Request #11 [Jungkook] - derpyderpdobi

793 13 0
                                    

Hope you'll like it~ ^^ hihihi Sorry sa typos ^^ hihihihi

********************************************************

Nasa private room ka ng hospital... Alam mo kung bakit? Kakapanganak mo lang sa baby ninyo ni Jungkook. It's a girl! XD Kaya naman pinangalanan mo siyang Cookie. Simula nung sinugod ka sa hospital, hindi dumating si Jungkook. Alalang-alala ka baka kasi kung anong nangyari sa kanya. Napatingin ka sa may pinto ng may magbukas nito. Nakita mo si Jimin na may hawak na basket ng prutas at flowers. Huminga ka ng malalim kasi akala mo si Jungkook ang pumasok.

"Chanelle....." mahinahong sabi ni Jimin.

"Bakit?" sagot mo.

"Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko...." sabi ni Jimin.

"Tungkol saan ba yan?" tanong mo sa kanya.

"Kay Jungkook sana." napatingin ka kay Jimin ng nasabi nya ang pangalan ni Jungkook.

"Ka-kay.... Ju-jungkook??" nauutal na sabi mo.

"Kasi... Promise mo wag kang mabibigla ah?" tanong ulit ni Jimin.

"Oo..." ihinanda mo na ang sarili mo sa sasabihin ni Jimin, mapa positive o negative man yun.

"Kasi, may pumuntang mga police sa dorm namin... Pinapa confirm kung kay Jungkook nga talaga yung sasakyan na natagpuan sa may bangin." napakagat ka sa labi mo para pigilan ang pagluha mo.

"At ayon.. Nakita nga namin... Kami na rin ang nag-confirm na sasakyan nga nya yun..." naiiyak na sabi ni Jimin.

"Na-nakita nyo ba yung katawan nya?" sabi mo. Hindi mo na napigilang maiyak...

"Iyon nga ang problema... Wala kaming nakitang bangkay sa loob ng sasakyan..." sabi ni Jimin.

"E-edi buhay pa siya...." medyo nawala na ang iyak mo dahil may chance na buhay pa siya....

"Wag kang mag-alala Chanelle... Kami na ang bahala sa paghahanap kay Jungkook." sabi ni Jimin habang nakangiti. Napatango ka nalang at pumikit upang umiglip...

************************

Lumipas ang 3 taon ni hindi pa rin nakikita si Jungkook... Pero kahit ganun na katagal na panahon ang lumipas... HIndi mo parin maiwasang mangulila sa pagmamahal ni Jungkook...

Nandito ka ngayon sa airport para sunduin ang mommy at daddy mo na nagbakasyon sa America. Nakaupo ka lang sa isang tabi ng mapansin mong may isang batang patakbo takbo papunta sa iyo habang may hawak na lollipop tapos pumunta naman sa may store nakatabi mo... Napangiti ka dahil kamukhang kamukha ni Jungkook yung bata. Kahit sa ilong parehas na parehas. Pero nagulat ka nalang nang marinig mo ang isang pamilyar na boses.. Oo.. Boses ni Jungkook iyon. Napalingon ka at nakita mo nga siya. Ang laki na ng pinagbago nya, mas tumangkad siya at lalong gumwapo. Lalapitan mo na sana si Jungkook ng biglang may sumingit na babae galing sa likod ni Jungkook tapos umakbay si Jungkook doon sa babae.

"Justin! Come to mama!" sigaw nung babae. Tapos lumapit yung batang kamukhang kamukha ni Jungkook sa kanila.

"Tito! I saw a girl! She's so pretty!" sabi nung bata.

"Nasaan siya?" tanong ni Jungkook. Nang ituro ka ng bata napalunok ka nang laway.. Nakita mong nanlaki ang mga mata ni Jungkook at bigla ka nalang niyakap.

"Chanelle!" naiiyak nyang sabi.

"Ha? Teka...." ang sabi mo habang inaalis ang pagkayakap nya sa iyo.

"Chanelle... Buti nandito ka... Bumalik ako para sa iyo." sabi nya.

"Bumalik? Buti naisipan mo pang bumalik! Tapos babalik ka na nga lang may pamilya ka pang kasama!" sigaw mo habang naiiyak.

"What? Oo pamilya ko sila... Pero mali ka ng inaakala." sabi nya.

"Ako mali? Hoy kamukhang kamukha mo yung bata! Kaya halatang anak mo yan!" sigaw mo sa kanya. Napatigil ka ng biglang lumapit sa inyo yung babae kasama yung bata.

"Hey. Are you Chanelle?" tanong nung babae.

"Yes." sabi mo.

"Oh what a beautiful girl! Alam mo bang lagi kang kinukwento ni Jungkook sa akin?" tuwang tuwa na sabi nya. Tinignan mo si Jungkook pero nakatingin ito ng malayo at halatang namumula ito.

"Siguro nagtaka ka kung bakit kami lang ni Jungkook at anak ko ang nandito." sabi nung babae.

"Anak mo? As in anak mo? hindi anak nyo ni Jungkook?" tanong mo. Napatawa naman yung babae at napahampas sa balikat mo ng mahina.

"Ano ka ba~ Kuya nya ang ama nito noh. By the way I'm Ria" sabi ni Ria.

"Wait. What?" naguguluhan mong tanong.

"Siguro si Jungkook na dapat ang mag explain nyan para sa iyo." nakangiting sabi ni Ria.

"Tara Justin bibilhan kita ng kahit anong gusto mo." sabi ni Ria habang hawak ang kamay ni Justin. Hinarap mo na si Jungkook na ngayoy napakalaki ng ngiti.

"Oh sabi ko sa iyo di ko asawa si Ria eh. Asawa siya ng kuya ko." proud na sabi ni Jungkook. Yayakapin na sana nya ikaw pero pinigilan mo siya.

"For 3 years... For 3 years naghintay ako sa iyo! Anong nangyari sa 3 years na yan?!" sigaw mo habang naluluha.

"For 3 years.... Noong naaksidente ako sa may bangin, may tumulong sa akin na mga lalake at dinala ako sa hospital. Tapos nakilala ako ng mga nurse... PInapunta ang kuya ko galing America... Then I lived in America for 3 years para magpagaling. ni-private ni kuya lahat yun para di kayo mag-alala.. Binayaran nya ang media para hindi ito kumalat na nasa America ako... At after 3 years na pangungulila ko sa iyo at sa anak natin... Napagdesisyonan ko nang bumalik dito at hindi na kayo iiwan pa." paliwanag ni Jungkook. Hinawakan ka nya sa mukha at hinalikan ng madiin.... Hindi mo na napigilang halikan rin sya at mapaluha ng lubusan. Nang matapos na yung kiss nyo, ngumiti kayong pareho at nagholding hands.

"Etoh na pala sina daddy at mommy." sabi mo.

"Tara na't salubungin na natin sila. Atat na kasi akong makita si Cookie." sabi ni Jungkook. Napangiti ka nalang at tumakbo papunta sa daddy at mommy mong ngayo'y gulat na gulat dahil nakita nila si Jungkook.

****************************************************

Nakakabitin XD hahahaha Ako na talaga nagsabi ehhh XD hihihihi

(cr: HIMisMine041501)

BTS Short ImaginesWhere stories live. Discover now