Request #7 [Jungkook] - lightningsouls

996 15 2
                                    

Mahimbing kang natutulog ng biglang sumigaw ang iyong asawang nagngangalang Jungkook.

"Honey!!! Ayla!!! Gising!! Kunin mo na si Junior!! Nasusunog ang bahay!!" bigla kang napadilat dahil sa sinasabi ni Jungkook. Tumayo ka agad at binuksan ang pintuan ng kwarto nyo ni Jungkook. Nakita mong puro usok na ang paligid at nasusunog na yung kusina. Tumakbo ka papunta sa baby room kung nasaan ang anak nyo ni Jungkook. Binuhat mo ito at pinatahan dahil ito ay umiiyak. Tinakpan mo ng panyo yung ilong nung bata at lumabas kasama ito.

Hinahanap mo si Jungkook, at nakita mo siyang may hawak na tabo at yung hand shower na may tubig. Tumakbo ka papunta sa kanya.

"Ano ba Jungkook! Tara na! Wala ka nang magagawa! Ang laki na ng napinsala ng sunog! Tara!" hinigit mo siya papunta sa entrance door.

Naglalakad kayo ng mabilis, pero hindi tumatakbo. Ikaw ang nauuna sa paglalakad. Kaso bigla kang tinulak ni Jungkook kaya naman halos mapasubsob ka na sa floor pero napigilan mo ito. Lumingon ka para pagsabihan sana si Jungkook na wag maglaro ng ganitong oras na nasusunog na ang bahay. Kaso nakita mo siyang nakadapa, at may nakadagan na kahoy na nasusunog sa kanya.

"Ahhh!!!!" ang sigaw ni Jungkook dahil sa sakit ng pagkalaglag ng nag-aapoy na kahoy sa kanyang likod. Tumakbo ka sa kanya at pilit na tinatanggal ang kahoy sa kanyang likod pero hindi mo ito kaya. Hinihingal ka na at hindi ka na halos makahinga dahil sa usok. Ganun din si Jungkook.

"Umalis na kayo! Dali! Ako na ang bahala! Basta tandaan nyo! Mahal ko kayong dalawa ng anak natin." tumulo ang luha ninyo ni Jungkook.

"Hindi.. Hindi kita iiwan!" pagmamatigas mo.

"Please.. Para sa bata! Para kay Junior! Gusto ko pag namatay ako nakangiti kayo aah?!" Hinigit ni Jungkook yung leeg mo at hinalikan ka ng parang wala nang bukas. Nang matapos ang halikan nyo, sinigawan ka ulit ni Jungkook. Wala ka nang magawa at umalis ka na sa bahay. Pag kadating mo sa kalsada. Nakita mong pati yung yero nyo sa garahe ay nasusunog na din. Nakita mo ang mga kapitbahay mo na binubuhusan ng tubig yung bahay nyo. Dumating narin yung mga bumbero at pinapatay na nila yung sunog.

Nakita mong lalong umiyak yung bata. At sinasabi nito ang salitang "papa". Ngayon lang ito nagsalita. Kaya naman napaluha ka, dahil papa ang una nyang tinawag. Ang tatay nyang nagsagip ng buhay nyong mag-ina.

Halos 15 minutes bago na patay ang apoy. Hinihintay mo parin si Jungkook sa labas kahit alam mong wala na siya. Binalita narin ng mga pulis sa iyo na may nakita silang patay na lalaki malapit sa may entrance door. Tuloy tuloy na tumulo ang luha mo pero nakangiti ka dahil sa sinabi sa iyo ni Jungkook na ngumiti kayo ng anak nyo pag namatay man siya. Pero hindi mo parin maitatago na labis na nasasaktan ka dahil wala na ang asawa mo. At kayo nalang mag-isa ng anak nyo.

"Mahal kita Jungkook. Aalagaan ko ang Junior natin... Wag ka nang mag-alala.. Kamukha mo naman ang anak natin eh." then napatawa ka ng onti.

********************************************************

(cr: HIMisMine041501)

BTS Short ImaginesWhere stories live. Discover now