💍33 : Her Conscience

3.1K 62 2
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

BELLA

Why is she suffering from a rare case after a surgery? I still don't get it why. Isa lang ang sigurado ako, umalis siya dahil ayaw niyang malaman ni Flynn ang sitwasyon niya. Ngayon pa lang parang pinapatay na ako ng konsensya ko pero hindi, hindi ako dapat sumuko dahil lang nalaman ko ang totoo.

Nangigilid ang mga luha sa mata ko habang lumalapit ako sa kanya. Makailang ulit akong huminga ng malalim bago ko hinawakan ang kamay niya. Akala ko hindi niya ako mararamdaman ngunit dahan-dahan siyang humarap sa direksyon kung nasaan ako nakatayo. Napaatras ako ng makitang nakatitig siya sa akin. 

"Don't worry, hindi ka niya nakikita." rinig kong sinabi ni Stephen sa mesa. Napatingin ulit ako kay Steffi at nakita kong napatingin na siya ulit sa kisame. Binitawan ko ang kamay niya at lumapit ako kay Stephen.

"Who are you?" tanong ko sa kanya.

"I'm Stephen Lee. Scholar ako ng BHI at isa akong nurse at the same time, I'm a med student just like you." sago niya sa akin. Napakunot noo ako dahil bakit alam niyang med student din ako. Bukod sa sinabi ko kanina na isa akong PGI, nararamdaman kong kilala niya talaga ako.

"Have we met before?" tanong ko ulit sa kanya. Mabilis siyang umiling at tinuro lang ang picture frame sa gilid ng mesa. Napaatras ako sa gulat ng makita ko ang litrato namin nina Steffi at Kate.

"No, I don't know you but I know you know her well. She is your best friend, right? Why you have to lie? Bakit takot na takot kang makita ka niya? Bakit di-neny mo kanina na hindi mo siya kilala?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. Halos naistatwa ako sa mga tanong niya dahil hindi ako handa. Pero wala na akong takas, hindi pa man ako nakakaalis nalaman na niya kaagad ang koneksyon ko kay Steffi. 

"Yes, I'm her best friend. Matagal na namin siyang hinahanap dahil umalis siya dalawang taon na ang nakalipas. I'm happy to see her again." nakangiting sinabi ko sa kanya. Umaliwalas ang mukha ni Stephen at bigla siyang napangiti sa akin. 

"That's great! Uhm, since you are the best friend, can I ask you a favor in behalf of her?" Nakangiti niyang tinanong sa akin. Alam ko na ang patutunguhan ng usapan namin kaya kaagad na akong nag-isip ng idadahilan o isasagot.

"Pwede mo bang sabihin sa fiance niya na pumunta siya rito? Alam kong masisira ang pagkakaibigan namin ni Steffi sa gagawin kong 'to pero ito lang ang paraan na alam ko. She really needs him right now. Please. Matutulungan mo ba ako?" pagmamakaawa niya. I nodded and I also smiled at him. I held his hand to reassure him. 

Napatingin ulit ako kay Steffi na natutulog na. Lumabas ako sa isolated room na di makapaniwala sa nakita ko. Nilibot ng mga mata ko ang buong paligid at ipinangako ko sa sarili kong hindi na ako ulit babalik sa lugar na ito. 

Kakaaksidente pa lang ni Flynn at halos mabasag ang buto sa kamay niya dahil sa aksidente. Hindi ko kayang maulit pa ang nangyari sa kanya kaya mas mabuting tumahimik nalang ako. Ngayon na nalaman ko na kung nasaan si Steffi at kung ano ang kalagayan niya, mas hindi ko sasabihin kay Flynn ang totoo. 

Napahinto ako sa main gate ng BHI ng maalala kong hindi ko naitanong kay Stephen kung bakit siya nagpa-opera at kung ano ang pinaoperahan niya. Naiinis kong kinamot ang ulo ko. Dali-dali nalang akong umalis sa BHI. Kung ano man ang pinaoperahan niya alam kong hindi iyon basta-basta at nararamdaman kong hindi rin siya tatagal.

NAPATINGIN AKO KAY Stephen na hanggang ngayon pinapanood pa rin sina Steffi at Flynn. Hindi ko maiwasang mahiya kay Stephen sa ginawa ko. Inuusig ako ng konsensiya ko sa tuwing nakikita ko siya. Alam kong kahit hindi ako magpaliwanag sa kanya alam niya ang naging dahilan ko kung bakit nagsinungaling ako sa kanya noon. Ipinagpatuloy ko ang panonood sa kanila habang kumakain silang dalawa. This woman infont me was a warrior. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik siya at nakaya niyang lampasan ang sitwasyong iyon. 

Unfaithful (Complete & Editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin