Kabanata 17

1.3K 31 0
                                    

Natapos ang araw na nastress ako sa kakulitan ng mga chikiting sa school na 'to.
Akala ko 10-A lang magiging alaga ko 'yun pala may grade 7 at dalawang section pa ng grade 10.

"Ma'am, hindi po ba kayo nai-stress sa dami ng sections na hinahawakan niyo? Idagdag niyo pa na ang sasakit sa bangs ng mga estudyante?" Tanong ko kay ma'am Mia nang nasa faculty room na kami at tinutulungan siyang mag-ayos ng gamit niya.

"Alam mo, kapag naging tunay na guro ka na hindi pwedeng hindi mo maranasan ang stress at pagod. Kaya ang ginagawa ko, ineenjoy ko nalang ang trabaho ko. Tutal, wala naman akong asawa at anak kaya nagpapaka nanay na lang ako sa mga estudyante ko."

Napaisip ako sa sinabi ni ma'am. Wala siyang asawa at anak? Ibig sabihin, single siya at dalaga? Charot hahaha malamang. Bata pa naman siya kaya pwede pang makahabol bago sya mawala sa kalendaryo.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya sa akin.

"Hihintayin ko na po 'yung kaibigan ko." Sabi ko naman.

"Ah, osige mauna na ako ha."

Lumabas na ako ng faculty nang makaalis na si ma'am Mia. Sakto namang nakita ko si Jenny na may kasamang iilang estudyante.

"Uy, jenny! Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko.

"Uy friend, nako hindi pa e." Sabi niya at lumapit sa akin.
"Mga estudyante ko nga pala. Students, kaibigan ko si ma'am Christine." Pakilala niya sa akin.

"Hi, ma'am Christine." Bati nila sa akin.

Nginitian ko lamang sila. Buti pa si Jenny, mukhang masaya sa pagiging student teacher. Haaay

"Sige, mauna na akong umuwi. Kitakits nalang bukas." Sabi ko kay Jenny saka na nakipag beso beso sa kaniya.

Naglalakad ako palabas ng school nang may bumusina mula sa aking likuran.

"Baliw ba 'to? Hindi naman ako naka harang sa daan." Bulong ko sa sarili ko.

Huminto ako sa paglalakad at tumabi sa daan. Pauunahin ko na ngang padaanin 'to.

Huminto naman ito kung saan ako nakatayo saka bumaba ang bintana. Si Mr. Garcia.

"Sir kayo po pala." Sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

"Uuwi ka na?" Tanong niya.

Tumango naman ako.
"Sakay na, isasabay na kita."

Luminga linga muna ako bago sumakay sa kotse niya.
Mamaya may makakitang iba at iba ang isipin.

"Kamusta naman ang first day?" Tanong nito sa akin pagkasakay ko.

"Hmm, sinungaling ka." Hindi ako nagdalawang isip na sabihin iyon sa kaniya.

"What? Why did you say so?" Tanong niya ngunit naka pokus parin ang tingin sa daan.

"Ang sabi mo tahimik at matitino ang mga estudyante rito. Iyon pala'y kabaligtaran." Naka simangot kong saad.

"Terrible?" Natatawa niyang tanong.

"Oo." Sagot ko with matching tango.

"Gusto mo stop over ka muna sa condo ko? Kwentuhan tayo saglit." Sabi nito sa akin.

Mga tatlong segundo akong natahimik. Iniisip ko kung oo ba o hindi ang isasagot ko.

"Hindi ka naman gagabihin. Gusto ko lang malaman ang experience mo as a student teacher."

Napatingin naman ako sa kaniya.
"Sige po, sir."

Pumukaw naman sa atensyon ko 'yung keychain na may nakasulat na "JJ" tas may puso pa.

A room for improvementWhere stories live. Discover now