💍26 : Emptiness

3K 59 9
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

STEFFI

"F-flynn, he-help-"

Hinawakan ko ang magkabilang tenga ko dahil dahan-dahang humina ang boses ni Flynn kahit alam kong sumisigaw siya. Unti-unti nawala ang pandinig ko hanggang sa nawala ng tuluyan. Napapikit ako ng maramdaman kong dahan-dahan dumidilim ang paligid.

Hanggang ngayon iniinda ko pa rin ang sakit epekto ng pagkakabanga ng ulo ko sa gilid ng kama nung natumba ako.

Kahit hindi ko na siya maaninag nanatili lang akong nakatingin sa direksyon siya. Alam kong may mga sinasabi siya. Alam kong galit na galit siya sa akin dahil sa nagawa ko. I know he is cursing me.

Bagay lang sa akin ang lahat na masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Kahit hindi ko siya naririnig alam kong umiiyak siya. Hindi ko kayang makitang siyang umiiyak dahil sa akin.

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa lumiwanag ang paligid. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong ang mga damit ko na lang at maleta ang naiwan. Walang bakas ni Flynn o ni anino nito.

Huminga ako ng malalim ng napagtanto kong ako nalang mag-isa sa madilim at magulong kwartong ito, dagdagan pa ng galit ko sa sarili ko. Wala na akong alam kung ano na ang nararamdaman ko.

This feeling of emptiness is killing me.

Tatayo na sana ako ng biglang nahilo ako. Isinandal ko sa gilid ng kama ang ulo ko. Sumasakit na naman ito katulad ng dati. Mas lumala pa ito dahil umiyak ako. Napakapit ako sa kama habang tinitiis ang sakit na nararamdaman ko.

Naramdaman kong nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko ito mapigilan. Nagsimula na naman akong magkaroon ng tremors. Hindi man to mahahalata sa ngayon ngunit lumalala din ito hanggang sa mapansin na ng iba.

Nang bumalik na ang paningin at pandinig ko dali-dali akong tumayo at pumunta sa banyo. Nararamdaman ko na naman na umaakyat ang acido sa lalamunan ko. Nawawala lang ang sakit ng ulo ko sa tuwing sumusuka ako.

Napatulala ako pagkatapos kong sumuka. Bigla akong nalawan ng pag-asa. Wala akong ibang nararamdaman kundi puro sakit lang. Bakit pa kasi binigyan ako ng pangalawang buhay?

Napatingin ako sa mesa at nakita ko ang isang maliit na kutsilyo. Tinitigan ko ito ng ilang sandali bago ko kinuha.

If this thing would end my life, I'll be thankful.

Wala sa katinuan akong lumabas sa kwarto dala-dala ang isang maliit na kutsilyo. Paakyat ako sa hagdan kahit hindi ko alam kung saan ang dulo nito. Sunud-sunod ang pagtulo ng luha ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, parang pasan ko ang buong mundo.

Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop ng hotel. Sinalubong ako ng malakas na hangin at paglubog ng araw. Yumuko ako at nakita kong nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ko ang kutsilyo. Napapikit ako ng maalala ko ang sinabi niya sa akin noon.

"You're supposed to be dead!"

Idinilat ko ang mga mata ko pagkatapos umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niya sa akin noon. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pinakadulo ng rooftop. Walang tao. Tanging ang lumulubog na araw lang ang makakakita ng gagawin ko. Walang sinuman ang makakapigil.

Walang kahit anong harang na semento na nakapaligid sa rooftop nito. Dahan-dahan kong iniangat ang dalawang kamay ko. Inilapit ko ang kutsilyo sa pulso ko.

Dinama ko ang malakas na hangin kasabay ng paghiwa ko sa kamay ko. Pumatak man ang mga luha sa mata ko ngunit ni hindi man lang ako nakaramdam ng sakit. Siguro dahil ito ang tamang gawin na sana noon ko pa ginawa.

Unfaithful (Complete & Editing)Where stories live. Discover now