Request #14 [Taehyung] - lightningsouls

725 16 2
                                    

"Taehyung-ah! Gusto ko ng hug!" Sigaw mo habang nakabuka ang iyong dalawang kamay na para bang napapayakap. Sa halip na yakapin ka ay kumuha lang siya ng teddy bear at hinagis iyon sa mukha mo.

"Ya!" Sigaw mo sa kaniya pero di ka niya pinansin at tinuon na lang niya ang atensyon sa ka-text niya. Sa sobrang inis mo'y lumapit ka sa kaniya at kinuha ang cellphone sa kamay niya. "Sino bang ka-text mo at busyng busy ka ha? Nangangaliwa ka ba?" Sigaw mo

"Paano kung sabihin kong Oo? May magagawa ka? Ano? Magse-selos ka? Bakit asawa ba kita?" Nanlaki ang mata mo dahil sa gulat. Ngayon mo lang nakita si Taehyung na nagkaganiyan. Kadalasan kasi ay sweet siya, minsan mapangasar pero di mo pa siyang nakitang ganito. Sa sobrang inis mo ay nasampal mo siya.

"So, ganun? Nanga-ngaliwa ka na? Psh. Sino nga ba naman ako hindi ba? GIRLFRIEND mo nga LANG pala ako. Taehyung magli-limang taon na tayo sa isang linggo ngayon ka pa ba nagkaganiyan? I really can't believe what's happening." Humahagulgol na sabi mo tapos nag-walk out ka na.

Inilabas mo ang Cellphone mo at tinawagan mo ang kaibigan mong nagnga-ngalang 'Chelle'.

[Hello?]

"Hello Chelle? Can you meet me at the coffee shop?" Humahagulgol ka pa rin habang sinasabi mo ito

[OMG! Bakit ka umiiyak? Si Taehyung ba?! Suntukin ko yung Alien na yun!]

Napangiti ka naman dahil sa sinabi ng kaibigan mo. Kahit na kasi nasa malungkot na kalagayan ka ay may isa ka pa ring kaibigang handang sapakin ang lahat ng nanga-away sayo. Resbak mo yan! XD

"Baliw! Magkita na lang tayo sa may coffee shop" Nagawa mo pa ring tumawa sa kabila ng mga nangyayari sa iyo ngayong araw.

*Sa coffee shop*

"Ano Best? Si Taehyung ba? Ano bugbugin ko na? Pa-salvage ko na ba? Ano? Ready na daw gilagid ni Yoongi sa pagkagat sa kaniya ano? Ipasinghot ko ba yan kay Jungkook? Sabihin mo lang ipapasipa ko yan kay Hoseok" Dada niya nang makapasok siya sa coffee shop. Hindi mo na lang siya pinansin, sa halip ay tumingin ka sa labas ng bintana.

"I just wanna know you
better know you
better know you
better now"

Rinig mong tumutugtog sa speaker ang paborito mong kanta.

Laking gulat mo nang makita si Taehyung na papasok ng coffee shop at may kasama itong babae. Makinis, matangkad, maganda, maputi at maporma. Nakaramdam ka ng galit, selos at insecurities nang makita mo silang magkasama.

"I just wanna know you~
know you
know you"

Umupo sila sa may dulo ng coffee shop ngunit tanaw mo pa rin sila mula sa kinaroroonan mo. "Hoy nakikinig ka-- OMG!" Sinundan ng tingin ng kaibigan mo ang direksyo kung saan ka nakatingin at maging siya ay nagulat nang makita si Taehyung na may kasamang iba. Nagpapalit-palit ang tingin niya sayo at kay Taehyung.

Hindi mo siya pinansin, nakatingin ka lang kay Taehyung at sakto namang napatingin din siya sayo.

BTS Short ImaginesWhere stories live. Discover now