Request #4 [Taehyung] - StrwbrryPeeynda

1.3K 25 5
                                    

Nandito ako sa Park ngayon nakaupo sa swing.

Kainis talaga yung Taehyung na yun! Magsama sila nung babaeng kayakap niya kanina! -.-

"Baby!" Narinig kong may tumawag sakin sa hindi kalayuan kaya't napalingon ako. Si Taehyung lang pala -.-

"Ewan ko sayo! Magsama kayo ng babae mo!" Pasigaw kong sabi sa kanya sabay tayo sa swing na kinauupuan ko. Bahala siya diyan -n-

"Di ko naman babae yun eh, baby naman" sabi niya habang hinabol ako sa paglalakad. Hinawakan niya ako sa braso ngunit iwinakli ko lang ito "Hindi porket mukha siyang lalaki sasabihin mo ng hindi mo siya babae! Magsama kayo ng malanding yun!" Giit ko sabay hampas sa kanang braso niya.

"Oo mukha nga siyang lalaki" matawa tawang sabi niya na mas lalo namang nagpainis sakin.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo!" Maluha luhang sabi ko sa kanya. Sobrang asar na kasi talaga ako! "Hala baby, wag kang umiyak! Ikaw naman naunang magpatawa eh. Sorry na kasi baby, kaibigan ko lang naman yun eh" sabi niya

"Wag mo nga akong ma 'Baby' 'Baby' diyan!" Sabi ko. Hinawakan niya ako sa dalawang kamay ko at diretso siyang tumingin sa mga mata ko.

"Hindi kita ipagpapalit, I love you forever. Tandaan mo yan" diretsahan niyang sabi sakin "Yang 'forever' mo pang LESS THAN A MONTH lang ang itatagal" sabi ko sabay wakli ng kamay niya

Ganyan naman ang mga lalaki eh. 'Forever'? Tss. Katangahan.

"Wala ka bang tiwala sakin, Julie?" Tuloy-tuloy na ang pag agos ng mga luha ni Taehyung, kasabay nito ay ang unti-unting pagpatak ng ulan.

May nakita akong bahay sa di kalayuan kaya naman ay hinawakan ko na si Taehyung sa kamay at hinila doon ngunit ayaw niyang sumama.

"Taehyung halika na, baka magkasakit ka pa diyan!" Sabi ko habang hindi pa rin siya binibitawan.

"Di ako aalis dito hangga't di mo ako pinapatawad" Kitang kita ko ang lungkot at sinseridad sa mga mata niya nang sabihin niya iyon.

"Oo na, pinapatawad na kita! Tara na!" Sabi ko sabay hila sa kanya. Buti naman at nagpahila 'tong alien na to!

Nakita kong nakatulala lamang siya nang makarating kami sa bahay na nakita ko.

*Ding dong*

Door bell ko.

"Hell-- TAEHYUNG?" Nagulat ako nang bigla na lang yakapin nung babaeng nagbukas samin si Taehyung. Maski si Taehyung ay halatang gulat rin.

"Miss na kita!" Sabi nung babae habang kumakalas sa yakap.

"K-Kathy girlfriend ko nga pala, si Julie" pagpapakilala niya sakin. Kathy? Sabi ni Taehyung sakin dati siya daw yung EX girlfriend niya na pinakamahal niya. S-so...

"Ah. Hi. Taehyung's ex here. Pasok kayo" pagpapatuloy niya samin.

Nakayuko akong pumasok sa loob.

"Julie, basang basa ka ah? Kuha ka muna ng damit sa taas" sabi ni Kathy kaya't umakyat naman ako.

Bwisit. Gusto ko ng umalis sa lugar na 'to! Argh!

Kumuha ako ng damit sa closet. Pink naman ang kwarto kaya siguradong pangbabae to. Di bali na kung kaninong damit to! Basta makalabas lang kami ni Taehyung dito okay na yun!

Nang makabihis ako ay dali-dali akong bumaba.

Nagulat na lamang ako nang makita kong hinahalikan ni Kathy si Taehyung.

Unti-unting sumikip ang dib dib ko. Lumabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang nasa mata ko.

"Sabi na pang less than a month lang 'yang forever mo eh. Sinungaling!" Sabi ko sabay takbo papalabas ng bahay na yun. Wala akong pakialam kung mabasa ako ng ulan. Naririnig kong tinatawag ako ni Taehyung ngunit di ko siya nililingon. Bakit kasi ang daming sagabal sa relasyon namin?

Nadala ako ng mga paa ko sa club. Ewan ko kung bakit ako dito napunta.

Ibubuhos ko na lang lahat sa alcohol ang galit ko.

Umorder ako ng isang bote ng tequila.

Bago ko pa man mainom ang isang baso ay may humawak na agad sa kamay ko. Si Taehyung.

"BITAWAN MO NGA AKO! MAGSAMA KAYO NG KATHY MO! TANGINA ANG SAKIT TAEHYUNG! PA-FOREVER FOREVER KA PANG NALALAMAN DIYAN! ANG SARAP MONG HAGISAN NG BOMBA ALAM MO BA YUN?" Sigaw ko habang humahagulgol. Tinanggal niya yung baso ng tequilla sa kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.

"BITAWAN MO AKO! BITAWAN MO AKO!" Sigaw ko dun ngunit hindi ko maalis ang mga kamay niyang nakayakap sakin. Masiyado akong nanghihina. Halos hindi na ako makahinga.

"Akala mo ba ginusto ko yun?" Narinig kong sabi niya. Umiikot ikot na ang paningin ko at halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang kaiiyak.

Ilang saglit pa ay naramdaman kong wala ng Taehyung na nakayakap sakin kaya't nilibot ko ng tingin ang bar

Malabo ang paningin ko dahil sa luha subalit pinipilit kong makakita ng maayos. Sa isang sulok ng paningn ko ay nakita ko an isang lalaking may hawak ng baril at nakita kong nakatutok ito kay Taehyung!

Hindi ako pwedeng magkamali! Si Taehyung iyon!

Napapikit ako at napaluhod.

*BOGSH*

Narinig ko ang isang putok ng baril. Pinilit kong mulatin ang mga mata ko at pagkamulat ko ay tumambad sakin ang nagkakagulong mga tao at si Taehyung na nakahandusay sa gitna.

"N-NO!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta kay Taehyung "Taehyung! Taehyung!" Pinipilit kong yugyugin siya. Napadilat siya ng konti at saka ngumiti

"Baliw ka anong nangyari?" Tanong ko habang humahagulgol

"Nakita kong may baril na nakatutok sa may ulo mo kanina nung kayakap kita kaya ayun pinilit kong agawin sa kanya yung baril" mas lalo naman akong napahagulgol dahil sa sinabi niya

"No! Taehyung, NO!" Sigaw ko dahil medyo papikit na siya

"Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko. Hindi ko naman ginusto yung mga yun eh. Ikaw lang talaga ang laman ng puso ko at wala ng iba. Mahal na mahal na mahal kita kaya inalay ko sayo ang buhay ko" nakangiti at medyo nakapikit na sabi niya.

"No Taehyung. I love you! Please don't leave me! Pinapatawad na kita sa mga kasalanan mo. Please just don't leave me!" Hagulgol ko dun. Hinawakan ko ang kamay niya at idinikit iyon sa pisngi ko.

"Yun lang naman ang gusto kong marinig eh. I love you Julie, sorry kung iiwan na kita" Matapos niyang sabihin yun ay napabitaw na lang siya sa kamay ko at napapikit

"NOOO!" Sigaw ko.

Nakita ko ang baril na ginamit kay Taehyung kaya't dali dali ko itong pinulot "Hindi kita iiwan, susunod ako sayo" itinutok ko ang baril sa ulo ko at walang ano ano'y kinalabit ang gatilyo

*BOGSH*

"Okay Cut!" sabi ni direc.

~~~~~

(cr: chellibabesss)

BTS Short ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon