Request #6 [J-HOPE] - -VHope

1K 16 3
                                    

 "Ano ba naman yan Hopia! Usog dun!" Sigaw ko kay J-Horse-- este J-Hope. Nandito kami ngayon sa bahay namin, nanonood ng TV

"Hoy Bakekang! Anong Hopia? Gusto mo tadiyakan kita diyan?" sabi niya sabay irap sakin. Asdfghjkl! Mas marunong pa siyang mangirap sakin huhu TnT

"Kabayo ka talaga! Dun ka sa kabilang upuan dali! Lecheng to nakikisiksik!" Sabi ko sabay tulak sa kaniya paalis ng sofa

"Ang taba taba mo kasing baboy ka!" Pangaasar niya sakin tapos umupo ulit sa tabi ko. "Makababoy naman 'to! alis ka na nga diyan!" Pangtataboy ko nanaman sa kaniya. Walangyang boyfriend to!

OO Boyfriend ko 'yang kabayong 'yan!

"Kanina ka pa tulak ng tulak ah?" Sigaw niya. Ang sarap tirisin ng Hopiang 'to TnT

"Peste! Ako na nga lang lilipat! Break na tayo!" Sabi ko sabay lipat sa kabilang upuan. "Hoy Bakekang! Anong break?" Tumabi siya sakin. Jusko, ginawa ba 'tong kabayong 'to para bumuntot lang sakin?

"Ano ka anino? Buntot? Kita mong ang sikip sikip na! Lumayas ka nga sa upuang 'to!" Sabi ko sabay batok sa kaniya "Ang brutal mo namang Bakekang ka! Pero kahit ganiyan mahal pa rin kita" Sabi niya sabay yakap sakin

Omo. Sige lang Hoseok, pakiligin mo lang ako TnT

"Ang korni mo! Layas!" Sabi ko habang inaalis yung pagkakayakap niya. Naramdaman ko namang umiinit na ang mukha ko.

"I Love you too. Wag ka ng pakipot diyan. Pasalamat ka mahal kita! Ang sakit kaya nung batok mo sakin tapos yung pisngi ko tumama pa sa sahig nung tinulak mo ko" Sabi niya at tuluyan nang kumalas sa pagkakayakap habang naka-pout

"Aww... Sorry na babe. Kiss ko na lang pisngi mo" Sabi ko but this time ako na ang yumakap at hinalikan siya sa cheeks. Wawa naman Hoseok ko

"Masakit din dito o" He said while showing me his forehead. Ni-kiss ko naman ito agad.

"Dito din oh" Sabi niya sabay turo sa nose. Dahil ako naman 'tong si masunurin ay ni-kiss ko naman ulit yung nose niya.

"Last na talaga, dito oh" sabi niya sabay turo sa lips niya "Namimihasa ka na ah? Ayoko" Sabi ko sabay talikod. OMG! Namumula na talaga ako >///<

"Last na 'to Plith?" Nakatalikod ako sa kanya kaya di ko nakita ang reaksyon niya.

"N.O" Pagtanggi ko. Nagulat ako nang iharap niya ako sa kaniya habang unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. What the >////<

Pilit ko siyang itinutulak papalayo pero mas inilalapit niya lang yung mukha niya sakin.

"H-Hoy! H-Hopia! Ano nanaman ba 'to?" Nauutal kong tanong sa kaniya. Omo! Ilang cm na lang ang pagitan ng mga mukha namin!

"Kanina mo pa ako tinatawag na Hopia, gusto mo bang tikman ang hopiang katulad ko?" Sabi niya sabay wink. Oh my freaking gosh! Yes yes yes!

I mean NO NO NO!

Pero yes talaga! Omo TnT

"N-NO!" Pagtanggi ko "Are you sure?" Sabi niya sabay lip bite. O.M.G!!! KILL. ME. NOW!

"S-Sure" Nakapikit kong sagot. Leche mukhang mas mapula na ako sa kamatis sa mga oras na ito ah? >/////<

"Final answer?" Si Hopia, nilalandi yung utak ko! Waaah! Pag ako naka-rape ng walking hopia jusko. >///<

"Don't--" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lamang niya akong halikan.

He pressed his lips into mine. (O__O)

Peck lang naman yun eh. >///<

"Sus si Bakekang. Di daw gusto" Matawa tawang sabi niya sakin. "Ewan ko sayo!" Sabi ko sabay hampas sa kaniya

Tumayo ako at nagpunta sa kusina. Huhuhu sobrang namumula na yata ako (TT //// TT)

"Hahaha I love you Bakekang" Naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod ko. Si Hoseok...

"I hate you" humarap ako sa kaniya at niyakap siya "Aray! Ba't naman hate?" Tanong niya

"Oo na! I love you na" Sabi ko, Hinigpitan naman niya ang yakap niya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko.

- - - - - 

(Cr: Chellibabesss)

BTS Short Imaginesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن