💍3 : Confrontation

4.1K 128 248
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018

FLYNN

NAWALA ANG mga ngiti ko ng makita ko sa sulok ang isang pamilyar na mukha. Mukha ng taong minahal ko ng sobra pero iniwan pa rin ako. Hindi ko napigilan ang sarili kong titigan siya ng masakit. Kung tutuusin kulang pa ang mga titig na ito sa ginawa niya sa akin.

Parang biglang bumalik ang sakit ng kahapon, yung kahapon na ibinaon ko na sa limot dahil akala ko hindi na siya babalik. Pero nandito siya ngayon sa harap ko, nanunuod sa akin at makakasama ko pa araw-araw dito sa Hospital.

"Dr. de Silva, magkakilala ba kayo ni Dr. dela Torre?" Napakurap ako sandali ng marinig ko ang tanong na iyon. Bullshit. How I wish na sana hindi nalang siya dumating sa buhay ko. How I wish na sana hindi na siya bumalik ngayon. Sarkastiko akong ngumiti sa head physician namin at sa lahat.

"No. Hindi ko siya kilala. Who is she?"

Sana nga hindi ko na siya nakilala. Tinitigan ko siya ng masakit at nakita kong parang iiyak siya sa sinagot ko. "Tama lang yan, bagay yan sa'yo." bulong ng isip ko ngunit hindi kayang sambitin ng dila ko. Nangigilid na ang mga luha sa mga mata niya pero ramdam kong pinipigilan niya itong tumulo.

Maya-maya pa biglang siyang tumayo, "Excuse me everyone, I have an emergency," dali-dali siyang umalis sa board room. Nabigla ang ibang doktor sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Alam kong hindi niya inaasahan na makikita niya ako ngayon. Maging ako, hindi ko inasahan na makikita ko siya dito.

"Uhm, Dr. de Silva pasensya ka na at sana hindi mo mamasamain. Ganito talaga ka busy ang hospital sa tuwing may emergency at kailangan ng cardiologist. Ako na ang humihingi ng pasensya para kay Dr. de la Torre sa pagmamadali niyang umalis. And me myself, kailangan na rin umalis. Thank you everyone and welcome to Mendrez Hospital." Nakangiting sinabi ng isang chinitong doktor sa lahat at agad na ring umalis. Kung hindi ako nagkakamali boyfriend o kaibigan niya ito.

KUMIKISLAP-KISLAP ang ilaw sa Bar na ito pero ang madilim na sulok nito ang napapansin ko. Nakakatatlong bote na ako ng beer pero kulang pa iyon para mawala sa isip ko ang nangyari kanina. "Miss, isa pa nga." Sabi ko sa babaeng nagbabantay. Umiling ako ng maalala na naman ulit ang nangyari kanina. Limang taon ang lumipas bago siya nagpakita sakin. Unbelievable. Tsk. Nakaya niya Flynn.

Nakaya niyang wala ka sa limang taon na 'yun. "Isa kang gago na hinanap siya sa loob ng tatlong taon. Gago." Hinanap ko siya kung saan-saan, nakarating na ako sa iba't-ibang bayan sa paghahanap sa kanya, nagpunta na ako sa mga pulis umiiyak at nagbabakasakaling makatulong sila sa paghahanap dahil baka kinidnap na siya. Araw-gabi ko siya hinanap sa loob ng tatlong taon. Nagbabakasakaling makita ko siya at maituloy namin ang kasal.

She was my fiance.

Umalis siya sa kalagitnaan ng paghahanda namin sa kasal. Umalis siyang hindi man lang nagpagpaalam kung saan pupunta. At sa natitirang dalawang taon, tinanggap ko nalang na hindi na siya babalik dahil kung mahal niya ako hindi niya gagawin yun. Gago. Hindi ka lang pala mahal kaya ka niya iniwan. Inuna niya ang career niya kaysa sa akin. Gago mo talaga, Flynn.

"Flynn, what are you doing here?" Nagtatakang tanong ng isang pamilyar na boses, alam kong si Bella ang nagtanong.

"Nagcecelebrate lang." Walang gana kong sagot sa kanya.

"Kilala kita. Hindi ka ganyan kung masaya ka," dagdag pa nito pero hindi ko na iyon pinansin. "Let me guess, it's Steffi right? I can't believe it! Problema mo pa rin pala ang babaeng yun?" May halong galit ang tono ng pananalita niya kaya hinarap ko siya.

"It's none of your business Bella," saway ko pa pero inirapan niya lang ako.

"Napaikot kana talaga ng babaeng yun sa palad niya. Iniwan kana ng limang taon, wag mong sabihin na hanggang ngayon mahal mo pa rin?!" Galit nitong tanong sa akin at hindi ko napigilan ang sarili ko.

Unfaithful (Complete & Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora