ate, kumain po ako kina kuya Fried Chicken." Masigla nitong sagot.

"Hmm, anong pinakain ni kuya fried chicken sa'yo?" Usisa ko.

"Fried chicken!"

Inilipat ko naman ang aking tingin kay sir Val at ngumiti na may halong babala na: 'bakit fried chicken nanaman?'

Napakamot siya ng batok at awkward na nangiti.
"Iyon kasi ang gusto niya e."

"Asus, spoiler ka sir." Sabi ko at lumapit kay Charlotte.

"Naligo ka na ba?" Tanong ko habang naka ngiti.

"Opo! Pinaliguan ako ni kuya Fried Chicken!"

"Naku, salamat po, sir Val. Naabala pa ho yata kayo ni Charlotte." Nahihiya kong sabi.

Hindi naman na nagtagal si sir Val sa bahay, kaunting kwentuhan lang ang nangyari saka na ito nagpasyang umuwi.

"Mag-ingat po kayo, sir." Sabi ko nang ihatid ko siya hanggang sa gate ng bahay.

"Sige, ikaw din. Mag-ingat ka sa school." Sabi nito at ginulo pa ang aking buhok.

Bago pa ito lumarga ay kinawayan pa ako.
Bumalik na ako sa loob ng bahay at dumertso sa kwarto. Nadatnan ko si Charlotte na mahimbing ng natutulog.
Pagka-upo ko sa kama ay naalala ko ang nangyari kanina.

Hindi ko tuloy maiwasang hawakan ang aking labi.

*dugdug dugdug dugdug*

Heto nanaman ang puso ko. Aaaah! Hindi pwede!
Marahas kong kinabog ang aking dibdib dahil sa kirot na nararamdaman nito.

Kaagad kong kinuha ang aking cell phone at nagsimulang itype doon ang gusto kong sabihin kay Mr. Garcia.

To: Mr. Jason Garcia

'Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito ngayon. Parang pinipiga ang puso ko, parang unti unting nalulunod sa dugo ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Natatakot ako na baka mahulog ako ng tuluyan sa'yo. Natatakot ako na baka, masaktan ako kapag itinuloy ko ang pagiging malapit sa'yo. Siguro, kailangan kong mag adjust.'

Ano pa ba ang aasahan ko? Kundi ang batiin nanaman ako ng mga katagang "Failed to send" sa screen ng cell phone ko.

A room for improvementWhere stories live. Discover now