Request #10 [Suga] - HitsuHina

937 14 3
                                    

Hope you'll like it~~~ ^^ hihihihi Sorry sa typos ^^

************************************************************

"Suga!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw mo nang makakita ka nang ipis na lumilipad sa loob ng kwarto mo. Pumikit ka at nagtalukbong ng kumot nang marinig mong nagbukas ang pinto ng kwarto mo.

"HA YA!!!!!" rinig mo ang paghampas ng tsinelas sa may sahig ng kwarto mo. Sumilip ka nang onti at nakita mong hawak hawak na ni Suga ang ipis na kani-kanina lang ay lumilipad, at ngayo'y patay na.

"Oh ayan, patay na siya. Itatapon ko lang sa basurahan." sabi ni Suga habang nakangiti. Kitang kita mo ang napaka shiny na gilagid nito dahilan para medyo napatawa ka.

"Hoy! Gilagid ko na naman ata yang pinagtatawanan mo! Tumigil ka nga sa kakatawa, sigi ibabato ko to sa iyo." sabi nya habang winawagayway yung ipis. Nag-act ka ng parang ni-zipper mo yung bibig mo. Napangiti naman si Suga, pero di na kita yung gilagid.

Nang makabalik na si Suga sa kwarto mo, umupo siya sa tabi mo at inakbayan ka.

"Ano ba meron sa gilagid ko?" tanong nya sa iyo.

"Shining shimmering splendid~" kanta mo.

"Nahiya naman ako sa noo mong shining shimmering splendid rin. Maghilamos ka na nga, puro oil na yang pagmuukha mo lalo na yang noo mo." pagpupuna nya sa noo mo.

"Eh pikon." pang-aasar mo sa kanya.

"Kate...." sabi nya.

"Meron ka ba ngayon?" tanong mo.

"Hoy wala noh." sabi nya.

"Weh....." pang-aasar mo.

"Bahala ka nga dyan!" pagtatampo nya sabay labas sa kwarto mo. Napatulala ka naman kasi hindi naman talaga ganun ugali nya. Kinuha mo yung phone mo at tinext yung boyfriend mo (opo may iba kang boyfriend, friend mo lang si Suga XD chos).

"Jin..... May problema ako kay Suga." ayan ang ni-send mo sa kanya. Agad namang sumagot si Jin.

"Hayaan mo meron siya ngayon XD" pagbibiro ni Jin.

"Hahayaan ko? Eh bestfriend ko siya...." reply mo.

"Edi kausapin mo nang maayos, baka kasi inaasar mo." reply ni Jin. Napatayo ko sa kama at pumunta sa guest room [Yeah.... Sa inyo nag overnight si Suga, okay lang naman kay Jin yun eh.]

"Suga~" ang sabi mo habang kinakatok yung pintuan.

"Wala si Suga dito! Nagpakamatay na!" narinig mong sigaw nya sa loob.

"Ano ba kasi Suga! Ano bang problema mo?!" sigaw mo sabay sipa sa pintuan. Paalis ka na sana sa tapat ng guest room ng magbukas ito.

"Problema ko?! Kayo ni Jin hyung!" sigaw nya. Napalingon ka at tinignan si Suga ng masama.

"At bakit naman nasama si Jin dito?" naiinis mong tanong.

"Mang-aagaw siya eh! Wala siyang kwentang kaibigan! At ikaw! Bakit kailangang ipagsabay mo kami ni Jin hyung? Bakit mas masarap ba siyang kasama kesa sa akin?! Ang landi m-" naputol ang sinasabi ni Suga ng sinampal mo siya.

"Suga, hindi ko akalain na ganyan pala ang tingin mo sa akin! Ako malandi?! At tsaka si Jin mang-aagaw? Kelan pa? Akala ko kilalang-kilala na kita... Pero hindi pa pala..." ang sabi mo habang umiiyak.

"Kate.. Sorry..." sabi nya habang hinahawakan yung braso mo.

"Titigan at pakinggan mo ako Kate..... Kahit sandali lang....." naramdaman mong humigpit ang hawak sa iyo ni Suga. Dahilan para mapatingin ka na sa kanya kahit puro luha na ang mga mata mo.

"Mahal kita... Kaso... Hindi ko nagawang sabihin sayo... Kasi napaka torpe ko..." naiiyak nyang sabi.

"Kaso nung nalaman ni Jin hyung na liligawan na kita.... Inunahan na nya ako, kasi alam naman nyang gusto mo siya at gusto ka nya rin..." hindi na makatingin si Suga sa iyo. Hinawakan mo siya sa mukha....

"Suga... Talagang kasalanan mo ang lahat." nanlaki ang mga mata ni Suga at napatingin sa iyo.

"Kasi panakip butas ko lang si Jin nun eh.... Kaso... Nung naging kami na... Doon ko na realize na pwede ko pala siyang mahalin katulad ng PAGMAMAHAL KO SA IYO DATI." lalo kang naiyak...

"Kaya wag ka nang magsungit dyan... Sorry..... Suga." ang sabi mo. Nagulat ka nalang ng bigla kang halikan ni Suga ng sobrang diin... Hindi ka naman pumalag kasi alam mong kapag pumalag ka pa baka mapatay pa ni Suga si Jin. Nagtagal yon ng halos 2 minuto...

"Okay na ang lahat.... Salamat sa sinabi mo... Gumaan na yung loob ko." ang sabi ni Suga sa iyo. Pero bakas parin sa kanyang pagmumukha ang lungkot na nadarama nya...

"Sige aalis na ako..." sabi nya habang papalabas ng bahay.

"Bye Suga." ang sabi mo habang pinipigilang umiyak. Ngumiti lamang siya at umalis na ng bahay mo.

************************************************************

Teka ang lungkot huhuhu TT^TT nilagyan ko nalang ng kiss para kahit papaano may Romance XD hihihihi

(cr: HIMisMine041501)

BTS Short ImaginesWhere stories live. Discover now