Kabanata 33

1K 21 2
                                    

Jason's POV

Anong petsa na at hindi ko pa nakikita maski anino ni Christine. Nakalimutan ko kasi itong bilinan na zonal meet ngayon kaya ako na ang nagdala ng isusuot niya. Sigurado akong naka uniform 'yun.

"Huy, sir Jay we are about to start ano pang ginagawa mo diyan? Halika na." Aya ni Mia.

Nakita ko 'yung kaibigan ni Chrsitine na si Jenny, papalapit ito. Tamang ta, ipapaabot ko nalang itong paper bag kay Christine.

"Sir Jay, akyat na."
Hindi ko na hinintay na makalapit si Jenny sa akin at ako nalang ang mag-aabot. Siguradong makakasalubong ko naman siya.

Paakyat na ako ng stage nang makaamoy ako ng pamilyar na amoy.
Natigilan ako at kaagad na luminga linga, hinahabol ang amoy na iyon ngunit unti-unti na itong naglalaho.

"Sir Jay, ano ba 'yan. Akyat na." Halatang naiinis na sa akin si Mia kaya umakyat na ako.

Sa harapan ng mga estudyante, para akong lipang at hindi gaanong nagsasalita sa mikropono.
Hindi mawala sa isipan ko na sa loob ng limang taon muli kong naamoy ang aromang matagal ko ng hinahanap.

"Sir Jay, it's your part na. Ilang beses na kitang ssinalo, absent minded ka ba?" Bulong ni Mia sa akin pagkatapos nun ay ang pagngiti niya sa tumpok ng mga tao.

"So now, it is a pleasure for the school having such an event like this. Miss Mia will be announcing the schedules." Pagkasabi ko nun ay kaagad akong bumaba ng stage.

Alam kong magagalit si Mia sa akin, who cares? May kailangan akong hanapin. Kailangan kong malaman kung sino ba ang may amoy na tulad ng babaeng sandali kong nakasama limang taon na ang nakalipas ngunit nag-iwan ng marka sa puso ko.

Alam kong para akong aso na sinusuri ang amoy ng bawat lugar na madaanan ko.
Ilang sandali lamang ay dumaan na sa aking ilong ang amoy na kanina ko pa hinahanap.

Kinabahan ako dahil dalawang babae ang nakatayo sa aking harapan. It's either si Jenny o si Christine.
Mabagal akong lumapit sa kanila, pinapanalangin na sana si Christine iyon.
The more step I made, the more my brows wrinkled.

Christine's POV

Palapit na siya sa aming kinalulugaran.
Si Jenny naman ay panay ang kurot sa aking braso, halatang kinikilig ito.
Naeexcite ang puso ko na ewan.

"Jenny, can we talk?" Pagkasabi niya nun ay kaagad niya kaming tinalikuran at naglakad na palayo.

Nawala ang excitement ko nang ibang pangalan ang banggitin niya.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti ng mapakla.

"Wait lang friend, ha?" Tuwang tuwang pa itong sumunod kay Mr. Garcia.

Bakit feeling ko iba nanaman ang timpla sa akin ng lalaking 'yun.

"Ate tintin!"

Napalingon ako nang marinig kong tawagin ako ni Jessica.
Ngumiti ako sa kaniyang harapan nang lumapit ito sa akin.

"Ikaw lang ba mag-isa? Akala ko pinuntahan ka ni kuya kasi bigla siyang nagwalk out at iniwan doon si ma'am Mia." Sabi nito.

"I met him not too long ago. Kinakausap niya 'yung kasama ko, si Jenny." Sagot ko.

Tumango tango naman ito.
"Nga pala gusto kang makita ni mama kaya sama ka mamaya ha?"

"Mama mo? Dumating na ang mama niyo?" Tanong ko.

"No, ano ba. Si tita Jeng, basta si mama."

Ngayon ko lang napagtanto na mama papa ang tawag ni Jessica doon sa tita nila.

A room for improvementWhere stories live. Discover now