Kabanata 18

1.3K 34 10
                                    

Kumain kami sa karinderya kung saan kami inilibri din noon ni sir Val.

"Dabest ka talaga kuya chicken joy!" Puri naman ni Charlotte kay sir at nag thumbs pa ito.

"Basta ikaw, malakas ka sa akin e." Sabi niya at ginulo pa ang buhok nito.

Habang tinititigan ko si Charlotte habang kumakain e naalala ko nanaman 'yung muntik ng mangyari sa amin ni Mr. Garcia.

"Hindi ka pa ba kakain?" - sir Val

Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maalala ko iyong itsura ni Mr. Garcia nang isubo niya ang daliri ko.

"Christine, are you ok?"

Napapikit ako ng mariin nang maalala lahat, mula nang gawin namin 'yung 'di kaaya-ayang gawain hanggang sa nangyari kanina.

"Hey, are you dizzy? Or what?" Tanong ni sir Val at tinapik pa ang aking balikat.

Napamulat naman ako at nabalik sa wisyo.
"Uh, ok lang ako. May iniisip lang."

Napa iling naman siya. "You know, don't stress your self too much ok?" Sabi nito at nangiti.

Tumango naman ako. Pagkatapos naming maghapunan, deretso uwi na sa bahay. Tulad ng dati, sabay umuwi.

"Bye bye, kuya chicken joy!" Paalam ni Charlotte kay sir.

Kumaway naman ito na parang close na close talaga sila.
--sa higaan, hindi ako makatulog at naisipang gamitin ang aking cell phone.

"Tutal wala naman akong load, panigurado hindi naman masesend 'to." Sabi ko sa sarili ko at nagsimula ng mag type.

To: Mr. Jason Garcia

'Hindi kasi ako mapanatag e, dahil sa ginawa mo kanina. Hindi ko alam paano kita haharapin bukas. Nahihiya ako, feeling ko puputok na ulo ko sa sobrang hiya. Ang gago mo kasi sir e. Busit ka!'

Pinindot ko ang send button and as expected, nagpakita nanaman sa akin 'yung "Failed to send message"

Inilagay ko na sa ilalim ng unan ang cell phone at saka na pumikit.
At least medyo lumuwag pakiramdam ko dahil nailabas ko 'yung gusto kong sabihin.

Kinabukasan, sa school... sa faculty room, inutusan ako ni ma'am Mia na kuhanin 'yung libro niya sakto namang nakita ko siyang nakatalikod si Mr. Garcia at mukhang may hinahanap sa isang metal drawer.

Heto na, haharapin ko na siya. Dahan dahan akong humakbang patungo sa kaniya nang bigla siyang humarap.

"Shit! You startled me!" Singhal niya sa akin.

Bigla akong naputulan ng dila, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Napalunok na lamang ako at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Iyong bag mo, nalimutan mo sa condo ko." Sabi niya at inilabas ang susi ng sasakyan niya.
"Kunin mo nalang sa kotse ko." Sabi niya at inilapag iyong susi sa mesa.

"O-ok po." Tanging naisagot ko.

Madali akong naglakad patungo sa pinag parking-an niya ng sasakyan. Habang naglalakad ako ay nakatitig ako sa key chain ng susi nito

"JJ" kung may jowa siya, asan na? Baka naman he's hitting with some other girl. Haaay, ano naman ngayon?

Iwinaksi ko na sa aking isipin iyon at hinanap na ang sasakyan ni Mr. Garcia.
Hindi ko ito mahanap kaya naman pinindot ko 'yung button na nasa susi.

Narinig ko na may tumunog na sasakyan malapit sa isang tricycle.
Kaagad naman akong lumapit at binuksan ang kotse saka na kinuha ang bag ko.

Pagkasara ko ng pintuan at biglang sumulpot 'yung batang estudyante ko kahapon. Si 'make them shut'

A room for improvementWhere stories live. Discover now