Request #12 [Jungkook] - angelicaaspiras

767 15 4
                                    

WARNING: BEWARE OF BAD WORDS, AND SORRY FOR THE TYPOS. THANKS.

***********************************************

Ange's POV

"Class dismissed!" sabi ko . Oy! Oy! Wag kayo teacher ako oha! OJT nga lang hihi charot lang yung OJT student lang ako for this day pilot section kasi ako at itong section na hawak ko ay ang last section sa Grade 9. Pilot section kasi ang nautusang magturo sa buong grade 9 wala kasi lahat ng teacher kaya ayun. So tama na sat sat tuloy na natin yung kwento oh so etoh nga student teacher ako at ang handle ko ay ang section ng boyfriend ko hihihi lande pero di nga alam na jowakels ko siya in short crush ko siya. Naglabasan na ang mga estudyante sa classroom at napansin ko si Jungkook yung crush ko hihihi kilig kilig nilapitan ko siya, tulog kasi siya, hihihi ang pogeee pogeee ng crush ko nako hindot haha. Umupo ako sa tabi niyawala nang tao kaya rerapin ko na hihihi rakk na itu mga bh3 charot xD Tulog na tulog parin siya hihihi kaya nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya ang gwapo nya sheet tapos bigla syang dumilat at...

"Waaahhhhhhh!!!!!!!!!!!" duet naming dalawa hindi dapat ako sisigaw ehh.. Eh sumigaw siya nagulat ata kaya sumigaw na din ako wala lang nakikiuso lang hihihi. Gaya gaya kay crush hihihi lantod!

"Waahhhh sino ka?!" sabi nya.

"Luh maka sino ka?!" sabi ko.

"Sino ka ba?" sabi nya napansin kong hindi siya sa akin nakatingin sa likod ko may babaeng maputi may dalang chocolates and flowers mukhang may gusto ata kay Kookietapos nagsalita si ate.

"Hi Jungkook ako si Claresh ^^ chocolates and flowers for you. Hihi sorry kung di ko agad nasabi yung name ko, yung babae kasi sa gilid mo mukhang tanga eh." sabi nung Claresh. Hmp punyatera gagita panira ng scene busseeettttt....

"Ahh ganun ba? ah thank you sa chocolates and flowers para saan toh?" sabi ni Kookie, punyeta may tao sa gilid hinayupak!

"Ah hihi para sa iyo yan crush kasi kita sa mag---" pinutol ko na yung sinasabi nung walang hiyang Claresh na yun, hunyeta epal.

"Ba! Nakakarami ka nang Claresh ka ah ang dami mo nang exposure nyeta request mo? Mag request ka dun kay JungMin1301 nyeta request ko toh ehhh wag epal please!!" sabi ko.

"At ples dun mo ilagay sa may rules!!" pahabol ko.

"Girl wait lang alam ko namang gwapo ako ehh at hot pa tapos may magandang-magandang ilong please wag nyo akong pag-agawan." sabi ni Kookie.

"Tarantado exposure yung topic dito hindi yung kapogian mo!" sabay naming sabi ni Claresh.

"Ah hindi ba? Sorry naman." sabi ni kookie sabay walk out pero bumalik siya at hinawakan ako sa kamay sabay sabing,

"Hindi pala ako pwedeng mag-walk oit mag-isa kaylangan may kasama yung tanong mahal ko." sabi nya punyeta nagwawala si Mr. Heart. So ayun naglakad na kami kinuha nya narin yung gamit nya pati yung gamit koat nung nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad sumigaw yung babae kanina na si Claresh ng,

"Punyeta kayo!! So mag-jowa na kayo nyan? Hoy! Walking ilong ano to rejection huh?! sige pakasaya lang kayo pero sinusiguro kong hindi magiging maganda ang ending ng love story nyo!!" sabi nya.

"Punyeta kang spoiler!" sigaw namin ni Jungkook pabalik at naglakad na kami palayo.

"Boyfriend na ba kita?" tanong ko.

"Ewan, bahala ka." sabi nya.

"Ay teka, wait! Ano yung sinabi mo kanina "taong mahal ko" paki explain labyu!" sabi ko.

"Obvious ba ikaw yun tanga." sabi nya

"Kelan mo pa ako nagustuhan?" sabi ko.

"Last year magkaklase tayo.. Simula nun crush na kita!" sabi nya.

"So it's official. Boyfriend na kita?" sabi ko.

"Oo, pwede!" sabi nya tuwang tuwa ako nun yeah may gusto din pala sya sa akin kaya pala lagi siyang nakatitig tuwing dadaan ako sa classroom nila tuwing recess. Habang naglalakad kami papuntang terminal ng jeep may isang close van na humarang samin.

"Nakkss yaman ng boypren ko! Nagpasundo pa talaga!" sabi ko.

"HIndi namin yan van!" sabi nya.

"Eh kani---" hindi ko na natapos dahil may humila na sa akin papasok sa van pati si Jungkook nasa loob wala siyang malay, sinuntok siya ng isa sa mga lalaki dito kaya sumigaw na ako ng...

"DARNA! AY PUNYETA MALI! TULONG TULONG TULONG!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko.

"Miss wag kang maingay kung ayaw mong dito palang sa van na to mamamatay na kayo!" sabi nito at may nagtakip sa bibig ko nyeta sa sobrang baho ng kamay nya nahimatay ako tapos nun everything went black!

Nagising ako sa malakas na usapan ng mga kumidnap sa amin.

"Pare pano yan wala tayong pantali dyan sa dalawang yan. Pano pag nakawala yan?" sabi nung kidnapper #1

"Wala ka bang scotch tape dyan?" sabi nung K#2

"wala eh.." sabi ni K#1 kaya sumingin na ako

"Nyeta naman mangingidnap na nga lang kayo wala [a kayong panali! Buksan nyo yang bag kong kulay violet may scotch tape dyan!" sabi ko at sumunod naman sila tinali nila si Jungkook sa likod ko na hanggang ngayon eh tulog parin.

Maya maya dumating yung Claresh nyeta sya nagpakidnap samin? desperada ampupu gagita!

"Kamusta? Sabi sayo ehh hindi magiging maganda endning ng lovestory nyo ehh..." sabi nya.

"Pakyu ka sagad!" sabi ko.

"Aww wag naman sagad baka dumugo bwahahaha" sabi nya sabay tawa na parang lunatic tsk tsk retarded, lunatic at the same time nagising si Jungkook magh bebelabs hart hart landeee XD

"Anong dudugo? Tsaka bat ako nakatali?" tanong nya.

"Secret ko na kung anong dudugo! Tsaka kung nagtatanong ka kung bakit ka nakatali pinakidnap ko kayo ng bebelabs hart hart mong si Ange! Ayos diba hahaha huhuhuhu" sabi nya sabay iyak tawa tsk tsk retarded nga stupida pa tsk tsk kawawang desperada.

"Bakit ka umiiyak? Baliw ka?" sabi ni Jungkook.

"Hindi nag shashabu yan bebelabs hart hart kaya yan desperada kasi." bulong ko kay Jungkook narinig ata nung baliw ayun sinapak nya ako in the end sinigawan ko sya naka limang sampal na kasi siya.

"ABA! SHUTANG INERNS NAKAKA LIMA KA NANG GAGITA KA AHH! KALAGAN MO AKO MAG SAMPALAN TAYO PARA FAIR!" at ayun nga kinalagan nya ako at nagsapakan na kami at ang walang yang kidnappers at si Jungkook nagpustahan ang mga ugok!

"Go bebelabs hart hart! Kaya mo yan!!! Sige sapakin mo tadyakan mo!! Wooohooo!! Oy oy oy pusta ko kay Ange dalawang daan!" sabi nya.

"Oy pare topipti pusta ko kay boss woohoooo sapakin mo din boss!" sabi ni K#1

"Wooohooo Ange!! I labyu bebelabs hart hart!!" sigaw ni Jungkook. And with that nilapitan siyani Claresh sabay saksak ng kutsilyo sa kanya pipigilan ko sana kaso naunahan ako tumakbo ako papalapit kay Jungkook nakapikit sya patay na ata ay putspa naman!

"Jungkook bebelabs hart hart! Ilang oras palang tayong magjowa wag mong naman akong iwan Jungkook!!!" sigaw ko pero wala padin biglang nagsalita si Claresh ar sabi

"Paki bulong kay Jungkook, see you in hell, sunod ka Ange ahh!" sabi nya.

"Baboo!!" pahabol nya sabay grand exit.

"Jungkook gumising ka! Wag mo akong iwan ples!! Submission ng project nyo please wag mo akong iwan mahal na mahal kita wahhhh!!" sigaw ko.

"*cough *cough bebe labs hart hart ang sakit sa tenga ng sigaw mo. Oo buhay pa ako sa braso yung tama ko wag kang mag-alala di pa ako pwedeng *cough sheet hinihika ako itutuloy ko hindi pa ako pwedeng mamatay, papakasalan pa kita I love you bebe labs hart hart *tsup*" sabi nya sabay tayo at hinalikan ako sakto may naglaglagang flowers and conffeti di ko alam kung saan galing basta ang alam ko masaya ako sa piling ng taong mahal ko at Jungkook ang pangalan nito.

**************************************************

(cr: clacla_reshresh)

BTS Short ImaginesWhere stories live. Discover now